Louise delos Reyes says Enzo Pineda is not courting her: "Friends pa lang kami talaga."

Dahil na-link bigla si Louise delos Reyes kay Enzo Pineda para tuloy naging threat ito kay Alden Richards na katambal ng aktres sa Alakdana. Nag-worry si Alden na baka maapektohan ang teamup nila ni Louise.

"Wala pa po kasi ako sa tamang edad para magpaligaw. Sa September pa ako mag-turn 18 kaya doon lang ako puwedeng maligawan. Alam ni Alden 'yan kaya hindi siya dapat mag-worry," she says.



Dahil sa pag-amin ng Starstruck 5 First Prince na si Enzo Pineda sa kanyang paghanga sa bida ng top-rating GMA-7 afternoon telefantasya na si Louise delos Reyes, hindi na tinantanan si Louise ng mga tanong about Enzo.

Maganda ang smile ni Louise tuwing tinatanong ang panliligaw ni Enzo sa kanya. Pero kinlaro ni Louise na hindi pa naman daw nanliligaw si Enzo sa kanya.

"Wala pa naman po kami sa gano'ng stage. Nandoon pa rin kami sa kinikilala namin ang isa't isa. Kelan lang kasi kami naging magkaibigan ni Enzo. Kaya friends pa lang kami talaga," ngiti pa ni Louise sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya sa set ng Alakdana sa Antipolo City.

Twice na raw na dinadalaw si Louise ni Enzo sa set ng Alakdana. May dala raw pagkain parati ang binata sa kanya.

"Yung mga pagdaan ni Enzo sa set namin, nagkakataon lang iyon kapag nasa area siya. We always text one another kasi at minsan sa Twitter kami nagkakausap. Kapag malapit lang siya sa taping location namin, dadaan siya para mangamusta.

"Hindi naman siya nagtatagal, e. Alam ko na busy siya at alam niyang busy rin ako sa set. Kapag umalis na siya, sa cellphone na lang kami nagkakausap."

Sa Party Pilipinas unang nagkakilala sila Louise at Enzo. Nagpo-promote si Louise that time ng Alakdana at naghahanda naman para sa kanyang dance number si Enzo. Noong makita ni Enzo si Louise ay nagpatulong ito sa isang friend para magkakilala sila.

"Isang common friend namin ang nagpakilala sa aming dalawa. Nagkahiyaan pa kaming dalawa. Medyo awkward kasi yung situation that time. Pero nagkaroon naman kami ng time na makapag-usap after ng promo ko. Tapos nagtuluy-tuloy na po yung pagiging friends namin."

Alam ni Louise na ka-loveteam ni Enzo ay ang Starstruck 5 Ultimate Female Survivor na si Sarah Lahbati. Magkakilala naman daw sila ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matagal ko na po kilala si Sarah. Hindi pa kami pareho nasa showbiz, nasa modeling pa lang kami, we know each other na. Nakakasama ko siya sa mga pictorials noon.

"Alam ko naman na sila ni Enzo ang loveteam. Nabanggit ni Enzo sa akin na friends na lang daw sila ni Sarah."

Dahil na-link bigla itong si Louise kay Enzo, para tuloy naging threat ito sa kanyang katambal sa Alakdana na si Alden Richards. Nabanggit ni Alden na sana ay patapusin muna ang show nila ni Louise bago pumorma si Enzo.

"Nag-usap naman po kami ni Alden at may napagkasunduan naman kami. Gusto nga naming maging maganda ang teamup namin at nagpapasalamat nga kami na may mga fans na sumusuporta sa amin.

"Sinabi ko naman kay Alden na huwag siyang mag-alala kasi isa siya sa leading men ko sa Alakdana at patuloy kaming magtutulungan para hindi mawala ang suporta sa aming dalawa."

In-assure rin ni Louise kay Alden na wala pang ligawan na nangyayari sa kanila ni Enzo.

"Wala pa po kasi ako sa tamang edad para magpaligaw. Sa September pa ako mag-turn 18 kaya doon lang ako puwedeng maligawan. Alam ni Alden 'yan kaya hindi siya dapat mag-worry."

Binalita ni Louise na bumubuti na ang kalagayan ng kanyang ama na nakaranas ng stroke. Nakakakilos na raw ito nang maayos at nakakapagsalita na.

"Nagpapasalamat kami kay God kasi pinagaling po Niya ang daddy ko. Nagugulat kami sa magandang recovery ni daddy. Pina-therapy namin siya at nagre-respond siya nang maayos.

"Tumutulong din kami ni mommy at ng mga kapatid ko sa mabilis na pag-recover ni daddy. Kahit na medyo slurred pa ang pananalita niya, masaya kaming malaman na unti-unti nang bumabalik ang pagsalita niya.

"Malakas ang fighting spirit ni daddy talaga. Nakakapaglakad na siya at minsan ayaw niyang may dala siyang baston. Gusto niyang lumakas nang normal ulit. Pero siyempre, inaalalayan namin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Panay ang dasal namin na mapagaling si daddy at unti-unti naming nakikita iyong natutupad."

Gusto palang ipaabot ni Louise ang kanyang pasasalamat sa mga bumubuo ng YES! Magazine dahil napasama siya sa mga tinatawag na The Next Big Thing sa bakuran ng Kapuso Network.

Nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Louise sa mga GMA-7 executives na sila Annette Gozon-Abrogar, Lilybeth Rasonable, Ida Henares at Wilma Galvante dahil sa pagpili sa kanya na maisama sa mga stars to watch out for sa taong ito.

Hindi raw inaasahan ni Louise na mapapasama siya sa naturang listahan dahil alam niyang mas maraming puwedeng isama roon kesa sa kanya.

"Nagulat po talaga ako kasi wala naman silang sinasabi sa amin na may ganyang list pala. Noong gawin namin ang pictorial for YES! Magazine, ang alam lang namin ay pictorial lang siya. Hindi kami aware na may ganyang feature.

"Kaya nakaka-surprise talaga. Ang mommy ko nga bumili ng maraming YES! Magazine. Para raw ipamigay sa mga kamag-anak namin sa Cavite at sa mga fans na walang sawang sumusuporta," pagtatapos pa ni Louise delos Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN