Ruffa Gutierrez inspired by Jinkee Pacquiao to undergo bodytite procedure; favors divorce in the Philippines

"Medium na ang size ko ngayon kasi dati large, e. I’m so happy! I think kasi our body is always a work in progress. Hindi naman ibig sabihin na payat ka for a week, e, payat ka na forever. You consistently have to take care of yourself. You have to work out, watch what you eat," says Ruffa Gutierrez after undergoing a medical procedure called bodytite.


Proud na ipinakita ni Ruffa Gutierrez sa entertainment press ang magandang resulta ng pagsailalim niya sa bodytite medical procedure na mismong si Dra. Vicki Belo ang nagsagawa sa Belo Clinic sa Medical Plaza Building sa Makati City.

"Medium na ang size ko ngayon kasi dati large, e. I’m so happy! I think kasi our body is always a work in progress. Hindi naman ibig sabihin na payat ka for a week, e, payat ka na forever. You consistently have to take care of yourself. You have to work out, watch what you eat.

"Kaya yung ibang tao nagpapa-liposuction and they get five times bigger than they were before because they use it as a means of losing weight. Lipo is just to remove the fats. You still have to diet, you still have to watch what you eat and you have to work out. So, doon sa mga tamad, nagpapa-lipo sila, they get bigger tuloy.

"Mine is called Belotite. It’s actually a little bit invasive, pero according to Dra. Vicki, tinatanggal yung mga lawlaw na skin. So, siyempre, let’s face it, may lawlaw akong skin sa tummy before kasi I gave birth twice. So, after mong manganak at payat ka na, may loose skin pa rin na hindi nawawala kahit i-workout mo.

"So, itong bodytite parang pinaplantsa yung skin para matanggal yung mga lawlaw. So, wala na, pantay na ulit ang skin ko sa tummy," paliwanag ni Ruffa.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ruffa sa presscon na ibinigay ng Belo Medical Group sa actress-TV host kahapon, April 7, sa Annabel’s Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon pa kay Ruffa, hindi rin daw instant na sexy ka kaagad after the procedure. Pagkatapos pa raw ng isa hanggang dalawang buwan at saka makikita totally ang epekto ng bodytite.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There was a time nga sa Paparazzi [her showbiz talk show on TV5] na for a month, sabi nila, parang mukhang manang ako kasi nga medyo bloated ako. Epekto kasi yun ng liquids na ipinasok sa katawan ko. You have to flush out yung mga liquids and then after a month or two, makikita mo na yung resulta.

"Pero mabuti rin the next day after the procedure ay nakapagtrabaho na ako. Walang down times. Nakapag-meeting na ako for my next projects kasama si Mommy [Annabelle Rama]. Tapos within the week ay nakapag-Paparazzi na ako. Hindi ko kailangang um-absent sa show."

Dahil daw sa magandang resulta ng bodytite sa kanya ay nakapag-bikini na ulit siya na kitang-kita sa sexy and daring pictorial niya kay Mark Nicdao para sa kanyang Belo billboard na makikita na raw sa Edsa this weekend.

INSPIRED BY JINKEE. Nakumbinsi raw si Ruffa na magpa-bodytite matapos niyang makita ang katawan ni Jinkee Pacquiao, asawa ng Pambansang Kamao na si Rep. Manny Pacquiao, na nauna nang sumailalim sa bodytite procedure sa Belo Clinic.

"Actually, na-inspire ako kay Jinkee. Kasi si Dra. Belo, one year na akong kinukumbinsi to do this. Sabi ko, ayoko kasi gusto ko yung mga ano lang, non-invasive, mga massage-massage, ganun.

"And then, finally noong makita ko yung billboard ni Jinkee, ang ganda niya. So, sabi ko, kung gumanda ang katawan ni Jinkee, kaya ko ring gumanda ang katawan ko ng ganyan."

Gusto lang linawin ni Ruffa na ito pa lang ang first medical procedure na sumailalim siya sa Belo. Hindi pa raw niya ipinagagalaw ang ibang parte ng kanyang katawan, lalo na ang mukha.

"Kasi they even think, ’Naku, si Ruffa nagpa-Belo.’ Akala nila pati mukha ko pina-Belo ko. Excuse me, matagal na akong Miss World [second runner-up], I don’t have to touch my face!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero one time, sabi ko kay Dra. Belo, ’Can I have botox for my crow’s feet sa face?’ Ayaw niyang galawin ang face ko. I mean, si Dra. is the type of person na if it’s not broken, don’t fix it. Even if sinasabi na ng makeup artist ko na nagkaka-wrinkles na ako, sabi ni Dra. huwag na raw galawin.

"True enough, pag umaakting ako, merong reaksiyon ang face ko sa Mga Nagbabagang Bulaklak, may emosyon. At siguradong gumagalaw ang mga kilay ko!" sabi ni Ruffa na ikinatawa naman ng press.

STILL NOT POSING FOR MEN’S MAG. Dahil sa kanyang magandang katawan ngayon, tinawagan na ba siya ng FHM para maging cover girl?

"Naku, dati pa akong kinukuha noong kahihiwalay pa lang namin ni Yilmaz [Bektas]," banggit niya.

"As soon as I announced na wala na kami ni Yilmaz, a lot of men’s magazines called at the same week. Pero ayoko talaga. Siguro maganda na for Belo na lang because it’s for a reason. Hindi naman ako nag-bikini lang dahil gusto ko lang.

"Aside from the fact na it’s summer naman, I want to show all the other moms out there that it can be done. I want to be an inspiration to other moms na it doesn’t mean that you’re a mom ay taong-bahay ka na lang, magiging losyang ka na, tataba, at hindi ka na mag-aayos sa sarili mo. The more you have to exert extra effort for the married women para ma-keep nila yung husbands nila, kasi uso talaga ngayon is really payat."

Mas gusto pa raw ni Ruffa na lumabas sa fashion magazines.

"I don’t think I’ll go for men’s magazines," sabi niya. "Mas gusto ko pa sa fashion magazines. Kasi pag-fashion, puwede. Pag billboard, puwede. Pero pag men’s magazines, parang may ibang connotation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Don’t get me wrong ha, I have nothing against men’s magazines. But it’s not for me."

BETTER OFF ALONE. Mas dumami ba ang manliligaw niya ngayon dahil sa kanyang sexy body?

"With regards to dating and meeting someone, I think I’m better off alone," sabi ni Ruffa.

"The reason why I say that kasi I’m so busy. I have two children, their future is accountable to me. And I can’t have guys giving me stress.

"So, if they give me stress, I’d rather be alone, di ba? The guy has to accept me, my two children, my career. I mean, if you can’t accept that, goodbye."

Pero inamin ni Ruffa na meron pa ring guys na umaaligid sa kanya.

"Hindi naman mawawala yun. I mean, I have a lot of guy friends."

Sa tingin niya ba matagal pa bago siya ma-in love ulit?

"Tingin ko, matagal pa. First of all, I’m now going through an annulment [with her ex-husband Yilmaz Bektas]. Tomorrow nga [April 8], I’m gonna meet up with my psychiatrist. Parang you have to go through all these things.

"We don’t have divorce here in the Philippines, which I wish meron. I mean this is a maselang topic for conservatives but I’m talking out of experience. After all the problematic girls I’ve talked to, sana magkaroon na tayo ng divorce. Magkaroon ng easier process for annulment," saad niya.

Mahirap daw kasi talaga ang pinagdadaanan sa proseso ng annulment sa Pilipinas.

"I’m telling you, I don’t want to go through that again. Kasi we were marriend in Istanbul through religious rites, dito sa Philippines kami may civil wedding. And now, tatlong taon na yung process, pero hindi pa rin naga-grant.

"Even Yilmaz thinks I’m lying to him. Sabi niya, ’Give me a copy of the annulment. Why won’t you give it to me?’ Inaaway ako. Sabi ko, ’It’s not finished.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang ang weird nga naman na three years na, hindi pa tapos. Akala niya talaga I’m lying. But I’m not. Siyempre gusto niya ring makakuha ng kopya para everything is legalized," saad ni Ruffa.

YILMAZ BEKTAS. May communication pa rin ba sila ni Yilmaz?

"You know, we go through seasons. Sometimes he misses me. Minsan tawag niya sa akin ’Mama Smurf.’ There are days naman, ’I hate you... I wish I never met you...you’re a Brutus.’ So, meron siyang ganun."

Ano ba ang gusto niyang mangyari sa kanila ni Yilmaz ngayon?

"Ako, I’d rather have my freedom, my happiness now. I think a lot of empowered women nowadays, they want to raise their children on their own," sabi ni Ruffa.

Hindi ba niya kinulit si Yilmaz para sustentuhan ang mga anak nilang sina Lorin at Venica?

"I made him kulit in the first year after we separated. E, wala siyang binigay, bakit pa ako mangungulit? Nagtatrabaho naman ako," sagot niya.

Hinahanap ba ng mga bata ang daddy nila?

"Siyempre hinahanap. For me kasi, I never presented Yilmaz in a bad way. I always said good things about him to my kids. Continuous yung communication nila, not very often. Once in a while, nag-uusap pa rin sila.

"But I don’t want them growing up thinking na masama ang daddy nila. And I want them growing up respecting their father para maging buo sila as young girls. Kasi si Yilmaz pa rin naman ang daddy nila, di ba? So, siguro kakapuri ko kay Yilmaz, love na love nila si Yilmaz at hinahanap-hanap," sabi ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN