Eugene Domingo really did fall into a septic tank while filming the indie Ang Babae sa Septic Tank

Naaksidente si Eugene Domingo sa shooting ng bago niyang indie film for Cinemalaya, Ang Babae sa Septic Tank, na dahilan para sumakit ang bahagi ng lumbar niya. Kuwento ni Uge, "Kailangan talaga nating alagaan ang ating katawan. Exercise. Alam niyo na hindi na tayo bumabata. Pero, natutuwa pa rin ako, tuloy ang ligaya, tuloy ang trabaho... So, nagpapasalamat ako sa lahat ng nag-alaga sa akin."


Ang pagiging host, katuwang ni Roderick Paulate, sa 8th Golden Screen Awards ang una raw na showbiz commitment na pinuntahan ni Eugene Domingo pagkagaling nito ng St. Luke's Medical Center kunsaan ay na-confine siya ng ilang araw.

Naaksidente kasi si Uge sa shooting ng bago niyang indie film for Cinemalaya, Ang Babae sa Septic Tank, na naging dahilan para maapektuhan ang bahagi ng lumbar niya at sumakit.

Kuwento nga ni Uge, "Kailangan talaga nating alagaan ang ating katawan. Exercise. Alam niyo na hindi na tayo bumabata. Pero, natutuwa pa rin ako, tuloy ang ligaya, tuloy ang trabaho. Palagi naman, e. Lumalakas naman talaga ang katawan at kalooban pagdating sa trabaho. So, nagpapasalamat ako sa lahat ng nag-alaga sa akin.

"Sa St. Luke's at sa lahat ng kasama ko sa trabaho, magkita-kita tayo ulit, go na go!"

Ipinakuwento nga namin kay Uge kung ano nga ba ang nangyari sa shooting ng movie.

Aniya, "Meron kaming shooting for Cinemalaya. Ang eksena, kailangan kong mahulog sa septic tank. Nahulog ako talaga! Hindi ko masyadong nakalkula. Pagtalon ko nang paatras, nalusot ako sa septic tank, tumama ang likod ko. Gustong-gusto ko pang ituloy ang shooting kaya lang hindi ko talaga kayang tumayo.

"Minabuti nilang dalhin na ako sa emergency [room], at agad-agad nakuha naman ang resulta ng X-ray at MRI. Wala namang na-damage, sa awa ng Diyos. Kinailangan ko lang talagang mag-complete bedrest. So, itong Enpress ang una-una kong trabaho."

Bilang host ng 8thGSA, silang dalawa nga ni Roderick ang nagbigay-buhay sa buong awards night. Marami ring biro si Uge lalo na sa dalawang nanalo sa kategoryang nominado rin siya, tulad kay Zsa Zsa Padilla for Best Supporting Actress Drama, Musical or Comedy at kay Angelica Panganiban na co-star din niya sa Here Comes The Bride.

Pero tila pawang lahat naman ng co-nominees niya ay na-threaten ding isa siya sa katunggali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, wala namang mga threat-threat dito. Sa atin naman, suportahan tayo rito. Nominado ka man, manalo ka or hindi ka magwagi, lahat tayo, suportado ng kapwa natin artista.

"So, congratulations sa lahat ng nominado at nanalo sa Enpress Golden Screen Awards ngayong taon!"

When asked kung magho-host pa rin ba siya ng Golden Screen Awards sa mga susunod na taon, mabilis ang naging sagot niya: "Oo."

Aniya, "Para sa akin, ang Enpress ang pinaka-balansiyado. Tinitingnan lahat, from mainstream to indie. Binibigyan nila ng recognition. Comedy, drama, musical. So, anytime. At ako naman, natutuwa na nabigyan na rin ako ng recognition last year. Puwedeng next year, 'di ba?," biro pa niya.

Paalis naman si Uge para sa Udine Film Festival sa Italy para sa pelikulang Here Comes The Bride.

Kuwento nga niya, "Pupunta kami ni Direk Chris Martinez. First week of May 'yan. May screening. Sana makapag-uwi ng award."

Bukod dito, tinatapos din ni Uge ang movie niya sa Star Cinema na Kakasal, Kakalas.

Ayon kay Uge, "Masaya ang shooting. Napakahusay ni Toni Gonzaga! Nominado rin siya, 'di ba? May sarili siyang istilo sa henerasyon niya. Yung kanyang comedy ay bagong-bago. At isa siya sa mga artista na kaya lahat gawin. Very modern.

"And of course, sa magandang script pa ni Direk Joey Reyes. Tungkol sa ikakasal at magpapa-annul. For the first time, ayoko ha! For the first time, ayoko nang mag-asawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN