Danita Paner on boyfriend JC de Vera: "Relax lang tapos may trabaho pa kami kaya positive lahat."

"Si JC, ang nagustuhan ko sa kanya hindi siya showbiz, tahimik lang siya," says TV5 actress and host Danita Paner about her boyfriend, JC de Vera.


Isang surprise dinner malapit sa SM Mall of Asia sa Pasay ang inihanda ni JC de Vera para sa kasintahang si Danita Paner kagabi, March 31, kasama ang ilang malalapit na kaibigan at kamag-anak.

Ang selebrasyon ang nagsilbing advance birthday party ng dalagang aktres, na magdiriwang ng kanyang 22nd birthday bukas, April 2.

"Galing kami ng technical rehearsal tapos nag-gym siya [JC]. Tapos, buti na lang, nagpa-parlor ako. Tapos ang tagal-tagal ko sa parlor, e, lahat pala ng visitors, nandun na at naghihintay!" natatawang kuwento ni Danita sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kaninang hapon, April 1, nang makausap namin ang aktres sa Broadway Centrum sa Quezon City.

Ano naman kaya ang birthday wish ni Danita para sa kanyang kaarawan?

"Kasi itong mga nangyayari since last year, sobrang ganda at ang daming blessings. So, siguro this year, sana ma-maintain lang ang lahat," sagot ni Danita, na mapapanood tuwing Linggo sa afternoon party program ng TV5 na pinamagatang Fantastik.

LESSONS FROM THE PAST. Masaya si Danita sa kasalukuyang takbo ng kanyang relasyon kay JC. Bukod kasi sa nagkakaintindihan ang dalawa, wala rin silang problema pagdating sa pamilya ng bawat isa.

Sa katunayan ay boto kay JC ang adoptive mother ni Danita na si Daisy Romualdez dahil nababaitan daw ito sa binatang aktor.

"Tsaka siya pa ang nag-organize nung surprise party sa akin kagabi kaya tuwang-tuwa si Mommy. Wala siyang gastos!" natatawang pahayag ng aktres.

Ayaw ikumpara ni Danita si JC sa kanyang ex-boyfriend na si Kean Cipriano—ang bokalista ng rock band na Callalily na pumasok na rin sa mundo ng showbiz.

Hindi raw kasi fair na paghambingin ang past and present relationship niya dahil nga naman magkaiba ang sitwasyon nung panahon na dumating sa kanyang buhay sila Kean at JC.

"Kasi 'yong before naman, may halong rebellion, e. Tsaka ano talaga 'yon, you and me against the world. Hindi nagwu-work out 'yong ganun. So, itong sa amin ngayon, relax lang tapos may trabaho pa kami kaya positive lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Danita na magulo ang naging relasyon niya noon with Kean bukod pa sa immature ang kanyang pananaw sa maraming bagay, na siya ring dahilan kung bakit siya naglayas ng ilang buwan para makalayo sa ina.

"Ang dami ngang nagtatanong, 'Pinagsisisihan mo ba 'yong mga pinaggagagawa mong paglalayas?' Sabi ko, 'Kung hindi ako umalis sa amin, hindi kami magiging ganito ni Mommy ngayon,'" katwiran niya.

"Marami kaming natutunan sa isa't isa na talagang kahit anong gawin sa 'yo ng magulang mo, kahit in a negative way, ang gusto lang nila, e mapabuti ka. Very cliché, pero totoo."

JC'S INFLUENCE. Natural lang siyempre para sa isang relasyon ang magkaroon ng konting tampuhan at pagtatalo.

Ganun din daw sila ni JC, pero hindi pa naman sila umabot sa puntong muntik na silang maghiwalay dahil may matindi silang pinag-awayan.

"Bihirang magselos 'yon [JC]," sabi ni Danita.

Ano naman kaya ang madalas nilang pagtalunan?

"Kapag may mga nakakalimutan ako na dapat gawin namin na talagang importante sa kanya. Pero never kaming nag-away, sa text lang, 'pag nagkita kami kikiligin na 'ko, 'Okey na tayo.'"

Naniniwala si Danita na positive influence si JC sa kanya at malaki ang naitulong ng kanilang relasyon para mabago ang pananaw niya pagdating sa trabaho.

"Sobrang ano siya sa work, 'yong passion niya, nahahawa ako. Like before, pag may taping na sobrang aga nahihirapan ako, minsan siya pa 'yong tumatawag sa phone para gisingin ako. Tapos ngayon, sanay na 'kong gumising nang maaga—nauunahan ko pa nga 'yong alarm clock," nakangiting kuwento ng dalaga.

Bihira na rin kung lumabas si Danita para gumimik dahil mas gusto na lang niya ngayon na magpahinga, lalo na kapag walang taping o guest appearances.

"Minsan siyempre hindi rin maganda na lalabas ako, tapos hindi siya [JC] kasama. Tsaka actually, hindi na ko tumatagal [sa nightlife]. Rest na lang, nood kami ng DVD o kaya nood kami ng TV."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging si Danita nga raw ay nasusorpresa sa mga nadidiskubre niya sa sarili habang lumalakad ang panahon.

"Dati, gusto ko lang mag-banda. Biglang ngayon nag-aartista na ako. Nag-iiba talaga ang tao kasi dati ayoko talaga mag-artista. Nagustuhan ko naman na siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN