I ♥ You Pare director Andoy Ranay reveals Regine Velasquez-Alcasid called him first about her decision to leave the show

"I know it’s a tough act to follow. Pero Iza naman is a very intelligent actress. So, she’s putting something different do’n sa character na makakakatulong to improve pa the character of Tonya and Tonette," says director Andoy Ranay (main photo) about Iza Calzado (inset, bottom) replacing Regine Velasquez-Alcasid (inset, top) in I ♥ You Pare.


Ang mismong direktor ng I ♥ You Pare na si Andoy Ranay raw ang peg ni Iza Calzado sa kanyang character na Tonette/Tonya. Si Iza ang humalili kay Regine Velasquez-Alcasid sa primetime romantic-comedy series na ito ng GMA-7.

Sa first taping day ni Iza sa I You Pare noong Sabado, April 9, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Andoy.

Ayon kay Direk Andoy, ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho niya si Iza.

"Lahat na lang first time time dito. First time ko si Iza. First time naming magkakatrabaho. After two scenes, okay naman. Masaya. Ninenerbiyos pa siya.

"I know it’s a tough act to follow. Pero Iza naman is a very intelligent actress. So, she’s putting something different do’n sa character na makakakatulong to improve pa the character of Tonya and Tonette," saad ng direktor.

REGINE’S "DREAM." Si Direk Andoy raw ang unang kinausap at pinagsabihan ni Regine nang magdesisyong iiwan na niya ang I You Pare.

Kuwento niya, "Regine called me up and she told me before they decided. Bago sila nag-decide, ako muna yung tinawagan niya. I really appreciate that and she told me, medyo emotional nga ang pag-uusap namin."

Umiyak ba si Regine noong nag-uusap sila?

"Well, I can sense naman na she’s very sad. Pero inano ko na lang siya na, ’No, it’s okay. It’s okay, really... This is your dream. So, how can we curtail your dream, di ba? Because of this show, di ba?’"

Ilan sa mga entertainment press na nagpunta sa taping ng I You Pare sa Boiler Room, Riverbanks Marikina, ang nagbakasakaling may isa sa cast o staff na makapagkumpirma ng sinasabing pagbubuntis ni Regine. Pero wala sa kanila ang gustong magsalita.

Hinuhuli rin ng entertainment press si Direk Andoy dahil sa sinabi niyang "dream" ni Regine. Pero bigla itong tila naging careful sabay sabing, "Kailangan kasi yung mga dream niya ma-fulfill!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Biro namin kay Direk Andoy, ano ang konek ng dream sa "migraine" na sinasabing dahilan ng pag-alis bigla ni Regine sa I You Pare?

"E, kasi nga, kapag may migraine ka, hindi mo maa-achieve yung mga dreams mo!" natatawa niyang sabi.

IZA CALZADO. Lahat naman daw ng ginagawa ni Regine dati ay gagawin pa rin ni Iza, wala raw mababago. At the same time, ang naging treatment nila sa show ay as is pa rin kung ano ang iniwan ni Regine.

"Wala...she’ll do it [Iza]. She’ll do everything," sabi niya.

"Siguro adjustment din for Iza. Malapit na kaming matapos, so nasa peak na ang characterization. Hanggang May pa rin kami, pero hanggang June pa ang airing."

Kinumpirma rin ni Direk Andoy na mismong si Regine ang nag-suggest na si Iza ang pumalit sa kanya.

"She asked me kung okay lang sa akin. Sabi ko, it’s my pleasure. It’s an honor for me to work with Ms. Iza Calzado. Kasi, hindi ko pa siya nakakatrabaho sa mga artista sa GMA."

Bilang direktor ng show, nag-worry ba siya na mawawala ang bida nila at mapapalitan ng ibang actress?

"Hindi ako nag-worry kasi confident din naman ako sa istorya namin, sa show namin," sagot niya. "Confident ako because Dingdong [Dantes] is still here. Everybody is working so hard to make it happen.

"Like yung mga times na si Ate [Regine] has been absent, siyempre nag-konting adjust din ang mga writers in terms of story. Medyo pinush namin si Polly [Via Antonio] at si Paolo Ballesteros, bilang si Vodka, na ang taas ng rating. Di ba, nakakatuwa? Kasi, ibig sabihin, may followers na talaga ang show.

"So, kesa ma-stress pa kami, e, di ituloy na lang natin. Patuloy kaming gumagawa ng kaligayahan sa set. Na ngayon, may bagong additional sa set—si Iza Calzado. I know, alam kong medyo she’s finding her way in."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN