JC de Vera on his relationship with Danita Paner: "Mas mature ako mag-isip, mas careful ako ngayon."

JC de Vera reveals what he loves about Danita Paner. "Yung passion niya. Pag sinabi niyang love niya, nandun talaga yung passion. Yung sa mga ex-girlfriends ko hindi ko masabi kung ano dahil talagang bagets pa kami noon e."


Natutuwa si JC de Vera dahil hindi lang drama at comedy shows ang ibinibigay sa kanya ng TV5 dahil kasama rin siya sa afternoon variety show, ang Fantastik, na napapanood tuwing Linggo, 2 p.m. pagkatapos ng Lucky Numbers.

"Dito kasi sa Fantastik ko naipapakita yung iba pang kaya kong gawin gaya ng pagsasayaw. Nakaka-miss din kasing magsayaw pag puro acting yung ginagawa mo. At saka nakakabata sa pakiramdam lalo na at mga young stars ng TV5 ang kasama namin dito sa Fantastik. Nag-e-enjoy kami at the same time, napapasaya pa namin ang mga fans namin," masayang sabi ni JC nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Fantastik.

Kasama ni JC sa show sina Danita Paner, Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Princess Ryan, Diane Medina, Carla Humphries, Arci Muñoz, Martin Escudero, Alwyn Uytingco, Gerald Santos, Chris Cayzer, IC Mendoza, DJ Mike, Gloc 9, Meg Imperial, Empoy Marquez, Alyanna at Anykka Asistio; Sakto Boys members Rodjun Cruz, Lucky Mercado, Rainier Castillo at Edgar Allan Guzman; Star Factor Final Four Eula Caballero, Morisette Amon, Christian Samson, Ritz Azul kasama ang iba pang graduates ng TV5's first star search.

DANITA PANER. Malaking bagay din daw para kay JC na kasama niya sa Fantastik ang girlfriend niyang si Danita. At least daw magkasama pa rin sila kahit natapos na ang kanilang series na My Driver Sweet Lover.

Inamin ni JC na seven months na ang relationship nila ni Danita. Kumusta naman sila?

"Okay naman kami ni Danita. The relationship is getting better and going stronger. Mas marami pa kaming nalalaman about each other and we're learning to accept and appreciate each other more."

Hindi si Danita ang first girlfriend ni JC mula sa showbiz dahil nauna na niyang naging girlfriends sina Michelle Madrigal, Pauleen Luna at Rhian Ramos. Pero ano ang kaibahan ng relationship nila ngayon ni Danita kumpara sa relationship niya sa kanyang ex-girlfriends?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mas mature ako ngayon. Sa dinami-dami ng relationship na nagkaroon ako sa showbiz, siyempre yung ngayon mas alam ko na kung paano i-handle. Mas mature ako mag-isip, mas careful ako ngayon."

Ano ang minahal niya kay Danita?

"Halos pareho kami e. Iisa lang ang ginagawa namin. Marami kaming differences pero yun nga yung kagandahan kasi mahal mo yung pangit sa partner mo, di ba?"

Bakit, ano ba ang pangit kay Danita?

"Siyempre sa aming dalawa na lang yung. Wala namang perfect e, di ba? So, kung meron siyang kamalian sa personality niya, meron din ako. Pero ang maganda sa amin alam naming dalawa kung paano i-deal yun kaya siguro nagiging okay kami. Bihira yung away, bihira yung tampuhan."

Ano ang meron kay Danita na wala sa ex-girlfriends niya?

"Yung passion niya. Pag sinabi niyang love niya, nandun talaga yung passion. Yung sa mga ex-girlfriends ko hindi ko masabi kung ano dahil talagang bagets pa kami noon e."

SURPRISE PARTY FOR DANITA. Last April 2 ay birthday ni Danita. Pero nauna na raw binigyan ni JC ang girlfriend ng surprise party noong gabi ng March 31.

"Binigyan ko siya ng party kasi nga may work kami sa birthday niya. Free kami pareho noong March 31, kaya sabi ko sa kanya, 'Kain tayo sa labas kasi nagugutom ako.' Hindi niya alam na kung saan kami kakain nandoon na lahat yung family niya, yung friends niya. Sa Seaside Macapagal kami nag-party. Kasi nung time na yun nag-crave din siya ng pagkain na seafood e."

Ano ang naging reaksyon ni Danita sa surprise party na ibinigay niya?

"E hindi niya kayang i-handle yung ganung spotlight e. Hindi siya sanay ng ganun. Nagulat nga siya pagpasok niya sa venue nandun na lahat ng mga tao at nakatingin sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin niya. Muntik na siyang maiyak. Pinigilan niya na lang kasi gusto niyang mag-enjoy e. Nag-enjoy naman siya. Nag-thank you siya sa akin. Happy rin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa surprise party, isang summer vacation ang isa pang regalo ni JC kay Danita.

"Magpa-Palawan kami sa Holy Week kasama ang family ko. Mag-stay kami sa Coron ng three days and two nights."

Ano ang message niya kay Danita?

"Hindi talaga kami nagme-message sa isa't isa e. Sinasabi ko lang sa kanya na as long as nagta-try siya na maging okay ang lahat hindi ako aalis. Ayoko kasing ma-stuck siya sa isang bagay na yung atensyon niya nasa akin lang. Gusto ko galingan niya rin sa trabaho, sa career niya.

"Kaya hangga't para sa ikabubuti niya nasa tabi niya lang ako lagi. Susuportahan ko siya. Pero siyempre pag naging stubborn na at tumigil na siya sa pagmu-move forward, yun ang time na mawawala talaga ako. All the best for her lang ang iniisip ko."

MICHELLE MADRIGAL. Good friends daw sila ni Michelle ngayon lalo na't iisa lang ang manager nila, si Annabelle Rama. Kaya nanghihinayang din siya na nag-break sina Michelle at Jon Hall.

"Sayang nga e. Kasi nakakasama rin namin sila ni Dan pag lumalabas minsan o kaya sa mga events. Kami-kami nagkukuwentuhan kami. Kahit kami ni Michelle, kasi wala naman kaming problema e. Sayang kasi nakita rin namin kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Parang ang bilis, e, biglang break na tayo."

Binigyan niya ba ng advice si Michelle?

"Hindi naman kami nag-uusap ng ganun, e. Pag sa relationship hindi naman ako nagsasalita."

RHIAN RAMOS. Marami sa ex-girlfriends ni JC ay nagiging kaibigan niya rin after some time at kapag naka-move on na sila totally. Pero sa kaso ni Rhian na bad breakup ang nangyari sa kanila, posible rin kayang dumating ang araw na magiging magkaibigan din sila?

"Siguro. Kasi after naming mag-break, never nang nagkrus ang landas namin ulit, e. Kasi kahit nung nasa GMA7 pa ako, wala e, hiwalay kami ng work. Hindi na dumating dun sa point na nagkasalubong kami, nagkita kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isang dahilan din ba ang rumored boyfriend ni Rhian na si Mo Twister kaya imposible pa ngayong maging magkaibigan sila ni Rhian?

"Hindi naman," simpleng sagot ni JC.

Ano ang reaksyon niya na may lumabas na isyu noon na nagdededmahan daw sila ni Mo?

"Ewan ko, basta ako okay lang sa akin makipagdedmahan basta wala kang sinasabi sa akin behind my back. Pag guesting naman sa shows niya sinasabi ko lang na, 'Siguraduhin n'yo lang sa host nila na wala siyang sasabihing masama sa akin. Kasi pag may sinabi siyang masama sa akin e talagang mag-aaway kami.'

"Pero so far wala naman siyang ginagawang ganun sa akin. Tahimik naman siya. Ginagawa lang namin ang trabaho namin. Respeto lang. Hindi kita pagsasalitaan, huwag mo rin akong pagsasalitaan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN