Box-Office Queen Ai-Ai delas Alas refuses to name the guy she thinks deserves a Porsche from her

"Minsan nga, naiisip ko, bakit kaya? Bakit kaya ayaw nilang tanggapin na ako talaga? Hindi, siguro sanay kasi tayo sa industriya natin na ang palaging nananalong Best Actress, Box-Office Queen, ay puro dramatic actress. Ngayon na lang nangyayari na puro ako ang nananalo, na komedyante ako," says Ai-Ai delas Alas about the controversy surrounding her Box-Office Queen title.


Live na nag-guest sa The Buzz noong Linggo, April 10, si Ai-Ai delas Alas.

Si Ai-Ai na ang opisyal na itinanghal na Box-Office Queen ng 2010, samantalang sina Vic Sotto at Senator Bong Revilla naman ang Box-Office Kings. (CLICK HERE to read related story.)

Nadagdagan na naman nga ang title ni Ai-Ai dahil bukod sa pagiging Comedy Concert Queen ay Box-Office Queen na rin siya.

"Korek!" bulalas ng comedienne, na nakasuot ng korona sa kanyang ulo.

"Thank you, God, sa lahat ng blessings. Salamat po sa inyo at sa lahat ng sumusuporta sa akin, lalung-lalo na ang Guillermo Foundation. Thank you very much po.

"Kaya nga po ngayon nakakorona ako, in case na hindi maibigay, meron pa rin po ako. In case lang naman..."

Ayon naman sa manager ni Ai-Ai at host ng The Buzz na si Boy Abunda, nagkaroon ng kontrobersiya noon ang Best Actress award ni Ai-Ai sa Metro Manila Film Festival 2010, at nagkaroon din ng controversy ang Box-Office Queen award niya. Tila hindi yata siya tinatantanan ng intriga?

"Oo nga!" pagsang-ayon naman ni Ai-Ai.

"Minsan nga, naiisip ko, bakit kaya? Bakit kaya ayaw nilang tanggapin na ako talaga? Hindi, siguro sanay kasi tayo sa industriya natin na ang palaging nananalong Best Actress, Box-Office Queen ay puro dramatic actress.

"Ngayon na lang nangyayari na puro ako ang nananalo, na komedyante ako. Sanay ang Pinoy na puro dramatic actress, like si Ate Vi [Vilma Santos], Sharon Cuneta, Ate Guy [Nora Aunor]... Ngayon na lang nangyayari na komedyante ang nananalo."

MRS. MUHLACH. Nasabi ni Ai-Ai na ang pang-apat niyang titulo ay "Mrs. Muhlach"—ang apelyido ng kanyang leading man sa defunct sitcom na M3 Malay Mo Ma-develop na si Aga Muhlach.


Kaya hirit ni Boy, ano ang meron si Ai-Ai na wala ang misis ni Aga na si Charlene Gonzalez, na isa rin sa nag-i-interview kay AiAi noong oras na ’yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naku, hindi n’yo naman na kailangang tanungin. Tingnan n’yo na lang sa camera. Huwag namang ganoon.

"Unang-una, ang hirap niyang sagutin. Pangalawa, kita n’yo naman kung bakit, di ba?

"Siguro yung kanya, physical. Ang sa akin, spiritual. Kung ano-ano na lang!" natatawang sabi ni Ai-Ai.


MYSTERY GUY. Ngayong nakumpirma na siya na nga ang Box-Office Queen, kanino niya ito iniaalay, aside from her family? Kaninong lalaki niya iniaalay ang pagkapanalo niya?

"Una kay Mr. Muhlach bilang ako si Mrs. Muhlach," birong sabi ni Ai-Ai.

Totoo bang may isang lalaki na pinag-aalayan ni Ai-Ai na ang balita’y bibigyan pa raw niya ng Porsche?

"Ang suwerte naman niya! Buti pa siya meron! Hindi ba dapat sarili ko muna ang bigyan ko ng Porsche? Ano....nasa ganoon? Hindi ako handa rito, ama [Boy]. Kailangang may ganoon?" natatawang sagot ni Ai-Ai.

Sabi naman ni Boy, hindi lahat pinaghahandaan kaya kailangang sagutin nito ang tanong.

"Siguro naman, siguro kung ibibili ko ang sarili ko, tapos anak ko, parang deserving din siyang ibili ko siya," sabi naman niya.

Sino ang guy na ito?

"Hindi ko pa puwedeng sabihin ngayon, siguro sa susunod. Basta hindi siya sa istasyon na ito. Doon siya sa kabila. Kasi parang dito, walang may gusto sa akin. Doon na lang. Parang doon sa kabila, gusto nila ako," tugon ni Ai-Ai.

Kinumpirma ni Ai-Ai ang tanong ni Boy na mga 20-25 years old daw ang guy na ito.

"Mga gano’n!" natatawa niyang sabi.

First letter of the alphabet ba ang unang letra ng pangalan nito?

"Oo! Mahilig ako sa ganoon," sagot ni Ai-Ai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN