Derek Ramsay denies rumor that he has a girlfriend from Dumaguete City

"Angel and I are very happy. If you don't like me for Angel, that's okay. Pero sana naman, isipin n'yo na lang ang happiness ni Angel. Maybe she's happy with me. But that's your own opinion. You can say what you want to say. But at the end of the day, desisyon namin ni Angel if masaya pa kami sa isa't isa," says Derek Ramsay about his relationship with girlfriend Angelica Panganiban.


Sa loob ng halos apat na taon na relasyon nina Derek Ramsay at Angelica Panganiban ay hindi sila halos nilulubayan ng intriga. Kasama na rito ang paglabas ng "intimate" photos nilang dalawa at ang away ni Angelica sa aktres na si Claudine Barretto.

Ngayon naman, may kumakalat na balitang may ibang girlfriend daw si Derek na nakatira sa Dumaguete City, ang capital ng Negros Oriental.

Ayon pa sa report, nakita raw ang aktor at ang sinasabing girlfriend niya na nag-check-in sa isang hotel. Umaga na raw nang tumawag sila ng room service.

Pero sa pamamagitan ng twitter ng kanyang kaibigan, nilinaw ni Derek na isang disenteng babae at nanggagaling sa disenteng pamilya ang babaeng pilit na inuugnay sa kanya at sinasabing girlfriend niya.

Ayon kay Derek, ang babaeng iniintriga sa kanya ang nagsilbing host at nag-asikaso sa kanya during the time na nag-i-scout siya ng frisbee players sa naturang lugar para makasali sa Philippine Frisbee Team, kung saan kabilang ang aktor.

Bilang pagtatanggol na rin sa kaibigan, hiniling ni Derek na tigilan na ang maling akusasyon na nakakasira ng ibang tao.

Idinaan naman ni Angelica sa kanyang personal blog ang kanyang saloobin tungkol sa bagong intriga sa kanila ni Derek.

Ayon sa aktres, "Mahirap-hirap po kaming patumbahin. Pinatibay na kami ng panahon at pinatibay n'yo kami. Kung patuloy n'yo kaming hihilahin pababa, patuloy naman kaming lalaban pataas."

Sa taped interview naman ng The Buzz kay Derek, minsan pa niyang sinabi na walang katotohanan ang kumakalat na balitang may girlfriend diumano siya sa Dumaguete.

Ayon kay Derek, "There's no truth to this thing. Nagpunta nga ako ng Dumaguete para mag-recruit ng player, tapos may girlfriend na ako? May tsinek-in daw ako sa hotel na kaming dalawa lang? Kasi nadadamay na rin ang hotel that I stayed in, mga pamilya ng mga kaibigan ko...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I gave my statement on twitter. Alam n'yo naman na wala akong twitter. Angel put her statement on her blog. And akala ko, that's the end of it."

Para naman sa nagkakalat ng mapanirang intriga, may gustong iparating si Derek.

Aniya, "I don't think gusto nilang sirain ang relasyon namin ni Angel. I think they are just concerned with Angel. But Angel and I have been together for almost five years and we're really, really happy.

"I don't know why kung bakit may mga lumalabas pa na ganito. Nasasaktan din ako, guys, sa mga nangyayari, sa mga nagagawa n'yo. I just smile it off. But sometimes, it's kinda insulting na lagi na lang ina-assume kahit saan ako magpunta."

Gusto namang ipahatid ni Derek sa mga tagahanga nila ni Angelica ang sumusunod:

"Sa mga fans namin ni Angel, thank you for supporting," sabi niya.

"Angel and I are very happy. If you don't like me for Angel, that's okay. Pero sana naman, isipin n'yo na lang ang happiness ni Angel. Maybe she's happy with me.

"But that's your own opinion. You can say what you want to say. But at the end of the day, desisyon namin ni Angel if masaya pa kami sa isa't isa," saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN