Tween Hearts boys Jhake Vargas, Derrick Monasterio, and Kristoffer Martin answer each other's questions on "Don't Lie To Me"

(From left) Derrick Monasterio, Jhake Vargas, and Kristoffer Martin were the featured guest stars in "Don't Lie To Me" segment of Showbiz Central where they answered questions about their Tween Hearts female co-stars.


Kakaiba ang "Don't Lie To Me Segment" ng Showbiz Central kahapon, April 3. Sa halip na ang host na si John "Sweet" Lapus ang nagtanong sa kanyang celebrity guests, ang Tween Hearts boys na sina Jhake Vargas, Derrick Monasterio, at Kristoffer Martin ang nagtanungan sa bawat isa.

Unang nagtanong si Derrick kay Kristoffer ng: "Mas matimbang ba sa puso mo si Joyce [Ching] kaysa kay Lexi [Fernandez]?

"Yes" ang sagot ni Kristoffer at "Truth" ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

That prompted Sweet to ask Kristoffer kung bakit mas matimbang sa kanya si Joyce, samantalang si Lexi ang ka-loveteam ni Kristoffer.

"A, hindi, kasi si Joyce, kasama ko na siya simula ng Endless Love. Sobrang close lang namin. Mahilig kaming mag-open ng mga topic sa isa't isa kaya 'yon, sobrang close namin," paliwanag ni Kristoffer.

Si Kristoffer ang gumanap na young Dingdong Dantes, samantalang si Joyce naman ang young Nadine Samonte sa Endless Love, ang dating primetime series na pinagbidahan nina Dingdong at Marian Rovera.

Pero ayon pa sa binatang aktor, close at magkabarkada rin naman sila ni Lexi at ang iba pa nilang kasama sa Tween Hearts.

Si Kristoffer naman ang nagtanong kay Jhake: "Sobra ang pagpapa-good shot mo sa mommy ni Bea [Binene]. Diskarte mo ba ito para maligawan si Bea?

"No!" ang sagot ni Jhake, at "Lie" ang naging resulta.

Paliwanag naman ni Jhake, "Kasi po, mabait ang mommy ni Bea at si Bea, kaya nirerespeto ko silang dalawa. Pero hindi naman nawawala yung crush, di ba? Crush ko talaga si Bea, 'yon."

Bakit hindi pa niya ligawan si Bea?

"Hindi pa po tamang panahon. Kumbaga, iniisip muna namin yung career. Career muna tayo. Darating naman yung panliligaw, e, pag nasa tamang edad na," sagot ni Jhake.

Ito naman ang tanong ni Jhake kay Derrick: Sa tingin ba niya ay may chance siya kay Kylie Padilla kung liligawan niya ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes" ang sagot ni Derrick at "Truth" ang naging resulta sa truth verifier machine.

Bakit nasabi ni Derrick na may pag-asa nga siya kay Kylie?

"Kasi po sa ipinapakita ko sa kanya. Maalagain ako sa kanya sa set, dinadalhan ko siya ng pagkain, yung ganun. Basta mabait ako sa kanya kaya feeling ko may chance. Pero sa ngayon, gaya ng sinabi ni Jhake, trabaho po muna," sabi ni Derrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN