Ali Sotto returns to hosting a morning show via Starbox

"Recently, ang dami ko nang mga kaibigan I lost. Yung may realization na Johnny Delgado passed, Rudy Fernandez is gone... Meron na rin akong mga kaibigan ngayon na widowed and meron na rin akong mga kaibigan who are sick. Ngayon na lang ako magkakaroon ng appreciation na dapat pala, kapag nag-birthday ka, i-celebrate. Yung may thanksgiving palang talaga. So, I might still change my mind," says Ali Sotto about celebrating her 5oth birthday this year.


Balik-telebisyon ang singer-TV host na si Ali Sotto.

Pagkatapos ng tatlong taong paninirahan sa Madrid, Spain—kasama ang asawa niyang si Omar Bsaeis, isang diplomat—maghu-host uli ng isang morning program si Ali. Ito ay ang Starbox na magsisimula nang mapanood sa April 4 sa GMA-7.

Ayon kay Ali, nagustuhan agad niya ang konsepto ng show nang ialok ito sa kanya.

"Sabi ko, 'Ano ang concept?' Sabi ko, 'Wow! Bago! May challenge.' So, it's not cut-and-paste. Sabi ko, sa mga prinisinta na sa aking talk show, talk show-talk show, ano ang iba sa talk show na ito?" sabi niya.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Ali sa press conference ng Starbox kahapon, March 28, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Supportive naman daw ang kanyang second husband, na nagtatrabaho sa US State Department, sa muli niyang pagiging talk show host.

"Supportive yun. Kasi naman, alam niya na every time he tells me, from Mexico to Madrid, talagang iniwan ko lahat just to join him. And for what? Talagang literal, ako ang naglalampaso, ako ang nagluluto, ako ang naglalaba, ikaw ang namamalengke... Yung housewife ka talaga," kuwento niya.

Na-miss niya ba ang showbiz?

"Aba siyempre!" mabilis naman niyang sagot. "I've been doing it since I was 16. So, yun na ang groove ko talaga. Pero masarap din ang diplomat's wife."

Sagot daw sa dasal ni Ali ang bagong show niya sa GMA-7.

"Ipinagdasal ko. Sa akin talaga, sabi ko, 'Lord, kung saan Mo ako gustong ilagay to do your work, doon Mo ako ilagay.'"

May balita na ang Starbox daw ang itatapat sa toprating morning program ng TV5 na Face To Face, hosted by Amy Perez. Pero mukhang mag-o-overlap ang Starbox sa Face to Face at Showtime ng ABS-CBN.

"Honest to God, hindi ko pa napapanood ang Face to Face," sabi ni Ali. "But from what I heard...ang peg nila is...something I cannot do. At saka if that type of show ay papanoorin nga ng tao, there's a certain market share for that na papanoorin, pero hindi siya papasukin ng advertisers. I would rather be part of the show na alam mo that the advertising industry will support it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pressure ba sa part niya pagdating sa ratings?

"Oo naman," sagot ni Ali. "Kasi, iba na ngayon, e. Highly competitive. But you know, whereas kahit na you know what the competition is doing, ang ano lang sa 'yo, the pressure is to do your best. Yun lang. You compete against yourself first and foremost."

GOLDEN GIRL. More than 30 years na raw si Ali sa showbiz, kung saan nagsimula ang kanyang career bilang isang singer at nakilala sa screen name na Aloha. Although this time, ang asawa na lang daw niya ang kinakantahan niya.

Inamin din ni Ali na she will turn 5o this year.

Magkakaroon ba siya ng engrandeng party to celebrate her golden year?

"Bahala na ang asawa ko," sagot niya. "Pero kung ako ang tatanungin mo, ayoko ng party. Hindi ako ganoon. Ayoko lang... I'd rather na dalhin mo ako...surprise me with a getaway somewhere.

"But recently, ang dami ko nang mga kaibigan I lost. Yung may realization na Johnny Delgado passed, Rudy Fernandez is gone... Meron na rin akong mga kaibigan ngayon na widowed and meron na rin akong mga kaibigan who are sick.

"Ngayon na lang ako magkakaroon ng appreciation na dapat pala, kapag nag-birthday ka, i-celebrate. Yung may thanksgiving palang talaga. So, I might still change my mind."

Sila naman daw ng unang asawa niyang si Maru Sotto ay magkaibigan pa rin, gayundin ang pamilya Sotto na kinabibilangan nina Tito at Vic.

"Nandoon ako noong wedding ni Oyo Boy [Sotto]. Hindi kami strangers, friends kami," banggit pa ni Ali.

LIFE IN EUROPE. Na-miss man daw ni Ali ang showbiz, hindi naman daw niya puwedeng sabihin na hindi niya nagustuhan ang buhay sa Europe.

"Pareho lang na gusto kong buhay. Doon kasi, hindi ka showbiz, may upside yun—that you can go anywhere. Nandoon ka sa Europe. Nasuyod mo ang Europe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You get in the car, you can drive to Portugal. You get in the car, you can go up North, to San Sebastian. And then, 45 minutes lang, you can cross the border to France and you can go on and on and drive. Mag-Monaco ka na.

"Iba ang lifestyle do'n and I did all that. Hindi ko ipagpapalit yun. Na kahit naglalampaso ako at namamalengke ako, nagluluto ako, keri ko yun. Kasi, nasuyod ko na.

"Ang ikli ng buhay. Who will... Not everybody gets the chance. 'Iniwan mo yung career.' 'Weh, ano naman? Nasuyod ko naman ang Europe!'"

ANGEL LOCSIN. Kahit matagal nang namayapa ang anak na si Miko Sotto sa isang freak accident sa condo unit nito sa Mandaluyong noong 2003, hindi pa rin naiiwasang itanong kay Ali ang naging girlfriend ng anak niya that time na si Angel Locsin.

Ayon kay Ali, last month lang daw ay nagkita sila ni Angel.

"Iniwan ko sa kanya... Remember si Miko, gave me a dog? Yung Christmas before he died. Then, he passed away December 29. Si Chaba yung dog.

"But I had to leave Chaba with Angel when I left for Madrid. Three years niyang inalaagan si Chaba.

"E, you know, understanding naman. Noong dumating ako, sabi ko, 'Angel, can I have Chaba back?' Yun, hinatid niya sa bahay," kuwento ni Ali.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN