Cristine Reyes describes relationship with Rayver Cruz as "steady lang"; refuses to answer questions about Sarah Geronimo

"Hindi ko naman kailangang magpaalam. Kasi, hindi naman ako gumagawa ng solid na love scene. Kaya siguro hindi ko na ipinagpapaalam. At saka, hindi ko naman kailangang ipagpaalam para sa akin," replies Cristine Reyes when asked if she still needs permission from Rayver Cruz about doing a love scene.


Nagkaroon ng solo press conference si Cristine Reyes sa City Best restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City kagabi, April 13, para sa pelikulang Tumbok ng Viva Films. Isa itong horror movie na ipalalabas sa May 4.

Tinanong si Cristine kung anong klaseng pressure ba ang nararamdaman na siya ang bida ng pelikula.

"Hindi ko pa siya nararamdaman sa ngayon. Siguro kapag nandoon na tayo sa premiere night. Pero sa ngayon, hindi pa. Kasi, malakas naman ang faith ko na marami ang manonood," sagot niya.

Pareho lang daw na nae-enjoy ni Cristine ang horror at drama, pero magkaiba raw ito in terms of attack.

"Mas mahirap kasi sa drama, heavy. Ang mahirap naman sa horror, physically. Kasi, mauubusan ka ng boses sa kakasigaw," paglalarawan niya.

Ang katambal ni Cristine sa Tumbok ay si Carlo Aquino.

DEREK RAMSAY. Nagulat naman si Cristine nang nai-open na pala ni Derek Ramsay sa press ang tungkol sa teleseryeng pagtatambalan nila sa ABS-CBN, ang Reputasyon.

"Sinabi na niya?" gulat niyang sabi na nakangiti.

Ayon kay Derek, ang impression niya kay Cristine ay masungit ito. Pero fun to be with naman daw pala ang sexy star nang magkasama nila sa workshops. (CLICK HERE to read related story.)

Ano ang reaksiyon dito ni Cristine?

"Masungit naman talaga ako!" biro niya. "Nagkaroon kasi kami ng bonding para lang magkakilala kaya ganun.

"Kasi actually, yung pagiging tahimik ko, nami-misinterpret nila as suplada. Like kunwari kapag dumating ako sa set, tahimik lang ako. Yung iba, akala suplada.

"E, hindi lang naman ako ma-PR na kailangang ma-showbiz. Na, ’Hi, hello!’ Hindi ako maingay. Maingay ako sa kakilala ko."

Contrary sa impression na sexy ang Reputasyon, mali raw dahil drama itong talaga.

Kung gagawa man daw siya ng sexy project, hindi naman daw niya kailangang magpaalam pa sa boyfriend niyang si Rayver Cruz.

"Hindi ko naman kailangang magpaalam. Kasi, hindi naman ako gumagawa ng solid na love scene. Kaya siguro hindi ko na ipinagpapaalam. At saka, hindi ko naman kailangang ipagpaalam para sa akin," saad ni Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RAYVER CRUZ. "Steady lang" ang description ni Cristine sa relasyon nila ni Rayver.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang meron kay Rayver na sa tingin niya ay dahilan kung bakit nagwo-work ang relationship nila kumpara sa ibang naging boyfriends niya.

"Siguro kasi ano, pareho kaming nagkakaintindihan. Pareho kaming open. Pareho kaming hindi namin sinasakal ang isa’t isa. Parang ang laki ng tiwala namin sa isa’t isa," sagot ni Cristine.

Sa palagay ba niya ay malaking bagay ang pagiging open nila sa publiko tungkol sa relationship nila?

"Oo, para walang itinatago. Kung may magtanong, wala kang ide-deny. So, mas maganda. Pero not super open. Siyempre, kailangan din naman namin ng konting privacy," sabi ni Cristine.

Wish niya rin ba na maka-partner si Rayver sa isang project?

"Meron na kami, nagkaroon na kami ng Kristine, di ba? Puwede...siguro kung mabibigyan. Siya kasi, gusto niya."

Paano niya ide-describe si Rayver as a boyfriend?

"Basta lahat ng positive nasa kanya na. Para tapos na!" natatawa niyang sabi.

"Wala akong makitang negative do’n. Siguro pinaka-negative na yung...wala, puro lahat positive. Yun!"

Hindi ba seloso si Rayver?

"Nagseselos, pero hindi siya yung selos na pinag-aawayan. Nagdyo-joke lang. Hindi siya seryoso."

SARAH GERONIMO. Nang muling ungkatin ang pagbabati nila ng nakaalitang si Sarah Geronimo, halatang umiiwas si Cristine na sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Aniya, "Palagi na lang tinatanong, e. Hindi naman siya kasama sa movie."

Pero okay ba siya ngayon, tipong nabunutan siya ng tinik?

"Hindi...ayoko nang pag-usapan. Baka isipin ng negative, di ba? Puwedeng huwag na nating pag-usapan? Huwag na," nakangiti naman niyang sabi.

Pero ano ang masasabi niya sa sinabi ni Sarah na okay na maging magkaibigan sila?

"Magkaibigan naman talaga kami... Huwag nang pag-usapan," iwas niyang muli.

Sa mga nangyari sa kanila ni Sarah, ano ang natutunan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Don’t be impulsive. Kasi napaka-impulsive ko, alam ko naman yun. Kahit sa shopping, napaka-impulsive ko, e," sagot ni Cristine.

Okay lang ba na magkasama sila sa isang project, lalo na’t pareho silang talents ng Viva Artist Agency at ABS-CBN?

"E, huwag na natin siyang pag-usapan," pakiusap niya muli.

On Sarah’s part, sinabi nitong okay na magkasama sila sa isang project. Ano ang masasabi niya rito?

"Sabi ko sa kanya, ’Baliw ka.’ Pero muli, sinabi niyang, "Ayoko nga..."

Kailan nila yun napag-usapan?

"Secret! Ayoko nga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN