Geoff Eigenmann describes eight-month relationship with Carla Abellana as "magical"

"Noong mas bata ako, oo. But as you get older, you get to see things. You get to see different perspective. Siyempre, napapaisip-isip ka na rin na, ’Oo nga naman. Why would you let something na not real to bother you? Bakit mo pag-aaksayahan ng oras? Ng panahon? Ng damdamin ang hindi totoo?’" says Geoff Eigenmann about jealousy.


Consistent ang mataas na rating na nakukuha ng early primetime series ng GMA-7 na Magic Palayok, ayon sa survey ng AGB Nielsen Philippines sa Mega Manila households. (CLICK HERE to read the latest ratings result.)

Kahit nga nagkaroon ito ng bagong katapat na show—ang Mula Sa Puso ng ABS-CBN—ay napatunayan ng Magic Palayok, na pinagbibidahan ng magkasintahang Geoff Eigenmann at Carla Abellana at ang child star na si Angeli Nicole Sanoy, na may nabuo na itong following.

Ayon nga kay Geoff, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, April 12, "Umpisa pa lang kasi, big shoes to fill in na kami with Bantatay pa lang. Masaya kami kasi nasundan namin ang nagawa ng Bantatay. Masaya kami dahil yung pressure at the beginning noong ginagawa namin, the pressure was on us kung maitutuloy nga namin.

"Masaya kami dahil naituloy nga namin yun. Yung ine-expect ng management, naibigay namin. Yung ine-expect ng audience to see something different on us as actors, nabigay din namin. So, very happy, iba yung fulfillment."

ASO’T PUSA. Pero marami raw naiinis sa character ni Geoff sa Magic Palayok. Ano ang masasabi niya rito?

"Marami ngang naiinis, pero kinikilig pa rin sila kay Jude [his character] at kay Pilar [Carla]. So, one way or the other, pinapanood n’yo pa rin ang show, tumatawa pa rin kayo," sabi niya.

Nag-e-enjoy raw siya nang sobra sa character na inilalarawan niya.

"Sobra, ine-enjoy ko talaga. Laro talaga, e. Kunwari magri-rehearse kami, pero pagdating ng take, may maiisip pa akong iba na wala ito kanina. Merong mga scene na ako na talaga ang nag-i-inject.

"Minsan habang binabasa namin ni Carla ang lines, may naiisip ako para sa akin. May naiisip ako para sa kanya or the other way around. We’re not just thinking of ourselves but we are thinking of each other which is good."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para silang aso’t puso sa show. Kailan naman kaya sila magkakasundo na at mapapanood na sweet na sa isa’t isa?

"Actually, nagkakasundo naman kami pero nasisira lang. Pero marami pang hindi mapagkakasunduan na mangyayari.

"Like si Jay-R, pumasok na. Kasama naman siya originally, kaya lang nag-iba-iba na, nag-revamp na ng cast. Nag-ayos-ayos. Ngayon, lumabas na siya, nag-taping na. So, conflict din yun between us," banggit ng young actor.

ON JEALOUSY. Sa ngayon, hindi pa alam ni Geoff kung ano ang magiging follow-up project niya pagkatapos ng Magic Palayok dahil matagal-tagal pa ang itatakbo nito sa ere.

Nang tanungin naman kung gusto niyang si Carla pa rin o ibang young actress naman ang makapareha niya, mabilis ang sagot ni Geoff na kahit sino raw.

"Ako naman, any, any... I enjoy working with Carla. I look forward to working with her. And working with someone new naman is always a pleasure rin kasi, bago, e. New ideas, e, new tandem.

"Ako talaga, kahit sino. Kung siya ang kasama ko or hindi, ayos lang sa akin na hindi maapektuhan relationship namin and focus lang sa work."

Si Carla naman ay kasama sa cast ng pelikulang My Neighbor’s Wife ng Regal Entertainment, kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo, Jake Cuenca, at Lovi Poe. Mature ang tema ng pelikula at siguradong may kissing scenes at love scenes si Carla.

Wala ba siyang fear sa bagong movie ni Carla bilang kasintahan ng aktres?

"Just accept. Kami naman, never kaming nagkaproblema, yung selos-selos, kissing onscreen, wala. Never kaming nagkaproblema ng ganoon," sagot ni Geoff.

Walang selos?

"Wala. We know onscreen, hindi totoo ang feelings. It’s work."

Dugtong pa niya, "I don’t think na... Well, kung ganoon kami sa umpisa, hindi siguro magiging kami."

Sabi ni Carla, hindi raw siya seloso. Totoo ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong mas bata ako, oo," sabi niya. "But as you get older, you get to see things. You get to see different perspective. Siyempre, napapaisip-isip ka na rin na, ’Oo nga naman. Why would you let something na not real to bother you? Bakit mo pag-aaksayahan ng oras? Ng panahon? Ng damdamin ang hindi totoo?’"

Sa kanila ni Carla, sino ang mas mapagselos?

"Wala, e. Never, never kami... Ni asaran or tinginan about selos, wala. Kahit noong umpisa kami, wala," sagot ni Geoff.

Pero marami raw silang mga pagtatalo?

"Oo, lahat ng bagay. Even with things that we don’t need to argue about, we argue about just because we have fun arguing. Ganoon kami. Nag-e-enjoy kami na nag-a-argue."

Gaano katagal ang hindi nila pagkikibuan kung nagkakaroon sila ng away o tampuhan?

"Ako kasi, kapag nag-aaway kami or may tampuhan, I make it a point that before the day ends, ayusin natin ito. Hindi ako titigil.

"Although, weird. Kasi before, in my past relationship, kapag ganoon, lumalayo ako, ayokong makipag-usap. Hayaan lang, let it be. Ngayon, iba naman ako. With her, I’m making the effort.

"Siya naman before, siya yung nag-e-effort. Ngayon, ’Pabayaan mo ako, let me think.’ Ganun siya. So, nagsu-switch-switch. Depende rin naman sa time."

MAGICAL. Paano niya ide-describe ang eight-month relationship nila ni Carla?

"It’s still magical," nakangiting sagot ni Geoff.

"Kasi, nasu-surprise pa rin kami sa mga nakikita namin. Her attention for me is different kapag kami lang ang nasa bahay, or kapag nasa taping kami. Iba yung atensiyon niya. Iba yung space na ibinibigay niya sa akin."

Sa September 2 ise-celebrate nina Geoff at Carla ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN