Bea Alonzo on working with Vic Sotto for the first time: "Sobra, I had a blast!"

"Mahal na mahal ko ’tong trabahong ’to. Pero siguro kapag hindi ko na kilala ang sarili ko, yun na ang cue na lalabas na ako. Kapag marami nang nabali sa values ko, or kapag nilamon na ko ng negative things sa showbiz," says Bea Alonzo about the possibility of quitting showbiz.


"Best Actress ng aming henerasyon" ang naging pagpapakilala ni Toni Gonzaga kay Bea Alonzo sa one-on-one interview niya rito sa The Buzz noong Linggo, April 3.

Ang tungkol sa fears ni Bea ang ilan sa mga naging tanong ni Toni kay Bea.

May kinatatakutan pa ba si Bea when it comes to her career at this point?

"Oo naman, marami. Siguro, every day, I try to overcome those fears," sagot niya.

Ano naman ang kinakatakutan niya pagdating sa kanyang career?

"Marami, marami... Every single scene na ipapagawa sa akin, kinakabahan pa rin ako. Natatakot ako na hindi ako maka-deliver, or hindi ko magawa nang tama yung bawat eksena. And I think, it’s healthy, kasi hindi ako nagsasawang mag-strive for the best."

GOING BACK TO SCHOOL. Sa isang interview ay sinabi ni Bea na gusto niyang bumalik sa pag-aaral at makapagtapos ng degree.

Paliwanag ni Bea tungkol dito, "Kasi ako, sa buhay ko, I always go with the flow. Ngayon, binibigyan ako ng maraming oportunidad sa buhay. And I always say this sa mga interviews ko, na baligtad yung sitwasyon ko. Yung iba, they study to be able to work in the future. Ako, I work for me to be able to study kasi walang magpapaaral sa akin."

Pero ayon kay Toni, iba rin naman si Bea dahil at a very young age ay kumikita na siya at daig pa niya ang ibang graduates.

Dagdag naman ni Bea, "At marami akong magagandang experiences sa buhay. Marami akong na-experience na hindi na-experience ng mga regular na tao or naka-graduate. Pero ia-advice ko, lalo na sa mga kabataan, na i-prioritize pa rin ang pag-aaral."

Ano o sino kaya ang magpapa-retire sa kanya sa showbiz?

"Mahal na mahal ko ’tong trabahong ’to. Pero siguro kapag hindi ko na kilala ang sarili ko, yun na ang cue na lalabas na ako. Kapag marami nang nabali sa values ko, or kapag nilamon na ko ng negative things sa showbiz," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEA’S DREAM. Natatakot ba si Bea na tumandang mag-isa?

"Tumandang mag-isa? Oo, oo naman," sagot niya.

Kumusta naman ang lagay ng puso ni Bea ngayon?

"Takot akong tumandang mag-isa? Siyempre, Lord, huwag naman!" natatawang sagot niya. "Siyempre, isa rin yun sa mga pangarap ko sa buhay—magkaroon ng pamilya, ikasal."

Ano ba ang ideal age ni Bea for marriage?

"Hindi ko pinaplano, e. Kung kailan ko lang maramdaman. Mamaya ma-disappoint ako na sinasabi ko sa sarili ko na ’eto ang tamang edad para sa akin. Definitely, not three years or four years from now!" sabi niya.

MOVIE WITH BOSSING. Bukod sa kanyang ginagawang soap opera with Robin Padilla, ang Guns And Roses, kakatapos lang din ni Bea ng isang pelikula para sa Star Cinema—ang Pak! Pak! My Dr. Kwak! with Vic Sotto.

First time nilang magkasama ni Vic, how was it working with the Box-Office King?

"Sobra, I had a blast!" bulalas ni Bea. "Talagang hindi ko makakalimutan sa buhay ko ang pakikipagtrabaho sa kanilang lahat. Nami-miss ko na agad. Senti mode!"

Ayon kay Toni, sanay sila na katrabaho ang Kapamilya stars. Pero sa pelikulang ito, ang nakatrabaho ni Bea ay ang mga Dabarkads na sina Wally Bayola at Jose Manalo, bukod kay Vic.

Sabi naman ni Bea, "Ito yung mga taong hindi ko nakikita palagi sa hallway ng ABS. Ibang kultura. Ibang experience. Almost all of them, comedians. So, walang dull moments sa set. Masaya at saka mami-miss ko yung mga dinners namin every shooting day."

First time na sumabak ni Bea sa comedy. Kinabahan ba siya working with Vic?

"Hindi, ini-enjoy ko," sagot ng young actress.

"Ako naman, hindi naman ako dumaan doon. Parang first day pa lang, sobrang comfortable na. Sobrang warm na nila. Sobrang nag-enjoy. Kaya siguro ang bilis naging close. Ang bilis kong naging attached sa kanila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN