Rufa Mae Quinto still okay with "Mr. M" after their wedding that never was; clarifies rumor linking her to Fabio Ide

"Ang importante sa akin ngayon, yung inspirasyon ko sa showbiz, huwag matanggal. Kasi dito ako pinagpala, nabuhay, pati pamilya ko. Lahat ng meron ako, sa industriya galing. Dapat magtrabaho rin ako dahil kung hindi, ano, hihingi na lang ako? Nakakahiya, di ba? Hindi ko rin pala kaya ’yon. Siyempre, may gusto akong bagay na nakakahiyang hingin mo na lang lahat, di ba? I have to work," says Rufa Mae Quinto.


Seseryosohin na ni Rufa Mae Quinto ang pagpu-produce na pansamantala niyang iniwan dahil sa pag-aartista at pagku-concert abroad.

Ito ang sinabi ni Rufa Mae nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa taping ng Dwarfina sa Marilao, Bulacan kahapon, April 14.

"Sayang naman kasi dahil nakagawa na ako ng tatlong pelikula. Pero sisimulan ko muna sa concert. Meron akong birthday concert sa May 31 sa Resorts World Hotel at Burlesque Booba ang title.

"Kasi dati... Di ba dapat nga, mag-aasawa na ako? Serious naman ako nun, pero parang hindi ko itinuloy. Parang napagod ako sa dami ng ginagawa. Tapos, nag-tour kami sa Canada," paliwanag niya.

Balak daw niyang kuning guests sa kanyang birthday concert sina Ai-Ai delas Alas, ang Bubblets ng Bubble Gang, at ang ex-boyfriend niyang si Erik Santos.

"Actually, hindi pa alam ng iba na guests sila. Tatawagan ko pa lang sila at sana pumayag!" natatawang sabi ng comedienne.

FABIO IDE. Abala pa si Rufa Mae sa taping ngayon ng Dwarfina na malapit na ring magtapos. Bukod sa naging close sila ng bida ritong si Heart Evangelista, natsitsismis din siya sa kasama nila sa cast na si Fabio Ide.

"Kilala ko na si Fabio before pa. Matagal na. Wala naman daw talaga yung Lovi Poe, e. Pero ako, wala rin. Friends kami," sabi ni Rufa Mae, na ang tinutukoy ay ang pagli-link kina Fabio at Lovi.

Bakit may usap-usapan na sinusundo niya raw sa taping ng Tweetbiz Insiders si Fabio?

Kuwento ni Rufa Mae, "One time kasi, napadaan ako... Kaibigan nga, di ba? Nagte-taping din kasi ako. Tapos, napadaan ako at nandoon sina Manay Lolit [Solis], Tim [Yap], sina Gelli [de Belen], sa GMA, at parang napa-hi!

"Kasi sabay ang taping ng Bubble Gang [at Tweetbiz Insiders]. Siyempre, kasama mo sa work. Tapos...wala lang. Ganoon na ’yan at tinukso na kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahilig ba siya sa foreigners?

"Wala na ako hilig sa lalaki! Charot!" natatawang biro niya.

Paano sila nagkakilala noon ni Fabio?

"Common friend. Once lang. After that, pag nagkikita kami, parang magkaibigan kami. Kaibigan talaga. As in walang malisya," sabi ng sexy comedienne.

Bakit parang tinuturuan pa niya si Fabio sa role nito sa fantaserye?

"Kasi, mag-ano kami, e. Kami madalas magkaeksena," sagot ni Rufa Mae.

Baka naman nahawa na siya sa taste ni Heart na ang boyfriend na si Daniel Matsunaga ay Brazilian-Japanese model-actor din gaya ni Fabio?

"Hindi. Bihira din kasi akong maka-partner ng comedy talaga. So, ayokong mabigyan ng malisya yung working relationship namin kasi gusto kong magtagal. Kasi baka masira kapag napasukan ng hao siao, di ba?" dahilan ni P-chi (palayaw ng komedyana).

So, wala siyang malisya kay Fabio?

"Wala!" diretsong sagot niya. "Nakakahiya naman! Parang okey kami at ang bait niya. Ayokong lagyan ng malisya kaya alam mo ’yon?"

HEART EVANGELISTA. Pagdating naman kay Heart, sinabi ni Rufa Mae na close na sila nung bata pa lang bida ng Dwarfina, bukod sa SOP stints nila noon.

Kuwento ni Rufa Mae, "Naalala nga ni Heart yung pagkikita namin nung bata pa siya. ’You know, when my grandma died, you told me, and I can’t forget, ang ganda naman ng batang ito!’

"Tapos, yung mga kamag-anak ni Heart, mga Ongpauco, kilala ko na. So, in a way, may closeness na kami agad-agad. Pati family ko, kaibigan sila. Family friend.

"Hindi kami nagha-hangout masyado. Pero pag nagkikita kami, yung totoong tao kami. Parang hindi kayo showbiz. May personal kaming kuwentuhan in between takes at magkakasama pa kami sa Temptation [Island].

"Mabait naman si Heart kasi, sa totoo lang."

THE WEDDING THAT NEVER WAS. Wala na ba siyang lovelife ngayon?

"Okey naman. For a change!" sagot niya.

Sino naman yung photographer na dumalaw sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Xander [Angeles]," sagot ni Rufa Mae.

"Kasi nga, single ako. Sa akin kasi, gusto ko, more on barkadahan. Hindi lang naman sila, e. Babae, madami rin akong barkada.

"Parang bumalik kasi din ako sa showbiz, e. Pati nga sa party ngayon, uma-attend na ako. Kasi nga, tinigil ko na ’yon, e. Kasi busy sa ibang bagay. Nawala ako for a while."

Kasi nga, biro namin sa kanya, busy siya sa pagpi-prepare ng kanyang "wedding that never was."

"That time!" tawa naman ni Rufa Mae. "Kaso lang, hindi puwedeng walang career din ang babae, di ba? Hindi ako puwedeng mag-change kasi lumaki na ako dito [sa showbiz]. Parang nalungkot ako.

"Hindi ko kayang mawala sa showbiz pala. Kahit na hindi na yung sobra-sobrang projects. At least nandirito ako at hindi nawawala."

So, importanteng factor yung career niya kaya hindi natuloy ang wedding niya kay "Mr. M"?

"Oo, isa ’yon," pagsang-ayon niya.

"Kasi parang mawalan ako ng work at hindi ko maisip yung...alam mo yung ganoon? Wala kang iniisip para sa sarili mo pag na-in love ka. Parang, ’Bakit ganoon? Pag nasa work ako, gusto ko nang umuwi.’

"Okey naman ako, pero pag hindi ko alam, parang malungkot ako every day. May something. May kirot sa puso ko until na-realize ko, everytime nagti-taping ako sa liblibang lugar, like this, may batu-bato...

"Siyempre jologs ako, di ba? Nakikita ko yung mga staff. Yun yung na-miss ko. Parang nagiging tao ako sa showbiz. Tao na binababa ka sa... Umiihi kami sa portalet! Yung napapagod ako, pero masaya ako. Saka yung passion ko siguro na pagpapatawa.

"Buti na lang nga na-realize ko agad-agad!" tawa niya. "Kaya nga magpu-produce ako agad. Yung malaking producer. Gaya ni Mother Lily [Monteverde]. Boss Vic [del Rosario]...

"May office na ako sa Viva. Katabi ko yung Wil Productions [ni Willie Revillame]. Dream ko talaga ’yon. Ke kasali ako sa movie o hindi. Basta nandoon ang production ko na On-Q28 Productions."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO REGRETS. Does she feel sad na hindi natuloy ang sinasabi niyang kasal?

"Actually, matagal nang hindi tuloy ’yon bago ko pa man sinabing hindi na tuloy. Parang I was ready nang hindi na tuloy.

"Kasi noon, ayokong pag-usapan dahil parang frustrated ako and I’m hurting. Na mapapahiya ako pag sasabihin ko. Parang ano na naman ’to, failure? Parang dumating sa point na hindi naman ganoon ang feeling ko. Na hurt, fail, hindi ganoon.

"Parang for the first time, okey ako ng single ako. Iiyak-iyak pa nga ako, di ba? Parang lungkot na lungkot. But right now, ang saya-saya ko!" deklara niya.

Wala siyang regrets na hindi natuloy ang wedding?

"No regrets kasi ang dami ko namang friends like Regine [Velasquez], parang nagawa na niya ang lahat bago siya mag-settle down. Like si Jaya na 36 na yata nang ikasal. Siguro, sila rin ang nakakausap ko..." sabi ni Rufa Mae.

Napagod na ba ang puso niya?

"Oo," pag-amin niya. "Pagod na parang... Medyo wala na nga akong pakiramdam. Hindi ko na alam kung paano ang love. Kung love ba ito? Crush ba ’to? Gusto ko talaga, maraming barkada."

Nag-part ba sila ni Mr. M as friends?

"A, oo naman," sagot ni Rufa Mae. "Hanggang ngayon, we’re okay. Wala lang makakasakit sa isa’t isa dapat. Huwag na lang magkasakitan nang sadya. Yung ganoon. Dapat ex-friends na lang."

Desisyon ba nila pareho na huwag ituloy ang kasal o siya lang ang may ayaw?

"Parang ako yata! O, dalawa kami?" medyo magulo niyang sagot.

"Siguro ako din kasi gusto ko ding magtrabaho, e. Never kong inimadyin na... Hindi, nung nagsabi ako noon, serious ako. Doon ako na-inspire na even I don’t accept the project... Sige, doon ka.

"Ang importante sa akin ngayon, yung inspirasyon ko sa showbiz, huwag matanggal. Kasi dito ako pinagpala, nabuhay, pati pamilya ko. Lahat ng meron ako, sa industriya galing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat magtrabaho rin ako dahil kung hindi, ano, hihingi na lang ako? Nakakahiya, di ba? Hindi ko rin pala kaya ’yon. Siyempre, may gusto akong bagay na nakakahiyang hingin mo na lang lahat, di ba? I have to work.

"Minsan nga, hindi ko alam na pag may natatanggap ako, mao-offend ka ba or what? Hindi ako sanay!" natatawang saad ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN