Celebs voice out opinion on Willie Revillame’s latest outburst; Sen. Kiko Pangilinan offers to "share the burden"

"I have debates on issues with those whose opinions differ from mine. But the discussions are lively, never descend to insults," singer Lea Salonga wrote on her Twitter account, which was a reply to Willie Revillame’s bitter attacks against the celebrities he accused of maligning him online.

Lea is one of the celebrities Willie Revillame attacked on his show, Willing Willie, last Friday, April 8, along wi


Matapos maglabas ng sama ng loob si Willie Revillame noong Biyernes, April 8, sa kanyang programang Willing Willie, ay marami ang nag-abang kung ano ang magiging sagot ng mga personalidad na diretsong pinatutsadahan ng controversial host.

Kabilang sa mga pangalan na sinabi ni Willie na aniya’y "nakisawsaw" sa kontrobersiyang kasalukuyang kinakaharap sa pamamagitan ng Twitter ay sina Jim Paredes, Aiza Seguerra, Agot Isidro, Lea Salonga, Mylene Dizon, Bianca Gonzales, Tuesday Vargas, K Brosas at Leah Navarro. (CLICK HERE to read related article.)

"’Yan pong mga pangalan na ’yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter!" daing ni Willie, na nagpahayag ng kanyang desisyon na magpahinga muna sa paghu-host ng sariling programa.

"Ito, huwag kayong manghusga ng kapwa ninyo artista. Dapat magkakasama tayo. Tulungan ninyo kami kung nagkakamali kami, huwag kayong manghuhusga. Tandaan ninyo, ’yong masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo," dagdag pa niya.

Nagbanta rin si Willie na idedemanda niya ang mga artistang tumitira raw sa kanya sa Twitter.

"Idedemanda ko ang lahat ng tumira sa akin sa Twitter. Lahat ng personal, tandaan mo ’yan!" sabi ng controversial TV host.

TWITTER OUTLET. Matatandaang may ilang celebrities ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng Twitter noong panahong umiinit ang isyu kaugnay sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan isang batang contestant na nagngangalang Jan-Jan Suan ang nagpamalas ng isang "sexy" dance number.

"Just saw the video of Jan-Jan. Exploiting kids to cover up for your lack of talent. Willie, ’pag nagkaanak ka, pagawa mo sa kanya ’yan ha?" saad ni Agot Isidro sa kanyang Twitter account.

Ipinoste rin ni Agot ang mensaheng ito: "I’m sure naabutan din ang parents ni Jan-Jan for showing up. I agree, they are to be blamed too. But Willie is the ringleader. It wouldn’t have come this far and this bad if he exercised a little decency."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sambit naman ni Bianca Gonzales, gamit din ang kanyang Twitter account: "Sad to hear about this YouTube clip circulating. This bullying has gone too far."

Dagdag pa ni Bianca, "I’m still bothered by the bullying video. What’s more disturbing is the audience laughing hysterically as the host poked fun at the kid. I was never a fan of kids dancing ’adult’ dances, whether they be boys or kids... I think kids should dance like kids."

Naging very vocal din ang tanyag na composer-singer at dating APO Hiking Society member na Jim Paredes at sinabing, "The sight of the audience laughing uncontrollably while a child was humiliated shows how low we have descended. Let’s wake up!"

AFTER WILLIE’S OUTBURST. Ilang oras pa lamang mula nang magsalita si Willie sa kanyang programa ay agad na umani ng hate messages ang mga artistang binanggit ng controversial host.

Iba-iba ang naging pagtanggap ng mga pinangalanan na celebrities ni Willie sa kanyang mahabang mensahe.

"Thank you for the outpouring of support. I am A-Ok! Don’t worry about me. Du’n lang tayo sa tama," mensahe ni Agot, na ang tinutukoy ay ang suportang natanggap niya sa mga kaibigan at tagahanga matapos banggitin ni Willie sa ere ang kawalan niya ng anak.

Hiniram ni Agot ang linya ng kantang "Beautiful" na pinasikat noon ng American singer na si Christina Aguilera: "’Coz I am beautiful in every single way, words can’t bring me down."

Hindi rin pinalagpas ni Bianca ang mga sinabi ni Willie bagamat kalmado naman ang isinulat ng TV host sa kanyang Twitter account.

"I really believe that what a person says or writes is a reflection of the kind of person he or she is," saad ni Bianca, na sinabi rin na marami siyang natutunan tungkol sa pagkakaiba ng "informed" at "uninformed" opinion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Mylene Dizon, "I will not be bullied. I will not be threatened. Sticks and stones may break my bones but your words will never hurt me."

Ginamit naman ni Jim Paredes ang akusasyon laban sa kanya ng ilang haters na "laos" na siya kumpara kay Willie na "sikat" pa rin sa kasalukuyan.

Buwelta ni Jim: "How can a laos, old, over the hill guy like me destroy a sikat, powerful, rich Superstar like Willie? He did it all by himself."

Sabi naman ni Lea Salonga sa kanyang Twitter message: "Last I checked, it’s actually a right of every person in this country to express an opinion, good or bad. We live in a democracy, and I’m grateful.

"And that is all I’m going to say. Nothing incendiary will be coming from me. No need for it.

"There are insults being hurled in our direction, but eh. That’s life. An opinion is subjective. Walang mali, walang tama. Di naman kailangang sumang-ayon kung hindi nagkakatugma ang mga paniniwala.

"A criticism is an opinion. I’ve been called a lot of things in my life, no biggie. Same for other artists. That’s life."

Idinagdag din ni Lea na hindi na bago sa kanya ang makipag-debate sa ilang indibidwal na taliwas ang paniniwala sa kanya.

"But the discussions are lively," diin ni Lea, "never descend to insults."

"No one is immune from criticisms, not even our President. Kung Pangulo nga, binabatikos araw-araw, at kinakaya niyang tiisin, tayo pa kaya?

"Ang sa akin, okey lang ang pagbabatikos. Walang masama doon. Ngunit ang pang-iinsulto? Ibang usapan na ’yun."

Minabuti naman ni Aiza Seguerra na hindi patulan ang mga hate messages na dumarating sa kanyang Twitter account.

Ipinagtanggol naman ni Akbayan Representative Risa Hontiveros si Aiza laban sa mga galit dito at sinabing, "Magpakababae si Aiza? Babae nga siya na may sariling sexual orientation at gender identity, tulad ng bawat isa sa atin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Simple lang ang naging mensahe ni Aiza na ipinoste niya sa kanyang Twitter account: "Sa mga sumusuporta, salamat po."

"ARROGANT" AND "UNREPENTANT." Habang sumisiklab ang palitan ng opinyon sa Twitter at iba pang networking sites ay hindi na rin nakatiis si Senator Francis "Kiko" Pangilinan na nagpahayag din ng kanyang matapang na sagot kay Willie.

"This arrogant, unrepentant and incorrigible TV host has gone too far and should go. Sue me too!" hamon ni Senator Kiko.

Nagsabi kasi si Willie sa kanyang mensahe na nakahanda siyang magdemanda laban sa mga taong naglabas ng kanilang opinyon laban sa kanya.

Ayon sa senador, "I was quiet but have decided to speak up especially since there is no remorse on his part.

"Kapag bata na ang inaabuso at batas ng bansa na ang nilalabag, hindi na ito biro-biro at maaaring tawanan. It’s taking a position on an issue close to my heart... the welfare of children... as a public official, I cannot please everyone."

Direkta ring sinabi ni Sen. Kiko kay Lea Salonga na hindi siya natatakot kung dumami man ang mga galit sa kanya at magpadala ng mga hate messages dahil sa sinabi niya laban kay Willie.

"Let me join you so we can share the ’burden,’" alok ng mister ng Megastar na si Sharon Cuneta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN