Phil Younghusband on Angel Locsin: "I've had girlfriends before but I think this is the first time I've felt strongly for someone."

"As I've said before, I really care for Angel, I really like her. First of all there's the attraction, she's very attractive, once you meet her, she's very down to earth considering what she is. She's very polite, well-mannered, she's kind, she's generous, she's funny, nakakatawa siya. I enjoy her company, Angel's very special to me," Phil Younghusband says about Angel Locsin.


Sa balitang madalas na pagde-date nila Phil Younghusband at Angel Locsin, inakala ng iba na mukhang may namumuo nang espesyal sa dalawa.

Kamakailan nga raw ay nakitang sabay na nagsimba sila Phil at Angel, pagkatapos nito ay nag-dinner ang dalawa sa isang resto bar sa Makati. Ito ay lalong nagpaugong sa balita na mukhang maige ang panunuyo na ginagawa ng Azkals player sa aktres.

When PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Phil last Wednesday, March 30, inamin niya sa amin na kahit nagkaroon na siya ng mga girlfriends ay masasabi niyang this is the first time na nakaramdam siya ng ganitong katinding feelings for someone.

"Yeah, I've had girlfriends before but I think this is the first time I've felt strongly for someone. As I've said before, I really care for Angel, I really like her. First of all there's the attraction, she's very attractive, once you meet her, she's very down to earth considering what she is. She's very polite, well-mannered, she's kind, she's generous, she's funny, nakakatawa siya. I enjoy her company, Angel's very special to me."

Agad din naming tinanong kay Phil ang tungkol sa date daw nila ni Angel last Sunday kung saan nakita silang nagsimba sa Victory church at kumain sa isang resto somewhere in Makati.

"I invited her, I'm Catholic but I do go to Christian churches. Maganda kasi ang music. There's more interaction sa Christian church. Nagutom kami, we were very hungry so we needed to eat.

"Before I expressed my admiration for Angel, [pero] ngayon gusto ko tahimik... Everyone wants to know what time we ate, where we met but I thought that should be kept quiet and secret."

Sa tweets ni Angel, inamin nito that she's singing love songs now in the bathroom na ginagawa raw ng isang tao pag inspirado. Bagay na dapat raw lalong magbigay ng lakas ng loob kay Phil para i-pursue ang panliligaw nito sa aktres. Pero paano kaya kung may iba pang desidido talagang manligaw pa kay Angel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talaga? Di ko alam," sabi ni Phil. "If she's doing that because of me, then... Yeah, I want to. Right now, we're getting to know each other pa rin pero sana may future kami... Sana...

"Sobrang privileged ako, it's Angel Locsin. For someone like Angel to give me that attention, it's a good feeling. Kung may manligaw sa kanya, she's probably one of the most sought after actresses in the Philippines. There's always gonna be interest in her, the only thing I can do is to concentrate on my relationship with Angel."

Sa issue na ginagamit lang daw ni Phil si Angel para mapag-usapan sa showbiz, nagbitaw ng salita ang aktres na tiwala ang ibibigay pa rin niya sa Azkals player. Bagay na sobrang pinagpasalamat ni Phil kay Angel.

"One thing, I'm not using Angel for publicity. It hurts that people think that I'm using her for publicity because I'm not. The Azkals right now are doing so well but I really, really like Angel. I really care for her.

"It's nice to know that she trusts me. It gives me confidence, it makes me feel good. It's good for me to know that; it gives me satisfaction. Ang daming intrigues ngayon pero most of it, false. The truth is bent or changed, yung important is yung people involved know the truth."

Nasa Myanmar ang Azkals nung magkaroon ng earthquake at nasa Japan naman ang team nang lumindol at nagka-tsunami doon. Balita na nag-text daw ang aktres kay Phil to check if he's okay.

"Where did you hear this? She was worried about the team so she wanted to know if we were all safe. She sent it via twitter because walang phone signal sa Japan."

Inamin sa amin ni Phil na isa pala siya sa sumusubaybay sa Imortal, ang teleserye ni Angel sa ABS-CBN kasama si John Lloyd Cruz. Mami-miss niya raw ito pag nawala na sa ere ang nasabing serye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm going to miss Imortal. I started watching it so I'm going to miss the show," aniya.

AZKALS. Sa pagkapanalo sa Myanmar, pasok ang Philippine football team sa 2010 Challenge Cup.

Hindi nakapaglaro si Phil sa Myanmar at Japan because he suffered a pulled hamstring in his right leg nung naglaro sila sa Ulaanbaatar Stadium sa Mongolia. Mga isang buwan itong kailangan mag-therapy at magpahinga.

"Siyempre masaya ako. Sobrang proud ako sa kanila kasi nanalo kami sa Myanmar. Excited ako for next year kasi may championship and na-qualify kami.

"At that time, malungkot ako, disappointed ako kasi gusto kong maglaro sa Myanmar. Ako dito, medyo nervous ako kasi I couldn't do anything about the game. Dito lang ako sa twitter so medyo frustrating kasi walang TV coverage, di ko alam kung ano ang nangyari dun. Frustrating but masaya ako kasi nanalo kami."

Ikinuwento sa amin ni Phil na sumasailalim siya ngayon ng therapy para sa kanyang pulled hamstring.

"I have two more weeks before I can play again so that I could be ready for the World Cup qualifiers in April. I started the therapy kanina so two weeks pahinga lang. Okay naman, walang masakit, ngayon gumagaling na.

"April 29 na ang next na laban namin sa Sri Lanka. May draw kanina sa Asia, so ang laban natin is Sri Lanka. May game sa Sri Lanka ng April 29, then may game dito sa Philippines ng July 3 and makakalaro na ako nun."

Sa North Korea pala kinakabahan sila, Phil lalo't ito ang pinakamalakas na puwedeng makalaban nila sa Asia.

"North Korea was in the World Cup. The Philippines is just starting, it's the first time that we'll be playing in this competition. For the Philippines to be competing against those teams is a big accomplishment already."

Tinanong din namin si Phil kung may balak siyang invite si Angel to watch one of their games in the Philippines.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I hope she can watch the game. We just found out kanina about the draw and when the games wil be," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN