Mariel Rodriguez and Robin Padilla want to inspire others to fall in love via their documentary

"Gusto naming i-share yung love namin. Gusto talaga naming mang-inspire sa mga tao na hindi ka naman dapat matakot mag-fall in love. Hindi ka naman dapat matakot to do what's right," says Mariel Rodriguez about her documentary with husband Robin Padilla.


Live na nag-guest si Mariel Rodriguez sa The Buzz kahapon, March 27, kung saan ang kanyang kaibigan at co-host sa Happy, Yipee, Yehey! na si Toni Gonzaga ang nag-interview sa kanya.

Ayon kay Toni, meron siyang sinabi kay Mariel sa umpisa ng show na may mga itatanong siya rito na hindi pa niya naitatanong kahit araw-araw silang magkasama sa noontime show ng ABS-CBN.

Ibinuko rin ni Toni na ang ring tone ni Mariel sa kanyang cell phone ay ang kanta ni Robin na "Ipagpatawad Mo." At kapag nag-ring na raw yun, sasagutin na ito ni Mariel ng "Yes, Babes..."

"That's specifically for Robin. Kasi kung napapansin mo, hindi nagri-ring ang phone ko, naka-silent mode siya talaga. Pero kapag kay Robin, tumutunog," tila kinikilig namang kuwento ni Mariel.

Ang unang tanong ni Toni ay kung nasaan si Robin sa mga oras na yun?

"Papunta siyang SM Bacoor, kasi merong tour ang Tum doon. Actually, right after this, pupunta kami do'n," banggit ni Mariel sa pelikulang pinagtatambalan nila ng kanyang mister.

DOCUMENTARY. Ikinuwento naman ni Mariel ang documentary nila ni Robin, ang Isang Landas, na ipinalabas kagabi sa ABS-CBN.

"You know how you want to keep the moment? It started out like that, hanggang sa nanganak na nang nanganak. Although si Robin has been doing it since forever. As in, forever!" sambit niya.

Kuwento naman ni Toni, nabanggit daw ni Mariel sa kanya before na noong hindi pa siya nililigawan ni Robin, sa Wowowee raw ay nire-record at kinukuhanan lahat ng action star.

"Grabe, di ba? Lahat kinukuhanan niya, meron siyang cameraman. Hindi ko naman alam na magiging asawa ko pala siya. I remember, meron pa akong picture... hawak-hawak ko pa ang camera!" natatawang pag-alala ni Mariel.

Gaano kadali o kahirap na pumayag silang isapubliko ang mga pribadong pinagdadaanan nilang mag-asawa, lalo pa nga't isa sa kinikilalang action star si Robin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, hindi siya mahirap at all," sagot ni Mariel. "Kasi, gusto naming i-share yung love namin. Gusto talaga naming mang-inspire sa mga tao na hindi ka naman dapat matakot mag-fall in love. Hindi ka naman dapat matakot to do what's right."

Pang-eengganyo pa ni Mariel kay Toni, dapat daw panoorin nito ang docu nila ni Robin dahil baka bigla raw silang magpakasal ng boyfriend niyang si Paul Soriano.

Dugtong pa ni Mariel, "Pero talaga... Kasi, feeling ko, yung mga tao, natatakot sila, naiisip nila, 'Ayoko pang magpakasal.' Pero ako, I tell them every time [they ask], 'Kumusta ang buhay may asawa?' 'Ang saya!'

"Hindi ba, palagi kong sinasabi sa 'yo, 'Toni, I just wanna be a housewife.' Kapag tine-text mo ako, 'Ano ang ginagawa mo ngayon?' 'Eto, nagpapaka-housewife.'"

Dagdag naman ni Toni, kapag tine-text daw niya si Mariel kung ano ang ginagawa nito, sinasagot daw siya nito ng: "I'm peeling oranges for my husband."

MADRASTA. Gaano naman kahirap ang mag-adjust sa married life, lalo na sa kaso nila ni Robin na may mga anak? Although, dugtong din ni Toni, tila hindi raw nahirapan si Mariel dahil lumalabas na mas close pa siya ngayon sa mga anak ni Robin.

Kuwento pa ni Toni, binibisita raw si Mariel ng mga anak ni Robin na sina Queenie at Kylie sa Happy, Yipee, Yehey!

Ayon naman kay Mariel, "Kasi, we're friends. Yung parang... hindi siya, walang authority, we're really just friends. At saka, marami kaming [things] in common kasi. They are also in showbiz, mga babae rin sila, at saka siyempre, medyo hindi naman ganoon kalayo ang age difference namin. Naiintindihan ko what they are going through, ganyan."

How is Robin as a dad to his children?

"Para lang din silang magpi-friends, e," sagot ni Mariel.

What about her as stepmom?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't look at myself as a stepmom. Just friend lang... step-friend. Friend lang talaga!" natatawa niyang sabi.

Dugtong niya, "I know that no one can replace the mom. Kasi ako rin, meron din akong stepmom at alam ko na may nanay rin talaga ko. Feeling ko, mas magwo-work yung relationship. Sinabi ko na rin yun."

Ayon kay Toni, alam daw ni Mariel kung saan ito lulugar and that she has a high level of respect for Liezl Sicangco, Robin's ex-wife.

"Oo," sambit ni Mariel. "Di ba, sabi ko sa 'yo all the time, grabe ang pagpapalaki nila sa mga anak nila."

LIEZL'S STATEMENT. Speaking of Liezl, ano naman ang masasabi ni Mariel hinggil sa statement ni Liezl na ayaw na nitong pag-artistahin ang mga anak nila ni Robin dahil tila nakakalimutan na ng mga anak na i-practice ang Muslim faith nila?

"Actually, in Queenie's E-Live interview yesterday, sinabi niya, yung Mama niya, nire-remind lang naman sila kasi yung Mama nila, bumalik sa faith ang Mama nila. Gusto lang din ng Mama nila na bumalik sila sa faith.

"Pero I remember kasi, during Christmas break, nagpunta sina Queenie at Kylie sa Australia. Tapos, pag-uwi nila, si Queenie, ikinukuwento sa akin na tinuruan siya ng mommy niya na mag-diet. Na gusto raw ng mommy niya, pag-uwi nila rito, ready siya for showbiz. Alam ko na may suporta.

"I think nire-remind niya lang talaga. Pinapatigil is such a strong word. Maybe she's just reminding. Wala naman ng lahat ng ito kapag nag-end ang mundo. We always have to be ready, di ba? Kapag nag-end ang mundo, ano ang sasabihin natin kay God? Siguro gusto lang ng Mama nila na ibalik ang faith nila," saad ni Mariel.

Hirit ni Toni, medyo iba na raw magsalita si Mariel ngayon at may "wisdom" na raw ang mga pahayag nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, medyo na-expose na ako. Aminado naman ako na before na hindi naman ganoon ka-strong ang faith ko," paliwanag niya.

Nagpa-convert na ba si Mariel sa Islam, na siyang relihiyon ni Robin?

"I am Catholic," sagot niya. "Like I've said, it is only now that I am getting to know my religion and it is because of Robin and Tum kaya talagang mas naaano ako. Kasi, paano mo iiwan ang isang bagay kung hindi mo naman talaga alam siya, di ba?

"So, ngayon, kinikilala ko talaga. Na ngayon, [of my own] free will kong ginagawa. Hindi yung parang forced ako ng magulang ko na magsimba."

TUM. With regards to their movie Tum, tawa nang tawa si Mariel nang sabihin ni Toni na halata raw na si Robin ang kumukuha kay Mariel dahil lahat daw ng anggulo nito ay magaganda.

Ano ang mga natutunan niya while doing the movie?

"Ang Indian culture, para rin silang mga Pinoy. Very respectful sila, nagmamano rin sila. Kumakain din sila gamit ang mga kamay nila. Super close din ang family nila, na parang tayo, kahit malaki na, nakatira pa rin tayo sa mga magulang natin. Ganoon din sila," sagot niya.

How is it working with her husband as director and co-actor in general?

"Kasi, hindi ko siya nakikita as ano... Kapag nakikita ko siya, 'Babes, saan ako?' 'Dito ako, Babes?' Ganoon ako... palaging ganoon pa rin. Minsan naano na siya sa akin, pero palaging 'Babes' pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN