Mara Clara scores a nomination at the 2011 Banff World Media Awards; competes with Korea’s The Baker King

Mara Clara, which stars Kathryn Bernardo and Julia Montes (main photo), is nominated in the Best Soap Operas and Telenovelas category of the 2011 Banff World Media Awards—or more popularly known as The Rockies. Mara Clara’s competition includes South Korea’s Bread, Love and Dream—or The Baker King (starring Yoon Shi Yoon, inset) as known here in t


Nominado sa kategoryang Best Soap Operas and Telenovelas ang ongoing ABS-CBN primetime series na Mara Clara sa Banff World Media Awards, o mas kilala sa tawag na Rockies.

Ayon sa website na www.banffmediafestival.com, ang Rockies ay "internationally recognized awards program celebrating the very best in international television and digital media production."

May tatlong award categories ang Rockies: Non-Fiction, Fiction, at Interactive. Sa ilalim ng Fiction category ang Soap Operas and Telenovelas.

Ang Mara Clara, na pinagbibidahan ng Kapamilya teen stars na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, ay remake ng teleserye na may ganun ding pamagat noong ’90s at nagpasikat kina Judy Ann Santos at Gladys Reyes.

Makakalaban ng Mara Clara sa Best Soap Operas and Telenovelas ang Bread, Love and Dream ng South Korea—o mas kilala rito sa Pilipinas bilang The Baker King.

Kasalukuyang ipinapalabas sa GMA-7 ang The Baker King, dubbed in Tagalog, na pinagbibidahan ng Korean heartthrob na si Yoon Shi Yoon.

Parehong top-rating programs ng ABS-CBN at GMA-7 ang Mara Clara at The Baker King, respectively.

Bukod sa Mara Clara at Bread, Love and Dream, ang iba pang nominado ay Coronation Street ng UK, Days of Our Lives ng USA, Eva Luna ng USA, at The Queen of the South ng USA.

Ang winners ng 2011 Fiction Rockies ay ia-announce sa pamamagitan ng awards ceremony na gaganapin sa June 12 sa AOL Canada Theatre.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN