Ogie Alcasid organizes BalikaBayani benefit concert for OFWs

"Ninanais din po ng ating mga artists, ng ating mga performers, ng OPM, na siyempre bigyan natin ng parangal, papuri at kasiyahan yung ating mga hinirang na bagong bayani," OPM president Ogie Alcasid says. Proceeds from the concert will go to DOLE and OWWA which have the machinery to identify the OFWs who need help and to distribute funds.


Nag-organize ang OPM (Original Pilipino Music), sa pangunguna ng presidente nito na si Ogie Alcasid, ng isang concert billed as BalikaBayani.

Ito ay isang benefit concert for OFWs na gaganapin sa Araneta Coliseum sa April 14, mula 7:30 p.m. hanggang 10 p.m.

Ito ay sa pakikipagtulungan ng Edsa People Power Commission (EPPC), Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Office of the Vice President/Presidential Advicer on OFW Concerns, Presidential Communications Operations Office (PCOO) and various business organizations such as ECOP, PCCI, FFCCCII, PRA, PFA and BPAP.

Isa sa performers dito siyempre si Ogie. Kasama niya sina Gary Valenciano, Noel Cabangon, Christian Bautista, The Company, Spongecola, 6Cyclemind, Aegis, Salamin, Jim Paredes, Buboy Garovillo, Mae Paner, Dingdong Avanzado, Mark Bautista, Duncan Ramos, Faith Cuneta, Ryan Cayabyab singers, Jamie Rivera at Leah Salonga.

Ipinaliwanag ni Ogie ang objective ng concert:

"Layunin ng concert na ito ang makapagsimula ng pondo na pangangasiwaan ng isang komite na binubuo ng EBBC, ng OWA at DOLE, at ng OPM na rin. At popondohan po namin ng ilang proyekto na naisagawa na ng DOLE at OWWA... para sa mga OFW.

"Kasi baka tanungin sa amin na saan po ba mapupunta yung pera na kikitain dito. Kailangang ma-explain nating mabuti kung saan specifically pupunta yung pera, kasi kung tutuusin, pera ng tao 'yan, e. Dahil nagbebenta tayo ng ticket, di po ba?

"Ninanais din po ng ating mga artists, ng ating mga performers, ng OPM, na siyempre bigyan natin ng parangal, papuri at kasiyahan yung ating mga hinirang na bagong bayani."

Dagdag niya, "Alam naman natin na hindi biro ang kanilang dinanas sa kanilang mga buhay, yung kanilang pagkawalay sa kanilang mga mahal sa buhay, yung kanilang pakikipagsapalaran sa ibang bansa, pakikibagay sa mga banyaga.

"Tapos yung kanilang biglaang pag-uwi siyempre dahil sa digmaan sa Libya, yung delubyo sa Japan, ng gulo ng estado ng politika sa mga bansa tulad ng Yemen, Bahrain, at Egypt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So ngayon, nandirito na po sila sa Pilipinas yung mga nakauwi na, sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Pero sila rin naman ay nababahala sapagkat marami sa kanila ang walang trabaho. At nagbabalak pa sila ulit na bumalik dun sa gulo na kanilang nilisan.

"Sa amin pong palagay ito na po ang panahon na ibalik po natin yung sinasabi natin nung araw na bayanihan. Dapat siguro kumilos na tayo, tulungan natin yung ating mga kababayan, yung ating mga bagong bayani, na sila ay makabangon muli, nang sila ay manatili na lang dito sa ating bansa," ang sabi ni Ogie.

WHERE'S REGINE? Nakausap ng PEP si Ogie kaninang hapon, March 30, sa presscon ng BalikaBayani na ginanap sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Magbe-benefit din ba sa concert yung ibang OFWs na nasa ibang bansa na sinasaktan ng kanilang mga amo o minamaltrato?

"With regards sa mga ganoon, hindi na namin sakop yun," sagot ni Ogie. "We're doing this para dun sa mga nakauwi at wala nang trabaho."

Bakit wala sa lineup ng performers ang kanyang misis na si Regine Velasquez?

"It's a Thursday kasi. So, usually may taping sila ni Dingdong [Dantes] para sa I ♥ You Pare. So were thinking na kukunan na lang sila ng video and, maybe, introduce some segments.

"And the other artists like Ruffa Gutierrez, Kris Aquino, Jericho Rosales, Martin Nievera, yung mga wala po doon na hindi makakapunta, kukunan na lang din sila ng video to present at certain segments."

E, si Sharon Cuneta, bakit wala rin sa concert gayo't malaki ang maitutulong nito sa success ng BalikaBayani?

"Well, actually, I have not spoken to Shawie, no. Ahh... may taping din siya. So, most probably we just video."

Kahit isang benefit concert ang BalikaBayani, may matatanggap din ba kahit paano ang participating artists dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We do have tokens... When you say token, it's really something more symbolic," natatawang sabi ni Ogie. "It's money but it's not much."

May specific target income ba sila sa concert?

"Ang target namin ay maka-three billion pesos kami," biro ni Ogie. "No, no we don't have a specific target 'no? Ahh... to be honest, I think DOLE and OWWA have the necessary funds. And they already have the necessary projects.

"What we're doing here is... Oo, dinadagdagan namin yung kulang pa, kung meron man, hindi po ba? Saka symbolic din yung... kasi maganda rin yung nakikita natin na lahat tayo nagtutulungan ba at nagkakaisa para sa isang objective, 'no?

"Yes, we raise money, but it is also important that we get together first for a specific purpose," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN