Star Factor winner Eula Caballero happy for batchmate Ritz Azul for bagging lead role in Mga Nagbabagang Bulaklak

“I realized that we have our own time to shine. She fits there and I’m happy for her also," says Star Factor winner Eula Caballero (in photo) about one of her runners-up, Ritz Azul, who got the plum role in Mga Nagbabagang Bulaklak.


May halong takot ang naramdaman ni Star Factor grand winner Eula Caballero nang ang batchmate niyang si Ritz Azul ay pumasok sa cast ng drama series na Mga Nagbabagang Bulaklak.

Si Eula kasi ang nanalo sa artista search ng TV5, pero si Ritz ang ginawang bida sa pangalawang dramaserye na ginawa ng Kapatid network.

"Parang nasabi ko at first na baka naisipan na ng TV5 na siya na ang i-develop at i-buildup. Parang I thought at one point na baka extra-extra na lang [ako]," matapat na pag-amin ni Eula nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa opening ng MVP Olympics sa Meralco compound last Friday, March 25.

Pero ayon kay Eula, ipinaliwanag naman sa kanya ni Audie Gemora, ang head ng Talent 5 na siyang namamahala sa careers ng talents ng Kapatid network, kung bakit si Ritz ang napiling maging bida sa serye at hindi siya.

"Nung in-explain naman sa akin ni Tito Audie... I really have to thank Talent 5 for this one. Kasi, they explained to me that it's a different role. Iba-iba naman kami ng image. And I'm not gonna fit in the role also," sabi ni Eula, na ang tinutukoy ay ang sexy image ni Ritz sa Mga Nagbabagang Bulaklak.

Dagdag niya, “I realized that we have our own time to shine. She fits there and I’m happy for her also."

Kung tutuusin naman daw ay una siyang nabigyan ng break via the weekly afternoon series na Luv Crazy. Dito ay nakatambal ni Eula ang Pilipinas Got Talent finalist na si Markki Stroem.

Bukod pa rito, isa si Eula sa itinuturing na "TV5 Princesses," kasama sina Alex Gonzaga, Danita Paner, Arci Muñoz, Jasmine Curtis-Smith, at Ritz.

MAKING A MARK. Ibinalita rin ni Eula sa PEP na magiging parte siya ng isa sa mga upcoming series ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'll be working on Bagets na po. Kaya I'm happy na rin," sabi ng Cebuana teen.

Ang Bagets ay isa sa television series na iko-co-produce ng Viva Entertainment para sa Kapatid network.

"Tapos na po kami mag-workshop. Siguro in the next days, mag-storycon na at mag-pictorial," banggit pa ni Eula.

Si Leo Martinez daw ang nagko-conduct at nagtuturo sa workshops nila.

"Masaya siya. He's teaching us to be natural and being yourself. And understanding the character," sabi ng newcomer.

Eula is also hoping that people will remember her for the role in Bagets.

"I hope sana na tumatak ang character ko, na maalala nila ako in that character. Sana maging memorable ang role ko para sa tao. Hindi ko siya iaarte bilang Eula. Sana matandaan nila na lumabas talaga ako sa sarili ko to fit into the character," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN