Marc Abaya says his mom, director Marilou Diaz-Abaya, remains strong despite recurrence of breast cancer

"Bilib na bilib ako kay Mom kasi hindi niya talaga ipinapakita sa amin na naghihirap siya. Kasi, mas mahalaga kay mom ang well-being namin kesa sa sarili niya," says Marc Abaya about his mom, multi-awared director Marilou Diaz-Abaya.


Marami ang naaaliw sa storyline ngayon ng I ♥ You Pare, kung saan "pinopormahan" ni Paolo Ballesteros as Vodka si Marc Abaya as Joel. Gumaganap si Paolo bilang drag queen samantalang si Marc naman ay bouncer sa serye.

Natutuwa naman daw si Marc kay Paolo.

"Mahal na mahal ko rin siya as a friend, as an actor. Bilib na bilib ako sa method niya. Pinapanood ko siya, pinag-aaralan ko siya. Once nag-makeup siya, hindi na talaga siya si Paolo.

"He's very interesting kasi napakabait na tao, napakahusay na artista. At yun, ngayon ko lang siya nakilala bilang artista kasi napapanood ko lang siya dati sa Eat Bulaga! So, nakakatuwa naman."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marc sa taping ng GMA-7 romantic-comedy series sa Riverbanks, Marikina noong Lunes, March 28.

Sa totoong buhay ba ay may tulad ni Vodka na nagkagusto sa kanya?

"Hindi naman kasing-aggressive ni Vodka," sagot niya. "Harmless naman. Hindi naman nanliligaw. Mga hirit-hirit lang, smile-smile. All harmless banter."

MUSICIAN/ACTOR. Ang unang passion talaga ni Marc ay music, kung saan nakilala siya bilang vocalist ng bandang Kjwan. Pero ngayon ay nalilinya na nga rin siya sa pag-arte. Bukod sa I Heart You Pare, may indie films na rin siyang nagawa at ginagawa.

Pero ayon kay Marc, "Naninibago pa rin po ako sa buhay ng showbiz. Mas sanay po ako sa [buhay] musikero.

"Hindi ko naman po napapabayaan yung music. I make time for music. Kapag weekend po, katulad last Sunday, kahit ngarag na ako, nagtrabaho ako buong weekend. Nag-jamming pa rin po kami. Nagsusulat pa rin ng kanta. Sana by this year, makalabas po ng album."

Kasama rin si Marc sa weekly horror-comedy series ng GMA-7 na Spooky Nights Presents Bampirella, na pinagbibidahan ni Marian Rivera.

DIREK MARILOU'S SON. Si Marc ay anak ng premyadong direktor na si Marilou Diaz-Abaya. Si Direk Marilou ang nagdirek ng ilan sa pinakamahuhusay na pelikula sa bansa: Brutal (1980), Moral (1983), Karnal (1984), Baby Tsina (1985), Milagros (1995), Sa Pusod ng Dagat (1998), Jose Rizal (1998), Muro Ami (1999), at Bagong Buwan (2000).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabanggit sa amin ng singer-actor na nagpapagaling daw ang ina niya ngayon dahil bumalik ang cancer nito.

"Kasi po, bumalik yung cancer niya, stage 4. Recurrent siya, e. Cancer of the breast po. Metastasized to the liver, pero undergoing treatment again. Nagki-chemo po siya.

"Actually, nawala po last year. E, di ba, may five years to seven years na clear ka, na hindi babalik? Since 2007 po, stage 1 lang, nawala. Tapos, bumalik after one year kaya tinanggal yung breast niya. Nawala. Tapos, bumalik ulit this year.

"Pero ang maganda kay Mom, malakas siyang babae, very strong ang faith niya kay God. Since matagal-tagal na rin ang cancer niya, parang handa na rin po siya psychologically and spiritually.

"Ngayon, natutuwa po ako na busy pa rin siya. Teacher pa rin siya sa MADAFI [Marilou Diaz Abaya Film Institute and Arts Center]. Nagsusulat pa rin po siya ng script for Star Cinema. Dalawang script pa nga, e."

Kuwento pa niya. "Kagabi, nag-date kami. Siya pa ang nagluluto. Nagluto siya ng seafood. Yun ang exercise na niya."

Masaya raw ang mommy niya sa mga nangyayari sa showbiz career niya ngayon.

"Natutuwa naman. Nagbibigay ng tips palagi. Parang best friend ko kasi 'yang si Mom. Kinukuwento ko sa kanya lahat ng nangyayari sa set. So, yun...

"She's my inspiration. Siya ang nagbibigay ng advice and most important, hindi niya nakakalimutan sa akin [ipaalala] to remain humble, kasi nga, madaling mawala sa sarili," sabi ni Marc.

Ano ba ang pakiramdam ng isang anak na alam mong ang nanay mo ay may sakit na cancer?

"Just like any son would feel po, worried ako," sagot niya. "But at the same time, bilib na bilib ako kay Mom kasi hindi niya talaga ipinapakita sa amin na naghihirap siya. Kasi, mas mahalaga kay mom ang well-being namin kesa sa sarili niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But once again, ang important sa akin is her well-being, that she's happy, she's relaxed, as much as possible, at the end of the day. Now, she's very, very happy."

Kuwento rin ni Marc, dati raw ay ini-encourage siya ng mommy niya na magdirek.

"Dati... noong college. Kasi, gumawa ako sa thesis ko ng pelikula," banggit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN