John Lloyd Cruz's family remains his first priority; celebrates first anniversary with Shaina Magdayao

"Yun ang number one priority ko—my time with my family. Kahit sinong makausap mo ngayon na malapit sa akin, alam nila kung ano ang value ng time sa akin ngayon. Kung gaano kaimportante sa akin ang oras ko because I have a family to attend to," says John Lloyd Cruz.


Sa nalalapit na pagtatapos ng Imortal ay dinalaw ng The Buzz co-host na si KC Concepcion ang set ng serye para interbyuhin si John Lloyd Cruz, ang male lead ng ABS-CBN primetime series na ito.

Ang unang tanong ni KC kay John Lloyd ay, how was it being in Imortal for the last six months?

"It's quite a journey for me. Kasi, sabi ko nga, bago kami nagsimula, sabi ko nga, ngayon lang ako papasok sa ganitong genre," sagot ng award-winning actor.

Paano siya napa-"yes" sa character na ginagampanan niya?

"E, sabi ko nga, hindi naman puwedeng yun at yun ang ginagawa natin. So, siguro in a way, gusto ko rin. Like, it's giving back to my audience," sabi ni John Lloyd.

"Memorable" ang salita na ginamit ni John Lloyd when KC asked him if his role in Imortal was his best role.

"I think, this one was memorable. Ngayon lang ako nag-leather jacket sa Maynila para sa show. Imagine mong mag-leather jacket sa Quiapo. Try mo!" biro ng aktor kay KC.

ALMOST QUIT SHOWBIZ. Ipinagtapat naman ni John Lloyd kay KC na muntik na siyang mag-quit sa showbiz in his early 20s.

Kuwento niya, "When I was younger, siguro mga 20, 22...yun ang medyo kalat-kalat yung mga priorities ko. Parang hindi ko alam. Parang hindi ko mai-set. Parang I wanted to explore yung mga different options na gusto kong i-explore. Parang you're looking for a higher purpose."

Masasabi ba ni John Lloyd na nahanap niya kung sino si John Lloyd?

"Nahanap ko siguro yung naging part ng industriyang ito. Comfortable na ako, or hindi na ako natatakot na makita ng audience ko or ng tao kung ano ba ako talaga," saad niya.

FAMILY FIRST. Sa kabila ng lahat, ang kanyang pamilya pa rin daw ang pinag-aalayan ni John Lloyd ng lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating sa kanyang mga pangarap, ayon sa aktor, "Ako naman, every day, before I go to sleep, you know, I'm wishing na sana naibibigay ko ang lahat ng pangangailangan ng pamilya ko, mahal ko sa buhay."

Ano naman ang ginagawa ni John Lloyd so he can give more time to his family?

"Yun ang number one priority ko—my time with my family," diin niya.

"Kahit sinong makausap mo ngayon na malapit sa akin, alam nila kung ano ang value ng time sa akin ngayon. Kung gaano kaimportante sa akin ang oras ko because I have a family to attend to.

"Lumaki ako na nai-express ko kung ano ang gusto ko. Madalas emotionally and kung ano ang intention ko, lalo na sa pamilya at sa trabahong ginagawa ko. Lalo na ngayon, mas nai-express ko kung ano yung gusto kong ipaglaban na sa tingin ko, ito ang tama for me. Sa mga desisyon, sa mga commitment mo."

FIRST ANNIVERSARY. Sa huli, KC asked John Lloyd about Shaina Magdayao and their relationship.

"Okay naman," sagot ng aktor. "Magkasama kami kagabi with my family sa Tagaytay. Kung may libreng panahon, libreng oras, we enjoy doing normal things that a couple normally does—manood ng sine, maghanap ng mga bagong restaurant."

Hindi rin itinanggi ni John Lloyd na ngayong Abril ang selebrasyon nila ni Shaina ng kanilang first anniversary bilang magkasintahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN