Joey Marquez: "I don’t want to get married anymore."

"Kaya kayong mga ladies, even before you get in a relationship with other men, ang lalake, typical babaero. Ang sinasabi ko sa kanila, ’Do not expect a miracle, do not live in a fantasy, expect the worst. Kasi pag ang worst dumating na, bale wala na ’yan sa iyo. You should always know your partner,’" ang payo ni Joey Marquez sa mga kababaihan.


Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng TV5 sitcom na Hapi-er Togeder (aired every Tuesday) kamakailan sa may RSVP Studios sa Sucat, Parañaque.

Dito ay nakausap ng PEP si Joey Marquez, isa sa lead characters sa third season ng nasabing sitcom.

Ginagampanan ni Joey ang role ni Lucio "Chong" Sumulong, isang seaman na hindi na muli pang nakasakay ng barko.

Kasama niya sa adventures at misadventures para mabuhay ay ang kanyang kaibigan at dating katrabaho na si Mael, na ginagampanan naman ng komedyanteng si Long Mejia.

Sa kabila ng kanyang paglabas sa Kapatid network, nilinaw ni Joey na wala siyang exclusive contract dito.

"Wala akong kontrata. Hindi ako nagkokontrata kasi may loyalty naman ako, e. Kumbaga sa kasal, the wedding is just a ceremony. It’s the commitment," sabi niya.

Ayon pa sa komedyante, hindi pa niya nasubukang magkaroon ng kontrata kahit na nung lumabas siya sa ABS-CBN at GMA-7.

ON JOHN ESTRADA. Dating kasama ni Joey sa Hapi-er Togeder ang kanyang kaibigan at katrabaho sa defunct sitcom ng ABS-CBN na Palibhasa Lalake na si John Estrada.

Nalungkot ba siya na nawala na sa sitcom si John?

"Nalungkot? Sayang lang kasi ang laki ng contribution niya dati, tsaka sayang lang na wala siya. It could have been perfect kung nandiyan pa siya," sabi ni Joey sa pag-alis ni John sa show.

Sa kasalukuyan ay isa si John sa main hosts ng ABS-CBN noontime show na Happy, Yipee, Yehey! Kasama rin ang actor-TV host sa teleserye na Minsan Lang Kita Iibigin, sa ABS-CBN din.

Kailan ba sila huling nagkausap ni John?

"Last time kaming nag-usap, matagal na. Kasi palagi siyang busy, lagi din akong busy," sagot ni Tsong, palayaw ni Joey.

Kapansin-pansin naman ang hindi pagdalo ni Joey sa kasal ni John sa beauty queen na si Priscilla Meirelles noong February 26, na ginanap sa Thunderbird Resort, Poro Point, San Fernando City, La Union.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag ni Joey ang dahilan.

"May shooting ako nun sa movie nila Gerald at Sarah. Hinahabol namin," aniya.

Ang tinutukoy ni Joey ay ang Catch Me... I’m In Love na pinagbibidahan nina Gerald Anderson at Sarah Geronimo. Ginagampanan niya rito ang papel ng tatay ni Sarah.

Hindi man siya nakadalo ay inimbitahan naman daw siya ng kaibigan.

Isa pang kapuna-puna ay hindi nabanggit ni John si Joey sa mga listahan ng mga kaibigan nito na kanyang pinasalamatan sa kasal niya.

"Andun silang lahat, ako lang wala dun. Hindi naman kelangan na maalala ka pa niya. Ang friendship kasi hindi naman nasusukat kung naalala ka niya," reaksiyon ni Joey tungkol dito.

Hiningan din ng PEP ng reaksiyon si Joey tungkol sa alitan ni John at ng Willing Willie host na si Willie Revillame.

Ayon sa dating mayor ng Parañaque, wala siyang kinakampihan sa isyu.

"Wala, kasi pareho ko silang kaibigan. Mahirap kasi hindi ko naman alam ang puno’t-dulo. Sinasabi ko lang palagi, sana magbati sila.

"Wala, kasi hindi ko naman alam ang nangyari. Mahirap mamagitan sa dalawang bagay na hindi mo alam. Ang alam ko lang, kaibigan ko sila and that time will heal all wounds."

Hindi rin daw niya balak gumawa ng paraan para makausap ang dalawa tungkol sa isyu.

"Kahit na nakakausap ko si Willie, hindi namin napapag-usapan unless siya ang mag-open up. Pero I’m the type of person na hind nang-uusyoso pa," sabi ni Joey.

ON POLITICS. Isa sa mga eksena na napanood ng PEP sa taping ng sitcom ay ang pag-iimbestiga tungkol sa isyu na katulad ng kinasangkutan ng kanyang administrasyon noong si Joey pa ang mayor ng Parañaque.

Ito ay ang pag-purchase ng "overpriced" na mga walis-tingting. Una siyang hinatulan ng Sandiganbayan noong 2007 ng "guilty," pero binaligtad ito ng korte makalipas ang dalawang taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanungkulan si Joey bilang mayor mula 1995 hanggang 2004, at bilang vice mayor mula 1992 hanggang 1995.

Ayon kay Joey, nagpaalam ang staff ng show sa kanya kung puwede ngang gamitin ang kasong kinasangkutan niya bilang parody sa nasabing episode ng show.

Pumayag naman agad-agad si Joey.

"Sabi ko, ’Okay! As long as hindi makakasagabal sa hustisya.’ Kasi kung guilty ka, mas lalo mong ikahihiya. Yung kaso ko sa walis-tingting is a matter of one peso, hindi ko ikayayaman ang piso.

"Ang sa akin lang naman, sabi ko, mas maraming kaso... The SC [Supreme Court] ruled in favor of me," aniya.

Wala na ba siyang balak na bumalik sa pulitika?

"Depende nga kung ano ang gusto ng tao. Kasi ako naman, hindi ko naman ’yan hanapbuhay, hindi naman ako nagpapakamatay [para] diyan," sagot ni Joey.

Paliwanag pa niya, "Dapat sa pulitika—kasi minsan ang tingin nila diyan, pero hindi naman lahat—parang lucrative career ’yan. Kumbaga, nag-invest sila sa eleksiyon, babawiin nila.

"Hindi dapat ganun ’yon. Tsaka hindi ko alam kung bakit nagpapatayan sila diyan. E, samantalang papatay ka ba para tumulong?"

Bilang sagot sa katanungan kung may balak pa siyang ipagpatuloy ang pulitika, sinabi ni Joey na, "Hindi naman sa ayaw ko na, kung papipiliin ako na sa pulitika at makakatulong ako, dun na lang sa makakatulong ako."

Pagpapatuloy ni Joey tungkol sa kanyang paniniwalang ang pulitika ay hindi dapat ginagawang career.

"Kasi ang pulitika, moral responsibility ’yan, hindi naman negosyo o hanapbuhay. Actually, nung pumasok ako sa pulitika, nakatsinelas ako, nung lumabas ako, nawala pa yung tsinelas ko," patalinhagang paliwanag ni Joey.

KRIS AQUINO. Napunta rin ang usapan tungkol sa mga dati niyang mga nakarelasyon.

Ani Joey, kaibigan niya ngayon lahat ng mga naging karelasyon niya.

"We wouldn’t be that good friends. But one way or another, we have memories together, whether bad or good. For whatever it is, I will always respect them. Pag makita ko sila, kelangan nila ng tulong, pagbigyan natin," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga nakarelasyon ni Joey ay ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino. Ano ang reaksiyon niya sa pakikipaghiwalay ni Kris sa cager niyang asawa na si James Yap?

"Wala. Anong mapi-feel ko? Walang akong ine-expect sa kanila. Ang sa akin lang naman, as long as they are happy with what they are doing, okay lang naman sa akin yun," nakangiting sambit ng beteranong komedyante.

Huli raw niyang nakita nang personal si Kris sa kasal nina Raymart Santiago at Claudine Baretto noong 2006 pa.

"I just said hi," banggit ni Joey.

Nag-react din siya sa naging isyu dati na may binati si Kris na nagngangalang "Joey" on-air.

"Malisyoso lang kasi ang mga tao. Parang ako lang ang Joey sa buong mundo? It was just misunderstood. What she probably meant was the Joey na kilala niyang iba. Pero tao lang naman ang naglagay ng malisya," sabi ni Joey.

Sandaling tumigil si Joey at saka siya nagbigay ng malaman na payo. Aniya, "Kaya kayong mga ladies, even before you get in a relationship with other men... Ang lalake, typical babaero. Ang sinasabi ko sa kanila, ’Do not expect a miracle, do not live in a fantasy, expect the worst. Kasi pag ang worst dumating na, balewala na ’yan sa iyo. You should always know your partner.’"

ALMA MORENO. Dahil napag-usapan na rin ang past relationships ni Joey, hindi na maiwasang mapag-usapan ang dati nitong asawa na si Alma Moreno.

Last year daw silang huling nagkita ni Ness, palayaw ng actress-politician.

"Alam mo, ang turing ko sa kanya, parang ina ko. Ganun ko siya ’ginagalang," ang pabirong hirit ni Joey.

Matapos ma-annul ang kasal nila Joey at Alma, ikinasal ulit ang dating aktres kay Marawi City Mayor Sultan Fahad "Pre" Salic.

"Masaya ako kasi at least bubuo na naman siya [ng pamilya niya]," ang sabi ni Joey sa kanyang dating asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fourteen years na nagsama sina Joey at Alma.

"Eight years na akong hindi kasal. Two years na akong single," ang paglalarawan ni Joey sa kanyang lovelife.

Ayon pa sa kanya, wala na raw siyang balak magpakasal ulit.

"I am married to my children," sambit ni Joey.

ON HIS CHILDREN. Ang kanyang mga anak daw ang kanyang prayoridad sa ngayon.

At sila rin ang dahilan, aniya, kaya hindi na parte ng prayoridad niya ang magkaroon ng relasyon.

"Kasi ang lalaki na ng mga anak ko. One is, I don’t want to get married anymore. Two, selosa mga anak ko. I don’t think nobody can take the place ng nanay nila. Number three, I don’t want competition.

"In every relationship I have been with, I always tell them, ’Never compete with my children.’ Pag nakipag-compete ka sa mga anak ko, ayaw ko na," pahayag ni Joey.

Tuluyan na ring pumasok sa mundo ng showbiz ang 19-year-old daughter nila ni Alma na si WynWyn Marquez.


"Actually, gusto niya lang sumayaw. Nagmana sa tatay, e," ang naging pagmamalaki ni Joey na may halong biro.

Aminado si Joey na dalaga na ang kanyang anak ngunit wala pa raw itong ipinakikila na manliligaw.

"Alam niya kasi selsoso ako. Kasi lahat naman ng parents seloso when it comes to their children. Ang tatay will always believe that he is the only man in his daughter’s life," ang naging rason ni Joey kung bakit hindi pa niya nakikilala ang mga manliligaw ng anak na dalaga.

At kung saka-sakali man na may manligaw sa dalaga niya ay meron lang siyang mga atubilin.

"Hindi, okay lang sa akin. Ang sa akin lang talaga, basic rules, and sa akin lang talaga yung makatapos ng pag-aaral. That is the only thing I can give them that nobody can take away," nakangiting sinabi ni Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw siya natatakot para sa anak.

"I’m a very optimistic person. Sabi nga nila, when you are pessimistic, you attract pessimism, negative comes. Ang sa akin, no matter what happens, be it right or wrong, they will always be my children and I will be on their side," saad niya.

Pagdating sa lovelife ng kanyang mga anak, ito ang paalala ni Joey:

"Ang sinasabi ko sa kanila,’Basta masaya kayo, mahal kayo nung tao, nakatapos ng pag-aaral, ano man ang mangyari sa inyo, kakampi n’yo ako!’

"Sabi ko sa kanila, ’wag silang magmadali magpakasal. Yun ang pinakamadali, pinakamahirap makawala."

ON BEING TYPECAST AS A PLAYBOY. Sinagot din ni Joey ang pagkakaroon niya ng imaheng playboy o palikero.

"Kasi yun ang nata-typecast sa akin sa TV. I don’t know how to put it. But some or many of my friends say that I should take it as a compliment. Yung iba, sabi masama daw," sabi ni Joey.

Nagpatuloy siya sa pag-aanalisa sa nasabing tawag sa kanya. "Meron bang pangit na playboy? Well, it’s a compliment. Ibig sabihin may sex appeal ka!"


Biro pa niya, "Hindi klase ng sex appeal na you wanna have sex, you appeal. Or may cheque appeal ka, may appeal ka pag may cheque. Or tinitingnan ka na sex object, pero ang totoo nun, every time you ask for sex, they object!

"So, sabi ko sa sarili, I’ve probably been misunderstood."

LESSONS LEARNED ABOUT LOVE. Bago matapos ang panayam, nagbigay si Joey ng ilang realizations na kanyang natutunan tungkol sa pag-ibig at pakikipagrelasyon.

"Sa relationship kasi, kelangan ang lalake ang parating mali. Kultura natin yun. Madaling patawarin ang lalaki kaysa sa babae. Maniwala ka diyan.

"So, in any relationship, wala namang babae na umamin na sila may kasalanan. Pag nabugbog, sinasabi inapi siya, pero hindi niya sinasabi na may kasalanan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So what is even worst in this society is what people think that you are not, after they realized they are wrong. It’s all about kung ano yung hinusga sa iyo kaysa sa kung ano yung naging husga.

"At saka mahirap makipag-away sa babae."

Tungkol naman sa mga naging failed relationships niya, tinatanggap ni Joey na may mga kasalanan din siya.

"Kasalanan ko din siyempre, laging ganun. Ang regrets ko lang sana matuloy na. As what I said, the wedding is just a ceremony, the commitment is what really counts," pahayag ng komedyante at dating pulitiko.

Inihayag din niya ang isang bagay na natutunan patungkol sa tunay na pag-ibig.

"Sabi ko nga, to be able to have longer relationships na permanent, you have to first love the worst of anyone. Kelangan mahalin mo muna yung mali sa kanya. Pero yung maganda sa kanya, bonus na lang. Ang pag-ibig naman kasi wala naman madali diyan," paliwanag ni Joey.

Sa huli, nag-iwan siya ng isang linya na ayon sa kanya ay kanyang hinango sa Bibliya.

"Love is never happiness, it is always a sacrifice to give your better-half happiness," nakangiting sabi ni Joey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN