Kim Chiu shrugs off Internet photos of Simon Atkins kissing Sam Pinto

"Past na niya yun. Tao siya, puwede siyang magka-girlfriend, normal yun. Saka may iba pa naman diyan, hindi lang naman siya... Hindi naman ako nagsasara sa kahit na ano, saka ayoko namang husgahan siya dahil lang sa issue na ’yan," says Kim Chiu about the photos of basketball player Simon Atkins showing him kissing ex-girlfriend Sam Pinto.


Ang La Salle Green Archers player na si Simon Atkins ang nali-link ngayon sa young actress na si Kim Chiu. Nagsimula ang pag-uusap tungkol sa dalawa nang i-tweet ni Simon ang kanyang paghanga sa Kapamilya star.

Pero hindi pa man nagkikita nang personal sina Kim at Simon ay iniintriga na sila.

Kamakailan lang kasi ay kumalat sa Internet ang litrato ni Simon kung saan kahalikan niya ang model-actress na si Sam Pinto. Lumitaw na dati palang naging girlfriend ng basketball player ang ex-housemate ng Pinoy Big Brother Double Up.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kim bago siya lumipad patungong U.S., tinanong namin siya kung totoo bang na-turn off siya kay Simon pagkatapos lumabas ng kissing photo nila ni Sam.

Ayon kay Kim, "Past na niya yun. Tao siya, puwede siyang magka-girlfriend, normal yun. Saka may iba pa naman diyan, hindi lang naman siya."

Sabi pa niya, kung may mga lalake siyang iniiwasan, ito ay ang mga babaero.

"Isa rin yun sa mga kinatatakutan ko, yung mga babaero. Pero sa akin kasi, tingnan muna natin. Hindi naman ako nagsasara sa kahit na ano, saka ayoko namang husgahan siya dahil lang sa issue na ’yan," saad ni Kim.

Muling idiniin ni Kim na ni hindi pa nga raw sila nagkakakilala nang personal ni Simon.

"Di pa kami personal na nagkakilala ni Simon kaya nagtataka ako sa issues na nakikita raw kaming lumalabas," sabi niya.

BIRTHDAY ABROAD. Isa si Kim sa mga artista ng Star Magic na mawawala for two weeks dahil sa Star Magic U.S. Tour. Aabutan na rin ng show nila sa U.S. ang 21st birthday ni Kim on April 19.

"Dun na ako aabutan ng birthday ko sa U.S., first time kong magbi-birthday sa ibang bansa at wala ang mga kapatid. Sabagay, nandun naman si Ate Portia saka si Maja [Salvador], siguro kami ang magse-celebrate."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin namin kung paano niya ide-descibe ang isang taon na lumipas sa buhay niya, "Masalimuot" ani Kim.

"Maraming balakid pero nalagpasan naman. Marami akong natutuhan sa mga nangyari. Nakatulong nang malaki ang mga taong nakapaligid sa akin at saka busy rin ako kaya di ko na naiisip ang mga yun," sabi niya.

Malapit nang mapanood si Kim sa Binondo Girl. Makakasama niya rito sina Matteo Guidicelli at Xian Lim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN