Mark Anthony Fernandez joins cast of I You Pare; says movie with Claudine Barretto will push through

Mark Anthony Fernandez plays a cop who will help Regine Velasquez-Alcasid's character in I You Pare. "Natatawa ako kay Regine, lalo na kapag duma-dialogue siya, nakakatawa," says Mark about the Songbird.


Kagabi, March 28, ay nagsimula nang mapanood si Mark Anthony Fernandez sa romantic-comedy primetime series ng GMA-7 na I ♥ You Pare, na pinagbibidahan nina Regine Velasquez-Alcasid at Dingdong Dantes.

Sa taping ng I You Pare kahapon sa Boiler Room, sa may Riverbanks Marikina, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mark.

Ginagampanan niya sa serye ang papel ni Chito Salazar, ang pinsang pulis ni Joel, na ginagampanan naman ni Marc Abaya.

"Si Joel, siya ang pinsan ko na humingi ng tulong sa akin para tulungan si Tonette na namumroblema sa kanyang buhay dahil nga nagdi-disguise siya," kuwento ni Mark.

Si Tonette ang pangalan ng character ni Regine sa serye, na kinailangang magpanggap na bading dahil pinaghahanap siya ng killers at mga pulis.

Alam daw ni Mark na babae talaga si Regine sa serye bilang si Tonya at medyo magkakagusto raw siya rito. Ito ang dahilan kaya magkakaroon sila ng konting conflict ni Dingdong.

"Konti lang, konting-konti. Hindi naman conflict na motivated," sabi ng aktor.

Ano ang naging reaksiyon niya nang makita niya si Regine na naka-anyong bakla?

"Kanina, speechless!" sagot ni Mark. "Pero noong una kong makita ang teaser nila ng I You Pare, bago mag-airing, sabi ko, magandang proyekto 'to, nakakainggit nang konti. Sabi ko, sana ako na lang ang nandoon. Yun."

Dagdag niya, "Natatawa ako kay Regine, lalo na kapag duma-dialogue siya, nakakatawa."

Ang I You Pare ang pangatlong proyekto na pinagsamahan nina Mark at Regine. Una silang nagkasama sa Ako Si Kim Samsoon at nasundan ng Diva.

MOVIE WITH CLAUDINE. Confidential pa raw kung ano ang next project ni Mark. Pero mas gusto raw nila ng kanyang manager na si Dondon Monteverde na pelikula muna ang kanyang gawin.

Ito yung matagal nang pinag-uusapang pelikula na pagsasamahan nila ng kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto sa Viva Films.

Ayon kay Mark, "Ang pagkakaintindi ko, tuloy naman siya, anytime soon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yun nga lang, may balitang hindi na ito co-produced ng Viva Films sa GMA Films.

Pero tiniyak ni Mark na matutuloy ang movie.

"Ang alam ko nga sometime this March or next month dapat," banggit niya.

WORKOUT AND FAMILY. Habang hindi pa siya masyadong busy sa kanyang showbiz career, ang pagwo-workout muna raw ang inaatupag niya. Nang humarap nga si Mark sa PEP at iba pang media kahapon, kapansin-pansin ang magandang pangangatawan nito.

Pagdating naman sa kanyang buhay-may-asawa, ayon kay Mark, okay naman ito, kahit aminado siyang nagkaroon sila ng problema noon ng misis niyang si Melissa Fernandez.

"Okay naman, okay naman. Minsan, may mga bagay na gustong intindihin. Pero ano lang yun, part of the growing process sa misis ko," saad niya.

Personal choice din daw ni Mark na maging housewife at huwag pagtrabahuhin si Melissa.

"Opo, choice ko. Para nakabantay lang din siya sa mga bata," rason niya.

HALF-BROTHER. Natutuwa naman si Mark na pumasok na rin sa showbiz ang kapatid niya sa ama na si Renz Fernandez. Si Renz ay anak ng yumaong Rudy Fernandez sa asawa nitong si Lorna Tolentino. Si Mark naman ay anak ni Rudy sa dating aktres na si Alma Moreno.

"Sobrang saya ko na pagka-graduate niya, nagtatrabaho na siya," sabi ni Mark. "At least, pagkatapos niyang mag-graduate, meron siyang trabaho agad kaya nakakatuwa yun.

"At saka, nakakatuwa, anak ni Lorna Tolentino, makikita nating umarte. So, sana bigyan siya ng mga challenging roles."

Ayon kay Mark, may communication sila ng kanyang kapatid sa ama.

"Palagi kaming nag-uusap no'n. Hindi man kami magkausap, text-text naman."

INDIE FILMS. Hindi pa raw naranasan ni Mark na magsuot ng damit-pambabae sa anumang project na nilabasan niya. Nang tanungin siya kung kaya niyang gawin ito, sinabi ng aktor na kaya niya basta gawa ito ng respetadong theater groups gaya ng PETA at Repertory Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang opinyon niya sa indie films?

"Well, siyempre, some are bold... It's nice to see that some of them are getting successful. There's nothing wrong on being bold pero, you know, ano ako talaga—PETA, Repertory...nandoon talaga ang puso ko," sabi ni Mark.

Hindi niya kaya ang ginagawang daring scenes ng ibang indie actors, tulad na lang ni Coco Martin na nagsimula sa indile films?

"Basta decently bold, okay lang," sagot ni Mark.

May nagawa na ring indie film si Mark, ang Hopia, na inilaban sa festivals abroad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN