Tim Yap thinks Tweetbiz has helped in his goal to position himself as a TV host

Ano ba ang objectivity para kay Tim Yap?

"Objectivity is reporting it as it is and, di ba, we're always asked for our opinions? Our opinion is our opinion. And that's where subjectivity comes in. And that's separated from how we present the news as what it is, as fact. Di ba?" saad niya.


Kagabi, March 28, ay ginanap ang pocket presscon para sa Tweetbiz Insiders sa Executive Lounge ng GMA-7 sa Quezon City.

Dito ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tim Yap, ang pinakamatagal nang host ng showbiz news program. Ayon kay Tim, masaya siya at may bago ng mga host ang Tweetbiz Insiders—sina Gelli de Belen, Fabio Ide, at Chariz Solomon.

December 2009 nang unang umere ang Tweetbiz sa QTV-11. Noong February lamang ito naging Tweetbiz Insiders, nang maging GMA News TV ang Q11.

Ang iba pang host ng Tweetbiz Insiders ay sina Manay Lolit Solis, Justine Ferrer, Gorgy Rula, Danzen Santos, at Ronnie Carrasco.

Pahayag ni Tim, nararamdaman daw niya na may pananagutan siya bilang pinakamatagal na host.

"Maybe the longest-staying host in the show means I have more responsibility in, you know, tying everything together, in making sure that there's synergy within the dynamics of everyone. Everybody in the show brings in something to the equation, di ba?

"Everybody brings something new to the table. Kumbaga, my role, I guess, as a host, our role now, with Gelli and Manay Lolit, is to make sure in the table the lazy susan moves around well, and the show follows its vision," paliwanag ni Tim.

Pagpapatuloy niya, natutupad na ang plano niyang maging TV host dahil sa Tweebiz Insiders.

"When I was assigned an entertainment show, it proved my flexibility as a host na talaga. Kasi I can be thrown any subject, and I can host it. And I can be the moderator of that particular subject. Parang ganun. Which is what I have always actually wanted. And it's along the direction of where my goals lie—to be a host," saad niya.

SHOWBIZ FRIENDS. Sabi pa ni Tim, dumami raw ang kanyang mga kaibigan sa showbiz simula ng naging host sa ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi kaya nagkakaproblema ang mga pakikipagkaibigan niya sa showbiz celebrities kapag may mga inire-report siyang masama tungkol sa mga ito?

Sagot ni Tim, hindi pa raw niya nae-experience ang ganitong sitwasyon.

"Well, alam naman ng celebrities, in general. They know that what they do is fodder for news and entertainment shows, for shows that report on entertainment as news, di ba?

"That what they do is newsworthy. And as long as we are not fabricating anything false about the artist, then it is our job to report it. So tanggap na yun ng mga artistang katrabaho namin."

Minsan pa nga raw ay nagbibigay pa ang ilang artista ng leads kay Tim.

"Because they know, the ones who know better, they know what to present to the public. It's a one plus one equals two equation. Di ba?

"They know that the public needs to be informed. That's why there's Twitter, because they broadcast it on their own.

"Now, as a Tweetbiz entertainment show host, what I do is to collate it together and present it to an audience," saad ni Tim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN