Aga Muhlach on friend Willie Revillame's latest controversy: "Wala akong karapatang magsalita tungkol do'n."

"Well, it's been like that. You know, I cannot really speak for him. But if you wanna hear something from me, ang sa akin lang, it's been like that. Matagal na 'yan, 'no? E, siguro sinagot na niya lahat 'yan—from ABS-CBN, lahat ng mga nangyaring 'yan. Hanggang ngayon naman sinasagot naman niya lahat 'yon. So, it's still an ongoing thing," says Aga Muhlach about Willie Revillame (inset) being a controversy-magnet.


Nilinaw ni Aga Muhlach na walang kinalaman ang matalik niyang kaibigan na si Willie Revillame sa kanyang paglipat sa TV5.

Si Aga ay nagdesisyong lumipat sa Kapatid network pagkatapos ng 18 taong pagtatrabaho sa ABS-CBN, na siya ring istasyong pinanggalingan ni Willie bago siya lumipat sa TV5.

Si Willie ang dating host ng defunct noontime show ng ABS-CBN na Wowowee. Paglipat niya sa TV5 ay ibinigay sa kanya ang weekday primetime variety program na Willing Willie.

"Hindi, wala naman siyang kinalaman sa paglipat ko," sambit ni Aga nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na inihanda sa kanya ng TV5 kagabi, March 30, sa Annabel's restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City.

CAR FROM WILLIE. Samantala, inamin ni Aga na niregaluhan nga siya ng kotse ni Willie.

Biro pa nga niya, "Saka yung pagreregalo niya naman, dapat lang 'yon, 'no! Ano ba naman 'yon?"

Ilang kotse ang iniregalo sa kanya ni Willie?

"Aba, kung kaya ba niya akong bigyan isa araw-araw, bakit hindi? Tatanggapin ko 'yon!" sakay naman ng aktor.

Pero nilinaw ni Aga na "lambing" lang niya ito sa kaibigan.

"No, no, no... Nagsimula naman 'yon, naglambing ako sa kanya. Parang, 'Hoy, namimigay ka kung saan-saan, halika, mamigay ka sa akin!' Ganun lang 'yon, but that's nothing naman. Kotse lang.

"Kami ni Willie, matagal na ang pinagsamahan namin," diin pa niya.

Tumanggi naman si Aga na sabihin kung anong model ng kotse ang ibinigay sa kanya ni Willie.

"Huwag na, ayos na 'yon. Lambingan lang namin 'yon. Noon pa, noon pa kami gano'n. Wala pang trabaho si Willie no'n, lahat ng kotse ko ginagamit naman niya!

"Ganun naman kami no'n. Sa amin, that's nothing. Sabi ko, 'Hoy, padalhan mo ako ng kotse ngayon!' ganyan-ganyan," kuwento niya.

WILLIE'S LATEST CONTROVERSY. Bilang matalik na kaibigan ni Willie, tinanong ng PEP kay Aga ang kanyang reaksiyon sa bagong kontrobersiyang kinasasangkutan ng TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay may kinalaman sa pinag-uusapan at pinagdedebatehang March 12 episode ng Willing Willie. Sa nasabing episode ay nagsayaw ang isang six-year-old contestant na nagngangalang Jan-Jan ng parang "macho dancer" sa isang segment ng programa. (CLICK HERE to read related story.)

Marami ang nag-react at nagbigay ng opinyon tungkol sa insidente. Karamihan, ang paniniwala sa ginawa ni Willie ay isa itong "child abuse."

Pero umiwas magbigay ng kanyang komento o opinyon si Aga tungkol sa isyung ito.

"Alam mo, mahirap pasukin yung ganun. Mahirap magsalita kahit anong kaibigan ko sa kanya.

"Unang-una, kung merong taong sasagot dapat do'n, siya 'yon dapat. And I think it's being handled now by TV5 and Willie...inaayos na nila.

"Hindi ko naman binabantayan talaga 'yon... I just wish him well. Sana maayos lahat 'yan... E, ganun, e. Minsan, ganun, e. You can't please everyone. You say something for him, something against him...iba-iba, e.

"Mag-comment ka ng maayos, puwede pa akong mapasama. Unang-una, hindi naman ako ang kasama ro'n. Wala rin akong karapatang magsalita tungkol do'n," paliwanag ni Aga sa kanyang posisyon.

Napag-usapan ba nila ni Willie ang tungkol sa isyung ito?

"No, not yet," sagot ng aktor. "Because nasa peak yata 'to ng isyu, so mahirap manghimasok sa mga gano'n... Marami pa akong iniisip, at yung shooting ko, inuumaga kami parati."

Napanood niya ba yung video ng batang nagsasayaw?

"I did," sabi ni Aga.

Ano ang komento niya rito?

"I cannot. I'm not in the position to comment on that," ulit niya. "I just hope and pray na maayos lahat 'yan. Kasi, at the end of the day, siguro wala namang masamang hangarin [si Willie]."

Bakit sa palagay niya lapitín ng kontrobersiya si Willie?

"Well, it's been like that. You know, I cannot really speak for him. But if you wanna hear something from me, ang sa akin lang, it's been like that. Matagal na 'yan, 'no?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"E, siguro sinagot na niya lahat 'yan—from ABS-CBN, lahat ng mga nangyaring 'yan. Hanggang ngayon naman sinasagot naman niya lahat 'yon. So, it's still an ongoing thing."

Sa March 29 episode ng Willing Willie ay sinagot nga ni Willie ang pinakabagong batikos sa kanya. (CLICK HERE to read related story.)

MOVIES WITH ANGEL AND REGINE. Bagamat nakapirma na ng kontrata sa TV5, malaya pa rin siyang makakakagawa ng pelikula—at kahit na TV shows—sa ibang film outfits at TV networks.

Sa katunayan, may dalawang pelikula siyang tinatapos ngayon. Ang una ay ang pelikula nila ni Angel Locsin para sa Star Cinema na may pamagat na Huling Sayaw, at pangalawa ang reunion movie nila ni Regine Velasquez para naman sa Viva Films.

Matagal nang nasimulan ni Aga ang dalawang pelikulang ito, pero may mga natitira pa siyang shooting days para rito. Fourteen days pa para sa pelikula nila ni Angel at six days na lang para sa pelikula nila ni Regine.

Parehong ngayong taon ipalalabas ang dalawang pelikulang ito ni Aga. Sa May 11 ang target date ng pelikula nila ni Angel, at sa October o November naman ang sa kanila ni Regine.

Meron ding sariling film arm ang TV5, ang Studio5, na isa sa mga nag-produce ng 2010 Metro Manila Film Festival entry na Rosario.

Is there a chance na gagawa si Aga ng pelikula sa Studio5?

"Yes, yes," pagkumpirma niya. "As a matter of fact, there's this one project that we're talking about, December pa. May sinabi na sa akin which I cannot...hindi ko pa rin puwedeng sabihin... But yes, yes, meron, mangyayari talaga.

"It's all nice because, alam mo, para akong nagkaroon ng bagong excitement... After a while siguro tinatamad-tamad na ako. Ngayon, parang I just wanna do everything, just work and do good. And I hope whichever way I could contribute to TV5 to make it even bigger, then I'm here with your help."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natutuwa si Aga na kahit nasa TV5 na siya ay may ginagawa pa rin siyang pelikula sa movie company ng ABS-CBN, ang Star Cinema.

"It's nice that I'm with TV5 and I'm still doing my Star Cinema movie, which I'm gonna be promoting [on ABS-CBN], so it's something different.

"I think ABS won't take it against me because it's my movie also. Ang galing nga, nakakatuwa, I'm really excited sa mangyayari na I can promote sa [TV] 5 and [ABS-CBN] 2.

"Yung movie ko naman with Regine sa Viva, nasa Siete naman 'yon," sabi niya.

BAGETS REMAKE. Isa sa pinakapopular na pelikula ni Aga ay ang Bagets na ipinalabas noong 1984. Ngayong 2011 ay gagawan ito ng TV remake ng TV5 sa pamamagitan ng isang drama series.

Ano ang reaksiyon dito ni Aga?

"When it was first offered... Well, it was brought up to me before by now-Mayor Herbert Bautista, na gagawin namin yung remake ng Bagets sa movie, 'no?

"Sinabi ko na sa kanila na parang, 'Iwan n'yo na 'yon. That made history already. Classic na 'yon. Huwag n'yo nang galawin. Kung tayo pa ang babalik do'n for that, parang... Kung ako, okay na, nakatsamba na tayo ro'n.'

"But now, napunta sa TV, gagawin nilang parang serye, then, why not? At least yung mga kabataan naman ngayon, hindi naka-experience noon, will find out kung ano yung Bagets noon," saad niya.

Sa isang hiwalay na interview ay nagpahayag naman si Richard Gomez—na isa sa stars ng TV5—ng kanyang kagustuhan na gumawa ng sitcom kasama si Aga. Okay lang ba kay Aga ang idea na ito?

"Kahit ano," sambit niya. "The fact that I'm with TV5 now, anything that comes up is okay sa akin. As long as maayos siya, kung maganda, then why not?

"You know, I've never worked with Richard. It's nice to do a sitcom with him...why not?" sabi rin ni Aga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN