Angelica Panganiban wins Best Actress in a comedy, beating out Ai-Ai delas Alas and Eugene Domingo

Angelica Panganiban on her surprise win as Best Actress for Here Comes The Bride at the 8th Golden Screen Awards: "Sobra 'kong happy. Sabi ko nga, sa isang category na makasama ko si [Eugene Domingo] at si Ms. AiAi delas Alas na Queen of Comedy, ako pa ang nanalo! Hindi ako makapaniwala. Sobra akong sinuwerte sa pelikulang ito."


Personal na tinanggap ni Angelica Panganiban ang kanyang Best Performance by an Actress in a Musical/Comedy trophy mula sa 8th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society (Enpress) kagabi, April 2, sa Teatrino Greenhills, San Juan.

Si Angelica nga ang nagwagi sa naturang kategorya para sa pelikulang Here Comes The Bride, kunsaan naging mahigpit niyang katunggali ang mga co-nominees na sina Ai-Ai delas Alas (Ang Tanging Ina), at Tuesday Vargas at Eugene Domingo (Here Comes The Bride).

Nang makapanayam ng ilang entertainment press at PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelica pagkatapos nitong personal na tanggapin ang kanyang trophy, ilang ulit niyang binanggit bago ng interview na nanginginig pa raw siya.

Ayon nga kay Angelica, "Iba 'yung feeling kapag tinawag ang pangalan mo. Sobra 'kong happy at nakakaloka. Iba pala ang feeling kapag present ka sa awards night. Kasi, 'yung mga nakaraan, wala ako. So, sobra akong happy talaga."

Pag akyat niya sa stage para kunin ang award, biniro siya ni Uge na host ng 8thGolden Screen Awards at co-nominee niya.

Pero natatawang sabi ni Angelica, "Magkaibigan naman kami ni Ate Uge. Sobra 'kong happy. Sabi ko nga, sa isang category na makasama ko siya at si Ms. AiAi delas Alas na Queen of Comedy, ako pa ang nanalo! Hindi ako makapaniwala. Sobra akong sinuwerte sa pelikulang ito."

Sa hanay nga ng mga nominado, si Angelica ang masasabing baguhan pagdating sa comedy, pero siya pa rin ang nahirang na winner.

Aniya, "Yes, first time kong magpatawa. First time kong pinasok ang comedy and nanalo ako. Kaya sobra akong happy. Haping-haping-hapi."

When asked about her boyfriend Derek Ramsay na wala sa gabing 'yun bilang escort sana niya, ayon kay Angelica ay nasa Boracay ito for a Frisbee tournament.

"Bukas ang finals," aniya.

Sa speech ni Angelica, hindi nito nakalimutang banggitin sa mga pinasalamatan si Derek. Wari'y pagpapatunay na sila pa rin at taliwas sa lumalabas na balitang break na nga sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Kakapanood ko pa lang nga kanina na break daw kami at ininterbyu nga ako... reliable raw ang source at paninindigan daw 'yun ng PEP.

"I think, hindi masyadong reliable ang source nila. At hindi naman talaga kami hiwalay."

Lumabas nga rito sa pep.ph na ayon sa isang reliable source ay hiwalay na sina Derek at Angelica. Naninindigan nga raw ang reliable source ng PEP.

Kaya ang sumunod naming tanong sa kanya ay wala ba talagang insidente na nag-cool-off sila or nagkaroon ng tampuhan para maisip or masabing break na sila?

"Never, never," ang mabilis niyang sagot.

Dugtong pa niya, "Sobrang tagal na naming huling nag-away. Parang, hindi ko na rin talaga maalala."

Wala raw ideya si Angelica kung sino ang sinasabi ng PEP na reliable source nila.

Ayon sa actress, "Baka si Derek 'yun or baka ako," natatawang biro pa niya.

"Wala akong ideya. Hindi ko alam kung sino talaga 'yun. Siguro dahil na-link lang nila sa isyu na may natsi-tsismis na may girlfriend daw siya sa Dumaguete, at nilinaw naman namin ang isyu na 'yun, matagal na. So, siguro, naisip lang nila, bored siguro sila."

Aware naman si Angelica na sa loob ng halos limang taon ng relasyon nila ni Derek, hindi talaga nawawala ang mga intriga or taong gusto silang masira.

Aniya, "Siguro sa lahat naman ng relasyon, kung hindi masaya, e, malungkot 'yung mga balita na gagawin nila para sa 'yo. Siguro kami, alternate lang. Next week, tingnan mo, happy naman."

Pero sa kabila nga raw ng mga intrigang 'yun or paninira man, mas lalong nagiging matatag ang relationship nila.

"Oo naman. Hindi rin naman kami nagpapa-apektong dalawa. Sabi nga niya sa akin kanina, nasa hotel lang siya. Sabi ko, lumabas ka, mag-enjoy ka kasama ang mga friends mo.

"Tapos sabi ko, takot ka na ba na ma-tsismis? I mean, kahit mga kaibigan niya ini-intriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, 'yun...sabi naman niya, hindi naman. Pagod lang daw."

May tila hamon nga rin si Angelica sa pep.ph.

Aniya, "Kung sino ang source nila, ilabas nila para magkaalaman, 'di ba?"

Note from PEP editors: Sa kasamaang palad, ang hinding-hindi maaaring ilabas ng anumang media platform ay ang anonymous source nito. Ito ay isang relationship of trust and confidentiality sa pagitan ng, sa kasong ito, ng PEP portal at ng source.

Nasa judgment ng editors kung mapagkakatiwalaan nila ang source sa simula't-simula pa lang. Sa kaso ng balitang Derek-Angelica separation, ang basa ng editors ay walang personal agenda ang source at may sapat na proximity ito sa mga tinutukoy na stars upang malaman nito ang inside story.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN