TV5 imposes moratorium on participation of minors in its game shows after Willing Willie incident

Depensa naman ni Willie Revillame, wala raw siyang kasalanan sa naganap na pangyayari. Aniya, ang mga magulang ni Jan-Jan ang may gustong sumayaw ang bata ng "macho dancing."


Nagpadala ng karagdagang pahayag ang TV5 ngayong araw, March 30, kaugnay sa kontrobersiyang kinahaharap ng programa nitong Willing Willie.

Nakasaad dito ang mga hakbang na gagawin ng Kapatid Network matapos pumutok ang kontrobersiya. Nauna nang nagpadala ang TV5 ng statement of apology noong March 28.

Ang apology letter ay para sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan may batang contestant na nagpakita ng "macho dancing" bilang talento. (CLICK HERE to read related story)

Ayon sa statement na ipinadala through e-mail ngayong araw, iniimbestigahan na ng network ang pangyayari. Pinamumunuan ng TV5 Chief Operating Officer na si Atty. Roberto Barreiro at Chief Legal Counsel na si Atty. Christine C. Ona ang investigating team.

Bukod pa rito, may ilan pang mga hakbang na ginawa ang TV5. Kasama na rito ang paglalagay ng mas mahigpit na mga batas sa paglabas ng mga bata sa lahat ng programa ng TV5, at pansamantalang pagbawal sa mga bata sa pagsali sa kanilang mga game shows.

Makikipag-cooperate din umano ang TV5 sa mga hearing na isasagawa ng Movie and Television Classification Board (MTRCB) sa mga darating na araw.

Narito ang kabuuan ng pahayag:

"Further to our public apology on March 28, 2011, we wish to reassure our viewers and the public that the Network has taken steps to prevent the occurrence of any similar incident in the future.

"The Network is currently conducting a thorough investigation on the incident. The investigation is led by the Network's Chief Operating Officer, Mr. Roberto V. Barreiro, and Chief Legal Counsel, Atty. Christine C. Ona.

"In the meantime, and pending the results of the investigation, the Network has already taken the following measures:

  • Caused the preparation of stricter guidelines on the appearance and performance of minors, particularly children, on all TV5 programs.
  • Required that all "Willing Willie" auditions as well as auditions of other TV5 programs be supervised by TV5 representatives designated by the TV5 Ombudsman.
  • Appointed an internal Ombudsman to review any incidents of this nature and to whom any complaints may be referred for immediate disposition. The Network's Chief Legal Counsel, Atty. Christine C. Ona, has been designated as the Network's Ombudsman.
  • Imposed a moratorium on the participation of minors in all contests and game shows on TV5 until such time that the preceding measures are fully in place.

"We welcome the hearings of the MTRCB and other bodies as opportunities to further thresh out the issues and find solutions that will address the many concerns that have been expressed. TV5 renews its commitment to responsible broadcasting and pledges to improve its programs as its way of thanking its viewers for their continued support and trust."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN