Marc Abaya on his other manager, Pia Magalona: "I love working with her."

"She’s wonderful! Isang karangalan para sa akin kasi ang mina-manage niya yung mga anak niya. I’ve never felt like I was neglected po kasi, ’yon nga, e, ang daming projects na dumadating. Kahit po madugo yung schedule ko at hindi ako sanay sa schedule ng showbiz, nasasakyan niya at naayos pa rin niya lahat," says Marc Abaya (main photo) about his co-manager, Pia Magalona (inset).


Si Pia Magalona ang manager ng band vocalist-actor na si Marc Abaya.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marc kung kumusta maging manager si Pia. Hindi ba siya napapabayaan? Dahil ang ibang alaga ni Pia ay mga anak mismo ni Pia and the late Master Rapper Francis Magalona, na sina Maxene, Saab, at Elmo Magalona.

"She’s wonderful! Isang karangalan para sa akin kasi ang mina-manage niya yung mga anak niya.

"I’ve never felt like I was neglected po kasi, ’yon nga, e, ang daming projects na dumadating.

"Kahit po madugo yung schedule ko at hindi ako sanay sa schedule ng showbiz, nasasakyan niya at naayos pa rin niya lahat," sabi ni Marc.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Marc sa taping ng I ♥ You Pare ng GMA-7 sa Boiler Room sa Marikina City.

"I love working with her," sambit pa niya.

Paano niya naging manager si Pia?

"Ano po, I think nagkakilala kami first time sa video namin, ’One Look’... Yung anak niya si Elmo, kasi ang kuwento nun, may mga batang kami [Kjwan], tapos yung batang drummer si Elmo Magalona.

"Hindi pa artista si Elmo nun. 2006, that was the first time we met and then nagkakilala po ulit kami nung nagkatrabaho kami sa U92, a radio station, ano 92.3 FM. DJ kami, different boards, different time. And so ’yon.

"Nagkakilala din kami sa station, and then I was very fortunate na yung manager ko sa ABS-CBN, si Jet Valle—whom I also love very much—yun, very close pala siya kay Pia.

"And nalaman ni Jet na nag-o-offer ako to work under direk Andoy Ranay sa GMA.

"So, perfect timing na sinabi niya na ’yon, since it will be weird, since taga-ABS po siya, di ba? Na parang for GMA, it will be Pia.

"This was end of last year, December, nung patapos na yung Magkaribal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero now, I still work for the both of them. Na pag GMA projects, siyempre si Pia; and then everything else, yung hosting or ABS projects, si Jet."

So, dalawa ang managers niya?

"Opo. Pero as of now, all of my jobs have been with GMA, so I’m with Pia."

SWITCHING NETWORKS. Bakit siya lumipat sa Kapuso network?

"The chance to work with Andoy Ranay again. Kasi siya po yung first director ko sa ABS," sagot ni Marc.

Si Andoy ang director ngayon ng I ♥ You Pare, na pinagbibidahan nina Regine Velasquez-Alcasid at Dingdong Dantes.

No’ng umalis si Andoy sa Dos, sumunod siya?

"Hindi, nung umalis siya ... nauna siya..."

Iyon ang reason kaya siya lumipat sa GMA-7?

"Yeah!" sagot niya.

Baka matsismis sila?

"No!" ang tumatawang sagot ni Marc.

"Well, I love him very much! I love him very much. Naaalala ko nung ano pa lang, Prinsesa ng Banyera, I got an invitation already to work for him. Pero sinabi ko, kailangan kong mag-workshop muna."

Nakatrabaho niya si Andoy sa Ligaw na Bulaklak ng ABS-CBN.

WORKING WITH HIS MOM. Nakatrabaho na rin ni Marc ang kanyang ina, ang isa sa pinakakilala at pinakamahusay na direktor ng bansa na si Marilou Diaz-Abaya.

"Nakatrabaho ko po early 2000, gumawa siya nung Moral Part 2 nina Eula Valdes, etc.

"PA [personal assistant] po ako doon. Ako yung tagadala ng coffee niya. Pina-cameo rin niya ako sa movie na ’yon, tumatakbo sa isang eksena," kuwento niya.

Given a chance na artista na siya talaga ng mommy niya, hindi siya maiilang?

"I think maiilang ho, kasi mommy ko yun, e. Siguro magpapakahasa muna ako," sagot niya.

"At alam ko yung process niya, e, madugo talaga, very exacting. Siyempre she will not allow anyone to fake anything, that’s why, again, she’s one of the greatest directors ever."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SURROUNDED BY GAYS. Sa I ♥ You Pare, nilalandi-landi si Marc as Joel ni Vodka, played by Paolo Ballesteros. In real life ba, may bading ng lumandi sa kanya?

"Oo, pero very harmless, I mean...and I grew up with gay men.

"I grew up with Ishmael Bernal, I love him very much! Yun yung mga ninong at ninang ko," sabi niya.

Si Bernal ay ang yumaong direktor na laging ikinakabit sa pangalan ng isa pang yumaong direktor, si Lino Brocka. Si Bernal ang direktor ng Himala starring Nora Aunor at Relasyon starring Vilma Santos, mga pelikulang parehong umani ng tagumpay. Ang isa pa sa mga sikat na pelikulang directed by Bernal ay Manila By Night or Manila Sin City, na gustong-gusto ng mga kritiko at na-censor sa panahon ni Presidente Ferdinand Marcos.

Naging malapit si Marilou kay Bernal, na masasabi ring naging mentor ng ina ni Marc.

Kaya never siyang naging homophobic.

"Never, never."

Iyon siguro ang dahilan kaya walang nag-take advantage sa kanya?

"Maybe. Kasi alam ko lang, ito yung kuwento na alam ko... Bago pa man ako ipinanganak, buntis na si Mama, nagkumpul-kumpol sina Ishmael Bernal, sina Lino Brocka, Manny Castañeda.

"At yun, pinlano na yung buhay ko, na magiging doktor ako o pari." Si Manny ay isa ring mahusay na writer, stage/film/TV actor, at director na nagtratrabaho pa ngayon, lalo na sa telebisyon.

Hindi iyon natupad.

"Hindi po!" ang tumatawang sinabi ni Marc.

Mahal daw ni Marc ang mga bading.

"Yes! My support system is always...also comprised of gay men, and I love gay men!" sabi niya.

COMPARISON WITH KEAN CIPRIANO. Pareho ng career paths sina Marc at Kean Cipriano ng Callalily: nagba-banda, artista, at naghu-host.

Ano sa palagay niyang edge niya kay Kean?

"Mas matanda po ako sa kanya!" ang tumatawang sagot ni Marc. "I’m older. I’m much older. With age comes wisdom, maybe! But then again, I am very proud of that boy!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit siya proud of Kean?

"Kasi malayo na ang nararating niya, e. I was there nung nagsisimula pa lang siya. Next thing I know he’s a big star, he’s a big star in Channel 5."

Ilang taon ang age difference nila?

"I just turned 31 years old."

Si Kean?

"I don’t know, I know he’s in his 20s. Kasi nagka-three albums na ako with Sandwich, then I put up my own band [Kjwan].

"Nung pasimula pa lang yung Kjwan, pasimula pa lang din ang Callalily. Nakasama po talaga namin sa studio, we were recording in the same studio at that time."

Nagkaka-bonding sila ni Kean "sa music...pag tugtugan."

Dagdag ni Marc, "Nakikita ...nakakasama ko rin po siya sa kabilang istasyon [ABS-CBN], yung mga prod numbers ng Showtime."

HUNKY MUSICIAN. Marami ang nagsasabing maganda ang pangangatawan ni Marc.

Sa isang event noon ng Cosmopolitan (Philippines) Magazine, kumanta ang Kjwan at naghubad ng shirt si Marc. Hindi na iyon naulit kahit tinilian pa ito ng crowd.

"No invitation," sagot niya nang tanungin namin kung bakit hindi na ito nasundan.

Hindi naman daw siya maarte pagdating sa paghuhubad.

"Sa treatment, kasi yung unang treatment, pinakanta ako kasama ko yung banda ko. E, iyon talaga yung comfort zone ko. Depende sa treatment, kung kasama ko banda ko."

Gagawin ba niya na rarampa lang talaga nang naka-topless, tulad ng ginawa ni Kean last year sa Cosmo Bachelor Bash?

"Well, treatment, depende sa treatment. Kung naka-brief kami ng banda ko, dehins.

"Basta again, it’s all in the treatment. If I like it, if I think it’s fun and challenging, why not?" sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN