Gelli de Belen surprised by "horror stories" about Bampirella co-star Marian Rivera

Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg"> Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg"> Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg">

Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg"> Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg"> Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg"> Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg">

"Mas naiintindihan ko na ngayon kung ano yung flavor na puwede kong maibigay sa show. I find it more fun now. Kasi in the beginning, masaya naman talaga ako. Ngayon, mas masaya pa!" says Gelli de Belen about her hosting stint on Tweetbiz Insiders.


Nakaisang buwan na si Gelli de Belen mula nang mag-umpisa siya noong February 28 bilang isa sa main hosts ng showbiz talk show ng GMA News TV Channel 11, ang Tweetbiz Insiders, na napapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 a.m. at 7:10 p.m.

Mas comfortable na raw siya sa show at swak na swak na raw ang pakiramdam niya kasama ang hosts na sina Tim Yap at Lolit Solis, gayundin ang iba pang kasama sa show na sina Fabio Ide, Gorgy Rula, Ronnie Carrasco, Danzen Santos, Justine Ferrer, at Chariz Solomon.

"Mas naiintindihan ko na ngayon kung ano yung flavor na puwede kong maibigay sa show. I find it more fun now. Kasi in the beginning, masaya naman talaga ako. Ngayon, mas masaya pa!

"I guess because nagkaka-bond na rin kami sa set. I feel more comfortable now in expressing my views on certain topics. At saka I feel na ibang flavor din nga yung maibibigay ko sa show bilang artista," sabi ni Gelli.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gelli sa presscon ng Tweetbiz Insiders noong March 28 sa 17th floor ng GMA Network.

Thankful nga raw siya na nakasama siya sa show dahil marami siyang isyung nalalaman.

"Oo, ang dami kong nalalaman. Bilang tsismosa ako as a person, mas marami akong nasasagap na tsismis at issues ngayon," sabi ni Gelli.

Sa tingin niya, ano yung kaibahan ng Tweetbiz Insiders sa ibang showbiz talk shows?

"Siguro yung pagiging natural at candid ng usapan sa show. Lahat kasi kami ay free to talk about a certain topic or issue. Minsan magulo, pero magulo na masaya, hindi yung magulo na nakakainis.

"Kasi minsan, lahat kami maraming alam about the issue so gusto naming magsalita lahat. Pero siguro yung isang bagay sa amin ay marunong kaming magbigayan at rumespeto sa mga kasamahan namin.

"May mga segments din kami sa show na wala sa iba. Katulad nung 'Tweetserye Presents' kung saan isang artista ang sinusundan ng Tweetbiz sa kanyang mga activities and it runs in the show for a whole week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nandiyan din si Fabio sa kanyang 'Fabio News,' na hindi lang eye candy sa show, but nakakadagdag din sa aliw factor dahil sa nakakatuwang pagbabalita niya sa baluktot na pagta-Tagalog. Pati yung blind items ni Gorgy ay talagang nakakabaliw minsan.

"Ito yung show na maraming reasons kung bakit gugustuhin mong manood ng isang showbiz talk show," mahabang paliwanag ni Gelli.

Paano naman niya ikukumpara ang showbiz talk show hosting sa pagho-host niya noon sa morning talk show na SiS?

"They're both interesting to me, pero on different levels. I can't say I like this more or that more. I just get a different high from hosting different types of shows. Gusto ko silang pareho."


DEALING WITH INTRIGUES. Bagamat kasama siya sa isang show na tumatalakay sa mga showbiz intriga, hindi raw siya worried na maintriga dahil wala naman daw iintrigahin sa kanya.

Mas marami pa nga raw intriga ang mga kaibigan niya o yung mga taong malapit sa kanya. Kaya ang nangyayari tuloy ay siya kung minsan ang hinihingan ng pahayag tungkol sa mga isyung kinasasangkutan ng mga taong close sa kanya, tulad ng kapatid niyang si Janice de Belen o di kaya'y ng mga kaibigan niya gaya ni Aiko Melendez.

Paano niya hina-handle ang mga ganitong intriga?

"Ako naman, as much as possible, gusto ko na sila ang sumagot sa mga intriga nila. Pero minsan, may mga time na feeling mo may karapatan ka ring magsalita for them.

"Like, kunwari alam mo naman na hindi totoo ang isang mapanirang tsismis sa kanila, siyempre natural lang naman na ipagtanggol ko sila, di ba? Siguro naman bilang kapatid o kaibigan, karapatan ko rin na itama yung sa tingin ko ay sobrang foul na isyu about them.

"But of course, I let them speak more. Ayoko lang na may naaagrabiyado akong mahal sa buhay," sabi ni Gelli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

IN DEFENSE OF MARIAN. Maging ang mga katrabaho niya ay kaya daw niyang ipagtanggol laban sa mga negative issues—in the name of fairness bilang isang showbiz talk show host at kasamahan sa trabaho.

Katulad na lang ni Marian Rivera na kasama niya ngayon sa Spooky Nights Presents Bampirella, na napapanood sa GMA-7.

Nagtataka nga raw siya kung bakit marami siyang "horror stories" na naririnig tungkol sa ugali raw ni Marian. Biro pa nga niya, hindi naman daw ang ugali ni Marian ang horror kundi yung show nila.

"Even before I worked with Marian in Bampirella, nakatrabaho ko na siya sa isang commercial. I found her naman... she's really nice. Wala akong problema kay Marian.

"And even when we worked together, never akong nagkaroon ng problema with her. Okay si Marian katrabaho, she's very professional.

"Medyo nagugulat nga ako at nagtataka sa sinasabi ng ibang tao. May mga horror stories na I didn't see naman when I was working with her. E, siyempre, iba-iba 'yan, iba-ibang sitwasyon, iba-ibang pangyayari, iba-ibang tao.

"Ewan ko sa ibang artista, pero sa akin—okay sa akin si Marian. Actually, siya nga ang kasama ko sa set palagi. She's nice," sabi ni Gelli.

Ano ang memorable moment niya with Marian?

"Magka-eksena kasi kami madalas. Tapos, hirap na hirap siya sa pangil niya. Paulit-ulit kami kasi nalalaglag yung pangil niya. Nakaka-ilang takes kami. Pero tawa lang kami nang tawa," kuwento ni Gelli.

Kahit nga raw tapos na ang taping nila ng Bampirella ay in-touch pa rin daw sila ni Marian.

"Yes, we still text each other once in a while. Tapos na ang taping namin, pero after the pilot episode last March 26, mapapanood pa rin kami for three more weeks."

Happy nga raw sila na maganda ang naging pagtanggap ng mga tao sa pilot episode ng Bampirella. May kasunod na ba ang Bampirella?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa. I'm now concentrating dito sa Tweetbiz. I'm sure meron namang dadating," sagot ni Gelli.

Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg"> Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg"> Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg">


Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg"> Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg"> Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg"> Bampirella co-star Marian Rivera" data-url="https://www.pep.ph/news/28876/gelli-de-belen-surprised-by-horror-stories-about-bampirella-co-star-marian-rivera" data-desc="Gelli more comfortable now with her hosting stint on "Tweetbiz Insiders."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/e426710a8.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN