Iza Calzado on being compared with Regine Velasquez who played a gay role to the hilt: "I’m not competing with anyone. Wala tayong choice lahat!"

Iza Calzado on portraying the role of Tonette/Tonya after the Kapuso network decided to give Regine Velasquez-Alcasid a much-needed rest due to uh, migraine attacks:

"Actually, hindi ko agad na-realize na bading nga pala siya (Regine bilang Tonette). Ang tagal! The next day ko lang nalaman na, ’She’s gay!’ Ang unang worry ko, wala akong kaalam-alam sa istorya! Kahit ano naman, hindi talaga ako nakakapanood ng



Nag-taping na si Iza Calzado ngayong Sabado, April 9, ng I Heart You Pare sa Boiler Room ng Riverbanks sa Marikina, bilang kapalit ni Regine Velasquez-Alcasid na pahinga na sa GMA-7 primetime series dahil sa balitang buntis na si Songbird.

Patung-patong na pilikmata at pinaimpis ang dibdib ng aktres para umakma sa role niyang babae na nagpapanggap na bakla.

"First day is good. Nakakadalawang eksena pa lang ako kasi inayos at inayos pa ang look ko. Make up. So medyo nahirapan kami. Natagalan pa. Pero nakadalawang-eksena na kami as of now. Masaya naman so far!" pahayag ni Iza nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) habang nagla-lunch.

Hindi nga raw agad nag-swak sa utak ni Iza na babaing bading ang role ni Regine sa IHYP dahil bihira niyang mapanood ang romantic-comedy series.

"Actually, hindi ko agad na-realize na bading nga pala siya (Regine bilang Tonette). Ang tagal! The next day ko lang nalaman na, ’She’s gay!’ Ang unang worry ko, wala akong kaalam-alam sa istorya! Kahit ano naman, hindi talaga ako nakakapanood ng TV talaga. Bihira. Kasi idini-devote ko na lang ang time ko sa workout. Hindi automatic sa akin yung manood.

"Sabi ko, ’Patay ako nito! Wala pa akong napapanood!’ Una kong nakausap si Ricci Chan at humingi ako ng background. ’Ano ba ang nangyari at nagpapanggap siyang bading?’ Tapos, nagpadala sila ng script na ang dami-dami!

"That was just yesterday, di ba? Thursday sila nagpadala ng script, e, I was in Andres de Saya [taping]. E, pag-uwi ko sa bahay, plakda ako kasi since eight in the morning, puro eksena ko. Kain lang ang pahinga ko," kwento ni Iza.

TALK WITH REGINE. "Friday ko na inatupag yung I Heart You Pare. E, sa rehearsals ng Party Pilipinas, sabi sa akin ni Ogie [Alcasid], ’Sabi ng Ate Regs mo, if you have questions daw, feel free to ask her.’ ’May I have her number, please!’ Sabi ko talaga. Nagtanong ako at nag-usap kami ng 20 minutes kagabi, kinuwentuhan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I need to know kasi what she’s thinking. If she developed
mannerisms, nuances, hayun. Tapos dito sa set, sobrang inalalayan nila ako.

"Siyempre, bading lahat, e! I mean, minsan, may mga bading manner or words ako na na-pick pero I would not consider myself as babaing bakla. And I really try to avoid it because I wanna keep my identity as a woman!" sabay tawa ni Iza.

"Kasi, parang... Hindi naman ako bading, e! Pero kailangan ko talaga yung i-let go dito. Kasi bading ako dito, bakla ako. Walang masama doon. Huwag kang matakot!

"Kasi, natatakot ako dati. Mabilis akong maka-absorb! Maka-adapt." aniya.

"Minsan, para na akong bading magsalita, e, ang hirap. I have my bading moments when I talk to my makeup artist, bading na friends. Pero hindi sa lahat ng moments, bading ako. Not to say it’s bad, but it’s my decision na I don’t want to do that.

"So sabi ko, ganoon? So may kulot lahat. Bading lahat. Kaya ko ba ito? Ang hirap talaga nung unang eksena. Tapos, natatawa ako. Ang unang scene ko, yung ako na si Tonette!" mahabang kuwento ni Iza.

Alam ng magandang aktres na maku-compare siya kay Regine na baklang-bakla talaga ang dating nang tanggapin niya ang role.

"Hindi ko na lang iniisip yung pressure. Kailangan lang magawa ko kahit paano. I’m not competing with anyone. Wala tayong choice lahat!" sagot niya.

Sa pagpalit niya kay Regine, tambak tuloy ang dumating na trabaho kay Iza. Bukod sa IHYP, may sitcom siya with Cesar Montano (Ander De Saya), Eat Bulaga! at maron din siyang Ang Panday 2 with Bong Revilla at Marian Rivera.

"I cannot complain! Kaya nga pag nandiyan ang trabaho, go! Kasi GMA hadn’t said anything about my next soap opera (after Beauty Queen). So, when this came, hey, why not, di ba?" bulalas ni Iza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FALSE EYELASHES AND OTHER CHALLENGES. Yung pagiging bading lang ba ang mahirap sa taping?

"Oo at saka, hindi ko kayo makita masyado!" sabi niya dahil nga sa patung-patong niyang false eyelashes. Dagdag pa niya, "Nangangati na ako. Pero okey lang at natutuwa ako. Mahirap ang ganito, tapos, drama?"

Ang isa pa niyang takot sa role ay yung baka pakantahin siya sa
production number dahil si Regine nga ang bida.

"Pero in-assure naman nila ako na hindi siya kumakanta sa number niya," chika pa niya.

Tapos, si Paolo Ballesteros pa ang makakabangga niya na kasama niya sa Eat Bulaga!

"Kaya humanda siya. Wala pa kaming eksena pero mamaya kukunan ’yon dahil nasa Bulaga pa siya," saad ni Iza.

E, sino ang mas maganda sa kanila ni Paolo na super-girl Vodka talaga ang hitsura?

"Sa palagay mo, papayag ako na siya? Siyempre ako! Hindi, joke lang! Napanood ko yung scenes niya sa YouTube. Nakakatawa si Paolo," pabakla niyang sagot.

WISH COME TRUE. Lingid sa kaalaman ng marami, ang pagpasok sa comedy ay isa sa wishes ni Iza.

"Gusto ko talagang mag-comedy. Matagal na. Tapos, dumating yung Andres de Saya at okey na ako doon. Nang dumating ito, sabi ko talaga, be careful what you wish for. This is a good thing. Sometimes kasi, may sinasabi tayong hindi maganda. The power of words, but this is more of a positive thing!" katwiran niya.

Ayon pa kay Iza, si Regine din kasi ang pumili sa kanyang pumalit sa
role niya. Pero ano ba talaga ang kalagayan ni Songbird ngayon?

"Hindi ko po talaga alam, e. Sabi, may migraine..." paiwas niyang tugon.

Sa taping niya, si Dingdong Dantes agad ang naka-eksena niya.

"Okey naman. Sabi ko kay Dong, ’Huwag mo akong tatawanan, huh!’ Ang saya naman. Light, light lang," ang sabi niya.

Nababatukan ba siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman batok. Natutulak niya ako minsan pero sabi ko, huwag siyang mag-alala dahil malaki akong babae. Kaya I’m not scared!" pahayag niyang tumatawa.

Sa TV series na Atlantika huling nagkapareha sina Iza at Dingdong at sa movie naman, One True Love ang ginawa nila kasama si Marian Rivera. Baka naman siya ang pagselosan ni Marian?

"Hindi! Alam naman ni Marian na may boyfriend ako. I think she knows that I am just as in love with my boyfriend as she is with her partner. So we’re in the same boat. I give their relationship that respect and I’m sure she’ll give my relationship that same respect, too. Saka buti na lang, kasama si Marian sa Panday!" natatawang paliwanag ni Iza.

Pagdating naman sa daily hosting niya sa Eat Bulaga! nagpaalam nang maayos si iza kay Mr. Tony Tuviera na kapag meron siyang bakanteng araw, dadalaw siya sa noontime show upang ipagpatuloy ang hosting dahil napamahal na siya sa mga host ng programa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN