Governor Vilma Santos denies investing in son Luis Manzano’s taxi business

"Not a single centavo meron ako diyan. Sa mga friends ni Lucky ’yan at sosyo siya. Not me. Bising-bisi na ako, paano ko pa pagkakaabalahan ’yan? Wala akong sosyo diyan," says Batangas Governor Vilma Santos about the rumor that she is part of the taxi business of her eldest son, Luis Manzano.


Mariing itinanggi ng Star for All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos-Recto na isa siya sa kasosyo ng taxi business ng anak niyang si Luis Manzano. Pero kinumpirma naman ng actress-politician na isa sa may-ari ng LBR Taxi ang panganay niyang anak.

"It’s not true. Not a single centavo meron ako diyan. Sa mga friends ni Lucky ’yan at sosyo siya. Not me. Bising-bisi na ako, paano ko pa pagkakaabalahan ’yan? Wala akong sosyo diyan," padalang text message ni Governor Vi sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ayon pa sa ina ni Luis, more than 70 units na nga raw ang LBR Taxi. Sa mga susunod na buwan ay maaaring dodoble raw ang bilang nito dahil sa magandang pamamahala raw ni Luis at ng mga kasosyo nito.

Idiniin din ni Governor Vi na walang katotohanan ang balitang magsososyo raw siya ng additional 70 units to make the fleet 140 units sa susunod na buwan.

"Hindi totoo ’yan. Ang anak ko ang may kasosyo sa taxi business na ’yan nilang magkakaibigan," sabi niya.

Ayon naman sa isang source, mas malaki raw ang sosyo ni Luis sa taxi business nilang ito. Yung letter L daw sa LBR stands for Luis at yung dalawang letra ay unang letra naman ng pangalan ng dalawa pang kasosyo niya.

Alam naman daw ni Governor Vi ang bagong business na ito ng panganay niyang anak. In fact, bago raw pinasok ni Luis ang negosyong ito ay kinukonsulta siya nito.

Incidentally, sa April 21, Maundy Thursday, ang 31st birthday ni Luis.

Bukas, April 16, ay magkakaroon ng selebrasyon ang Entertaiment Live para sa TV host-actor. Sa Lunes naman, April 18, ay may pa-lunch si Luis sa mga tagahanga niya sa isang restaurant sa Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN