Alyanna Asistio on her acting challenges: "Yung kontrabida at yung iyak. Yun po, nahihirapan po akong umiyak."

Alyanna Asistio describes her family’s relationship with Mark Herras, the boyfriend of her Ate Ynna Asistio. "Sobrang close po kami kay Mark na parang kapatid na namin siya talaga. Si Daddy naman alam niya pag nagsisinungaling yung tao. Pag kinakausap niya si Kuya Mark, ’Mark totoo ba ito?’ ’Tito Boy, hindi po.’ ’O sige, tapos na. Huwag na nating pag-usapan.’ Ganon po."


Sa April 18 ang 17th birthday ni Alyanna Asistio, ang nakababatang kapatid ni Ynna Asistio.

Si Alyanna ay isa sa mga young talents ng TV5 na dating napanood sa nagtapos na romantic comedy na BFGF at My Driver Sweet Lover. Ngayon naman ay isa siya sa mga hosts ng youth-oriented program na Fantastik at gag show na Lokomoko U sa TV5 pa rin.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Alyanna sa taping ng Fantastik, sinabi niyang walang engrandeng birthday celebration ang magaganap sa kanyang kaarawan dahil gusto raw nitong paghandaan ang kanyang debut next year. Pinag-iipunan nga raw niya ang gagastusin nito.

Hindi ba siya susuportahan ng family niya sa debut niya?

"Eh, nagwu-work naman ako," bungad niyang rason. "Pero po sabi ng Daddy ko, bilhin ko lang po lahat nang gusto ko. Nagstart po kasi ako mag-work, gusto ko lang na kapag nag-party ako gusto ko sa akin galing lahat. Kung magkulang, e, di dagdagan na lang nila.

"Yung 17th birthday ko po, magpapa-party rin ako. Pero siguro kain lang, invite lang ako ng ilang friends," saad niya.

Bagamat, marami siyang mga shows hindi naiwasang mag-isip ni Alyanna kung bakit mas nauna pang mabigyan ng lead show ang dalawang star factor product na sina Ritz Azul at Eula Caballero.

"Magsisinungaling naman po ako kung hindi ko sasabihin na inisip ko rin po yun, na mas nauna ako pero bakit sila may lead? Naisip ko rin po na siguro hindi ko pa panahon ngayon. Darating din po ako doon pero hindi pa po ngayon.

"Sabi rin po ng Mommy ko, hindi parati ikaw ang papansinin. So, lagi ko pong ina-absorb ang payo ng Mommy ko kasi siya po ang may alam.

"Siguro hindi ka pa ngayon, pero hindi ka papabayaan ni Tita Annabelle mo," na ang tinutukoy ay si Annabelle Rama na manager niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nalilinya ngayon sa hosting si Alyanna dahil sa Fantastik. Nagku-comedy naman siya sa Lokomoko U na isang gag show.

ACTING CHALLENGES. "Yun pong drama ang gusto ko pong i-try. Kahit kontrabida man lang. Yung mga challenging role po sa akin e yung kontrabida at yung iyak. Yun po, nahihirapan po akong umiyak.

"Mommy ko nag-kontra sa Dyesebel non. Gusto ko lang pong subukan lahat. Gusto ko pong magsayaw, kumanta, mag-drama. Kahit ano po, kakayanin ko po. Sinabi ko rin po kay Tita Annabelle yung mga gusto kong gawin. Sabi rin po ni Tita Annabelle hindi rin po palaging ako yung papansinin.

"Mas priority ko kasi ngayon talaga yung star factor. Ako naman po, okey lang kahit hindi ako masyadong inano ngayon. At least, may show pa rin po ako. Thankful pa rin po ako," paliwanag niya.

Kahit galing sa isang kilalang pamilya, natural na raw kay Alyanna ang maging friendly sa mga kasama lalo na sa mga baguhang gaya niya.

"Ako po kasi sa kanila, ako yung hi! Yun po ang ikinakagalit ng Mommy ko, kaya po minsan nami-misinterpret ako ng mga tao. Kasi ako po kahit nakaupo lang yung babae, ’Uy, anong name mo?’ So, sa kanila po, ako po yung unang bumabati, nakikipag-usap.

"Yun nga po, nagka-problema po ako before, hindi ko na po babanggitin yung name."

Isa sa mga kasamahan niya sa Fantastik ang tinutukoy niya.

"Siguro po, feeling ko close na kami, nagkuwento po ako. Uy, ganito ang nangyari... Hindi naman po isyu, nakarating lang kay Mommy. Hindi naman ako namrublema noon kaya lang nakita lang niya ang nangyari, yun nga kinuwento ko. Tapos kinuwento niya sa iba. Marami nang nadagdag. Nakarating sa Mommy ko. Yun nga po yung problema, ang dali ko raw pong magtiwala sa ibang tao.

"Ang advice nga ng Mommy ko there’s nothing wrong naman raw with being a friend to others. You just have to know that person muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya kung kaya mong mag-stay kina JC (De Vera). Kasi sina JC, Ate Danita (Paner), IC (Mendoza), isang dressing room lang kami. Mas magkakilala po kami. Saka si JC ang unang nagtatanggol sa amin kapag may mga hindi siya nababalitaan na hindi maganda about us. At kilala kami ni JC," paliwanag niya.

ON JR DE GUZMAN. Kung tutuusin puwede nang magpaligaw si Alya, ngayong 17 years na old na siya. Pero siya lang ang ayaw magpaligaw.

"Ako lang po ang nag-a-ano sa Mommy ko. May mga nagpaparamdam naman. Wala naman dito (TV5)."

Iwas niyang banggitin ang pangalan kaya kinulit namin siya.

"Tiga ABS CBN na po siya... nahihiya akong sabihin. Si JR De Guzman po. Pero wala naman pong ano. Love team po kami sa BFGF at saka sa My Drivers... Noong lumipat siya sa ibang channel wala na po kaming communication. Pero nangangamusta rin naman ako sa kanya kasi naging close rin kami non e. ’Uy, kumusta ka na diyan? Nakaka-miss ka. Nami-miss ka na namin,’" kuwento niya.

Hindi masabi ni Alyanna kung nagparamdam ba sa kanya si JR noong mga panahong magkasama sila sa dalawang TV projects na ginawa nila.

"Hindi ko naman po sinasabing nagparamdam siya. Parang iba lang yung pakikitungo niya sa akin, parang masyado siyang caring sa akin," obserbasyon niya sa pagiging malapit sa kanya ng young actor.

Hindi pa masabi ni Alyanna kung kailan siya puwedeng magkaroon ng boyfriend.

"Yung Mommy ko po at yung Daddy ko po strikto po sila pero hindi naman sa point na kunwari may manligaw sa akin, sasabihin nila, ayoko niyan! Hindi po ganon. Ang gagawin nila pag may nakita silang mali doon sa tao, sasabihin nila, alam mo mali yan. Baka hindi makatulong. Wala naman pong problema sa kanila," paliwanag niya.

Incoming fourth year high school sa Montessori de San Juan si Alyanna. Inaamin naman ng dalagita na may mga panahong nasasakripisyo ang kanyang paga-aral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi naman po nang Mommy ko as long as gusto ko yung ginagawa ko. Hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko. Meron lang po akong hinabol. Dumating po ako sa point na once a week lang ako kung pumasok. E, yung school ko po regular. Pumapasok po ako with my classmates. May point na every Thursday na lang ako pumapasok. After non, diretso na ako sa rehearsal pag POV.

"Nakahabol po ako ng sobra. Ang dami kong hinabol. Nagre-test ako dahil ayoko pong bumagsak. Isang linggo po akong nag-aral para sa lahat ng subject. Ang ginawa ko po para makasiguro na hindi ako magkakaproblema sa DOLE — dahil ang Mommy at Daddy ko po ang nakapirma — kinausap ko po yung school kung puwede akong mag-summer. Kung puwede akong kumuha ng apat na subject na pinakanahihirapan ako. Tapos, pag-aaralan ko.

"So, April 25 pa po ako mag-start mag-aral sa summer. Four hours lang siya para sa apat na subject. One hour po per subject," lahad niya sa mga gagawin.

Ayaw isipin ni Alyanna na mas marami siyang trabaho ngayon kumpara sa kanyang Ate Ynna, gayong Party Pilipinas ang nilalabasan nitong programa sa GMA-7. Sa pagkaka-alam raw kasi ni Alyanna, magiging cast sa seryeng Sisid ang Ate Ynna niya. Pagbibidahan ito ni Jackie Rice.

ATE YNNA AND MARK HERRAS. Nang kumustahin naman namin kay Alyanna ang relasyon ni Ynna niya at ni Mark Herras, mabilis nitong sinabing "going strong" raw ang pagmamahalan ng dalawa. Nakangiti siyang nagpapatunay na very sweet raw sa isa’t-isa ang dalawa.

May mga bali-balita lang tungkol sa diumano’y paggamit ng droga ni Mark?

"Well, ilang beses na pong natatanong yan. Well, sa amin ng family ko, kahit ano pa pong sabihin ng tao as long as... kasi po pag may issue po kay Mark, sa bahay po agad ang punta ni Mark. Sasabihin ng Daddy ko, Mark totoo ba ito? Kasi sa Daddy ko lang po siya umaamin. Sa amin po sa bahay, pag tinatanong siya umaamin siya. Kung sa bahay nila, hindi ko po alam kung ano ang nangyayari sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero pag nagtanong na ang Daddy ko, umaamin na si Mark. Naniniwala po kami sa kanya," kuwento ni Alyanna.

Pinaniniwalaan ni Alyanna na malinis ang pagkatao ni Mark sa isyung droga.

"Ginawa po lahat ni Kuya Mark para ma-clear yun. Nagkaka-problema siya. Pero hindi po siya dumating sa point na nagda-drugs siya, na sumobra sa drugs," pagtatanggol niya sa kasintahan ng kanyang ate.

Isa sa mga indikasyon ng pagda-drugs raw ni Mark ay ang labis na pagpayat nito.

"Na-depressed po kasi si Kuya Mark. Namatay po yung nagpalaki sa kanya, yung Mama niya. Pumayat po siya nang sobra non.

"Tumaba na po siya. Sabi ko nga sa kanya nong isang araw, ang taba mo. Sabi niya, parang ang payat mo ah? Nagpakalbo pa, tapos ganon pa. Sabi ko nga, Kuya, ang taba mo."

May isa pang isyung laging ibinabato kay Mark, iyon ang pagpapabaya umano niya sa career niya dahil sa pagkahumaling nito sa kanyang love life.

"Hindi po totoo yun. Kasi si Ate (Yna) at si Mommy pa mismo ang nagpapa-alala kay Mark. Sabi ng Mommy ko, kahit hindi totoo yung isyu na lumalabas sa iyo na medyo pasaway ka sa taping na hindi ka uma-attend. Kailangang ipakita mong mali sila. Kasi gagawin ng mga taong naiinggit sa iyo na sirain ka talaga. Inaayos naman ni Kuya Mark."

May comment si Alyanna sa mga nagsasabing masamang impluwensya ang pamilya niya kay Mark kaya lumabnaw ang showbiz career nito.

"Pagka may masamang impluwensya, Mommy ko po at Ate ko ang napagdidiskitahan. Pero pag maganda, bakit hindi nila i-thank you ang Mommy at Ate ko. Yun po ang ikinasama ng loob ng Mommy ko.

"Siyempre, nakarating sa Mommy ko na bad influence raw kami, na walang naitutulong. Bakit kung may naitutulong yung family ko, wala naman po silang sinasabi na yung pamilya ni Ynna, nakakatulong kay Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lahat po ng problema ni Mark na pinagdaanan. Lahat po kami, hindi lang kami, ang Mommy ko, ang Ate ko, pati Daddy ko nandoon para kay Kuya Mark. Nagdi-dinner kami. ’Mark, anong problema?’ Naayos po.

"Sobrang close po kami kay Mark na parang kapatid na namin siya talaga. Si Daddy naman alam niya pag nagsisinungaling yung tao. Pag kinakausap niya si Kuya Mark, ’Mark totoo ba ito?’ ’Tito Boy, hindi po.’ ’O sige, tapos na. Huwag na nating pag-usapan.’ Ganon po. Kasi nakikita naman niyang totoo ang sinasabi ni Mark. Never naman pong nagsabi sa amin si Daddy na ramdam niya nagsisinungaling si Mark.

"Ang reaksyon lang po ng Daddy ko doon sa mga nagsasabing bad influence kami sa career ni Mark, e, yun ang tingin ng mga tao, hindi naman kami kilala ng mga tao. Hindi rin naman nakikita na araw-araw na ginawa ng Diyos lagi kaming may mga bisita sa bahay. Nagugulat na lang po kami. Oh, nandito ka pala. Kasi po, open po kami sa mga tao, sa mga kaibigan. Sobrang naging mabuting magulang din po yung parents ko sa ibang tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN