Wendell Ramos leaves Bubble Gang; his co-stars wish him luck

Actor Wendell Ramos says he sees nothing wrong with artists crossing over to other networks. "Lahat ng mga artista umiikot kasi iisang industriya lang naman tayo," he says.


Makakasama na sa cast ng TV5 dramaserye, Babaeng Hampaslupa, ang aktor na si Wendell Ramos.

Gagampanan niya ang role ni Harry Bautista, isang gunman na inatasang patayin si Atty. Jefferson Go (Eric Quizon). Ang susunod niyang trabaho ay ang paibigin si Anastacia (Alice Dixson) at patayin ito pagkatapos.

Nakausap ni Wendell ang media, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal), sa isang solo press conference kaninang tanghali, March 30, sa Mario's Restaurant, Tomas Morato, Quezon City.

"Nakakatawa nga kasi nung nagkita kami ni Direk Eric, dun ko lang nalaman na siya yung director. Sabi niya, 'Papatayin mo na nga ako, e,'" kinukwento ni Wendell, habang tumatawa.

Ano ba ang ine-e-expect ni Wendell sa bago niyang home network?

"More projects and shows. Binigay ng TV5 yung tiwala nila sa amin, so yun din ang ibabalik ko," aniya.

Aminado ang aktor na isa sa mga naging rason ng paglipat nito ay ang financial offer ng Kapatid Network.

Ngunit diniin ni Wendell na wala siyang sama ng loob sa dating network.

"Actually, very thankful ako sa mga ginawa kong soap sa GMA-7—like Sinasamba Kita, yung unang launch ng Dramarama sa Hapon sa tanghali, naging top-rater. Kasi yung mga TV na ginagawa ko, like yung Bubble Gang, naging markado yun," aniya.

Dagdag pa niya, "Hindi ko na iniisip yun as long as naging maayos naman ang trabaho ko sa kanila. Okay na yun. So far, sa bagong network ko, I hope maging maayos lahat."

ON BUBBLE GANG. Bago magpaalam sa Kapuso Network, nagpaalam muna si Wendell sa mga katrabaho niya sa gag show na Bubble Gang, na sina Ogie Alcasid, Michael V, at Antonio Aquitania.

Ayon kay Wendell naintindihan ng kanyang co-stars ang kanyang naging desisyon.

"Nung sinabi ko na I'm about to leave na, parang sinabihin pa nila ako ng, 'Good luck!'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam nila yung trabaho. Kaya meron kaming mga managers kasi alam ng mga managers kung saan kami dapat, for as long as wala kang nakakabangga or nasisirang katrabaho," paliwanag ni Wendell.

Ang current manager ni Wendell ay si Perry Lansigan ng PPL Entertainment.

Pinayuhan din siya ng mga dating katrabaho na maging masaya sa kanyang desisyon.

"Sinabi sa akin na kung ano man yung naging desisyon ko, wag kong problemahin kasi magiging maayos naman lahat. Sinabi niya na nandiyan lang naman daw sila," kwento niya.

Since Wendell left Bubble Gang, he has not watched the show.

"Siyempre, malungkot, e," sambit niya.

ON MICHAEL V. Naitanong din kay Wendell ng PEP kung meron ba siyang alam sa bali-balitang may balak ding lumipat ng network ang komedyanteng si Michael V.

"Lilipat nga ba talaga?" binalik ni Wendell ang tanong.

At saka niya sinagot ng, "Wala naman akong alam."

Dagdag niya, "Pero hindi naman imposible siguro kung mangyari kasi, tulad ng sinabi ko, lahat ng mga artista umiikot kasi iisang industriya lang naman tayo."

Aniya, normal lang daw ang mga ganung klaseng mga pangyayari.

"Nangyayari na nabibigyan talaga kami ng opportunity," saad nito.

Bilang pagtatapos, binigyang-diin ni Wendell na masaya siya sa kanyang desisyon.

"Sabi nga ni Michael V sa akin, kung meron man akong desisyon, dapat no regrets. Dahil magiging maayos din ang lahat," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN