Carla Abellana encouraged by boyfriend Geoff Eigenmann to accept mature role in My Neighbor’s Wife

"That would be nice. Pero ang hirap po kasi to get married early, mag-iiba ang priority mo. Just like any other person na magpapakasal, siyempre mag-iiba ang priority. Siyempre, pamilya na," says Carla Abellana on getting married and having children at a young age.


Masaya si Carla Abellana na nakapag-build na ng following ang tinatampukan niyang primetime series sa GMA-7, ang Magic Palayok. Masaya rin daw silang lahat sa set kaya positive ang kinakalabasan ng show nila.

"Masaya kami siyempre. Even more thankful na hindi bumitaw yung mga viewers. Kahit papaano, ever since the beginning, na-capture na namin talaga ang audience and loyal sila sa amin," kuwento ni Carla sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa pocket presscon para sa kanila ni Geoff Eigenmann last night, April 12, sa GMA Network Center.

Nagsimulang umere ang Magic Palayok noong February 28 ngayong taon.

In-expect ba nila sa umpisa pa lang na magugustuhan ng viewers ang show nila?

"Hindi naman sa ine-expect, pero hindi ako kinabahan," sabi ni Carla. Alam kong maganda ang story, magugustuhan ng mga bata. At saka, hindi lang siya pambata, it’s really for the whole family.

"So, very confident ako from the beginning pa lang that with the good camaraderie in the cast at siyempre isang mahusay na director, confident ako na magugustuhan ng mga tao."

Ang Magic Palayok ay dinidirek ni Joel Lamangan.

RELATIONSHIP WITH GEOFF. Tungkol naman sa relasyon nila ni Geoff, tinanong ng press si Carla kung sa palagay niya ay deserving ang kanyang boyfriend para sa kanya.

"Kung deserving po siya? Of course, Geoff is deserving to have me. At saka mabait naman po si Geoff," sagot ng young actress.

Wala pa raw sa plano nila ni Geoff ang magpakasal.

"Wala pa po. Hindi rin naman po sa right age ’yan kung hindi yung right moment na mararamdaman mo na lang."

Hindi ba nila gusto yung idea of getting married and have children at a young age?

"That would be nice," nakangiting sagot ni Carla. "Pero ang hirap po kasi to get married early, mag-iiba ang priority mo. Just like any other person na magpapakasal, siyempre mag-iiba ang priority. Siyempre, pamilya na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEPARATED PARENTS. Si Carla ay anak ng aktor na si Rey "PJ" Abellana sa dating actress-model na si Rhea Reyes, habang si Geoff naman ay anak ng mga artistang sina Gina Alajar at Michael de Mesa. Parehong hiwalay na ang kani-kanilang mga magulang.

Napag-uusapan ba nila ang tungkol dito?

"Ako, hindi po," sagot ni Carla. "Kasi, I don’t experience that growing up. Kumbaga, growing up, I don’t feel like I belong to a broken family. At saka masyado pa akong maliit noon kaya hindi ko naman siya naramdaman."

Aniya pa, ang daddy naman daw niya, kahit hiwalay ang parents niya, ay naging part ng growing up niya.

"Ang daddy ko, he’s part of my growth. Kahit hindi man siya yung every day nandiyan sa household, we would constantly see each other. It’s a weekly meeting na susunduin kami sa bahay."

Aware din naman daw si Carla sa mga nangyari sa parents niya.

"Aware ako. Siyempre, napag-uusapan ’yan sa bahay kung ano ang nangyari. Aware naman ako do’n," sabi niya.

MY NEIGHBOR’S WIFE. By May ay magsisimula nang mag-shooting si Carla ng movie niya sa Regal Films, My Neighbor’s Wife. Makakasama niya rito sina Dennis Trillo, Lovi Poe, at Jake Cuenca na gaganap bilang asawa niya.

May pagka-mature ang tema ng pelikula. Okay lang ba ito kay Geoff?

"Okay lang. Alam naman niya. Sabi niya, ’Challenge ’yan para sa ’yo, so gawin mo para ma-overcome mo. ’"

Hindi nag-worry si Geoff sa mga love scenes?

"Hindi naman," sagot ni Carla.

"Ang kissing scene, love scene, okay lang po yun. That’s part of our job. We enter show business knowing that he can be paired with anybody even if you’re in a relationship with somebody.

"Sa trabaho ng pagiging artista, ganoon talaga. Pero, trabaho lang naman yun. Yun ang pinakamasarap na feeling na nakakagawa ka ng ganoon kalalaking role. But at the end of the day, you know that it’s just work."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN