Dingdong Dantes understands Regine Velasquez-Alcasid’s decision to let go of her role in I You Pare

"I’m sure Regine has a more important reason on why she chose to let go of her role. As her co-actor, and as her friend, I understand that there are more serious decisions we have to make and I respect that. Health is wealth and that is ultimately why we should take care of that," says Dingdong Dantes about Regine Velasquez-Alcasid’s departure from I You Pare.


Sa pamamagitan ng text message ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong Dantes kaninang umaga, April 8.

Kinuha namin ang kanyang reaksiyon sa desisyon ng GMA Entertainment Television na palitan na ang kapareha ni Dingdong sa I ♥ You Pare na si Regine Velasquez-Alcasid—bilang Tonette/Tonya—dahil sa "severe migraine attacks" ng singer-actress.

Ang napiling pumalit kay Regine ay si Iza Calzado. (CLICK HERE to read related story.)

First team-up nina Dingdong at Regine ang I You Pare. Base sa nakukuha nitong ratings ay napatunayan na marami ang sumusubaybay sa tambalan nila at marami ang natutuwa sa chemistry nila.

Ayon kay Dingdong, "I’m sure Regine has a more important reason on why she chose to let go of her role. As her co-actor, and as her friend, I understand that there are more serious decisions we have to make and I respect that. Health is wealth and that is ultimately why we should take care of that."

Hindi na "bago" kay Dingdong ang papalit kay Regine na si Iza bilang leading lady niya. Ilang pelikula at teleserye na rin ang pinagsamahan nila, gaya ng Encantadia, Moments of Love, Eternity, at One True Love.

Kaya para sa aktor, "looking forward" din siya to work with Iza again.

"Iza is a great actress and I’m sure she will give a different flavor to her Tonette interpretation. Matagal ko na rin hindi nakakasama si Iza after having so many projects together before kaya I think this will be a fun experience for us, especially that this is a romantic-comedy," saad ni Dingdong.

Bukas, April 9, pa lang daw magsisimulang mag-taping si Iza for I You Pare.

MOVIE WITH KRIS. Hindi na rin lingid sa kaalaman ng karamihan ang pinaplanong movie na pagsasamahan at balitang iko-co-produce nilang dalawa ni Kris Aquino. Ilang beses nai-tweet ni Kris sa kanyang Twitter account ang naganap na meeting nila last week with their respective managers na sina Deo Endrinal at Perry Lansigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Dingdong, "We are going to proceed to our next level of talk with Kris and Deo on our next moves for the film we plan to make. Unless there are concrete details, I won’t mention any details yet. One thing is for sure, I am excited to make this work."

Kinumusta rin namin kay Dingdong ang sinasabing movie na gagawin nila ng direktor na si Erik Matti. May title na lumabas noon na ito raw ang The Aswang Chronicles at napabalita rin na posibleng maging filmfest entry ito.

Aniya, "Erik and I will also have a collaboration for his comeback in the big screen. This is another project that I have been waiting for and I am also eager to shoot. Kung kailan ipapalabas ay hindi ko pa puwedeng sabihin."

PEP also learned that after I You Pare ay may naka-lineup na agad na bagong primetime soap si Dingdong sa GMA-7. Hindi pa nga lang alam kung sino ang magiging leading lady niya.

Could it be with Marian Rivera again?

"No plans yet on what will happen after I You Pare. I’m sure by that time, Marian will be busy with Amaya," sagot ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN