PNoy not dating Len Lopez anymore; has reportedly set his eyes on a Singapore-based reporter

President Benigno "NoyNoy" Aquino has reportedly stopped seeing stockbroker Len Lopez. He is reportedly "smitten" now with a Singapore-based reporter he met during his official visit to that country recently.


Kinumpirma ng Newsbreak.ph ang balitang hindi na nagde-date si Pangulong Noynoy Aquino at ang stockbroker na si Len Lopez. O, hindi na raw nakikipagkita si Len sa Pangulo.

Ayon sa news online publication, halos isang buwan na raw mula nang makita ng kanilang sources ang dalawa na magkasama.

Bagamat hindi direktang inamin ni PNoy ang tungkol sa kanila ni Len, madalas niyang isama ang stockbroker sa ilang closed-door parties at social events.

Kahit ang pinakamatandang kapatid ni PNoy na si Ballsy Cruz ay nagkumpirma ng relasyon ng Pangulo at ni Len. Ipinakilala pa nga raw ni PNoy si Len sa kanilang pamilya.

Ayon pa Newsbreak.ph, nakita nila ang "sweet couple" sa isang party ilang buwan na ang nakalilipas.

"They walked into the party place together, smothered each other with warm smiles, and occasionally whispered—sweet nothings?—to each other. PNoy looked every inch a happy man, singing along with friends and government colleagues up to midnight. He and Len shared the same table with some non-government friends as well as the President’s two buddies, Energy Secretary Rene Almendras and Pagcor chair Bong Naguiat," lahad sa report.

Pero ayon sa sources ng Newsbreak.ph, "all that is over."

Hindi na raw nakita ng kanilang sources si Len nitong mga nakalipas na linggo at wala rin daw silang naririnig tungkol dito.

Samantala, ang bunsong kapatid naman ni PNoy na si Kris Aquino ay tumangging magbigay ng komento nang tanungin tungkol sa nababalitang breakup ng kapatid at ni Len.

"It’s none of my business," sabi ni Kris, na kilala sa kanyang pagiging "taklesa."

NEW LOVE? Pero ang pinakabagong balita ay mayroon na raw bagong pinagtutuunan ng pansin ngayon si PNoy.

Ayon sa report ng Newsbreak.ph, may nakilala raw si PNoy na isang reporter nang bumisita siya sa Singapore kamakailan. Hindi malinaw kung ano ang nationality ng reporter, pero naka-base raw ito sa Singapore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Apparently, he got so smitten to the extent of sending her a text message inviting her to a free and all-access tour of Malacañang. The buzz is that PNoy used the cell phone of Secretary Almendras in sending the text. And that the reporter apparently showed the text messages to a couple of friends," sabi pa sa report.

THE PRESIDENT’S LOVELIFE. Simula pa lamang nang tumakbo sa pagka-presidente si President Aquino ay naging laman na ng mga pahayagan ang pribado nitong buhay, partikular na ang lovelife nito. Si PNoy ang kauna-unahang binatang presidente na umupo sa Malacañang.

Kasama niya na nangampanya noong May 2010 presidential elections ang konsehala ng Valenzuela City at Willing Willie co-host na si Shalani Soledad. Subalit naputol ang relasyon ng dalawa ilang buwan pagkatapos maluklok sa puwesto si PNoy.

Naghiwalay diumano ang dalawa noong September 28 ng nakaraang taon. Iyon ang araw na dumating si PNoy mula sa pagbisita nito sa Estados Unidos.

Pagkatapos ay napabalita ang panunuyo ni PNoy sa stylist nito na si Liz Uy. Kinumpirma ng presidente na lumalabas silang dalawa.

"We have been spending time together as long as our schedules permit," ang naging pahayag noon ng Pangulo tungkol sa estado ng relasyon nila ng celebrity stylist na si Liz Uy.

Hindi na umusad ang panliligaw ni PNoy kay Liz at wala nang nabalitaan pa tungkol dito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN