Gretchen Espina says she’s happy to go freelance if GMA-7 does not renew her contract

Kahit raw kinukunsidera ni Gretchen Espina na mag-pose ng sexy sa FHM, ang problema ay ang kanyang pamilya.

"With Dad, it’s a no. My family is very conservative in Biliran. My Dad is a congressman there. Feeling ko kasi, hindi sila papayag. Pero kung okey naman ang concept na hindi siya bastusin... yung kay Solenn [Heussaff] nga, e. Yung cover niya ngayon [sa FHM]. She’s almost naked but it looks very


Isa sa mga supporting character ng I ♥ U Pare ng GMA-7 si Gretchen Espina, bilang mataray na kaibigan ni Luane Dy na nakikisimpatiya naman sa character ni Ian Veneracion.

Natatawa nga si Gretchen sa mga nagtatanong kung kailan siya pumasok sa naturang serye dahil noong January pa in-introduce ang karakter niya dito. Feeling raw niya tuloy hindi napapansin ang kanyang paglabas sa show.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gretchen sinabi nitong semi-regular lang ang exposure niya sa show kaya hindi siya matandaan ng mga manonood.

Nalilinya sa mga kontrabida role si Gretchen. Pero okey lang daw ito sa kanya.

"Kasi sa Diva before, para naman bitchesa [bitch] ako doon na socialite. Saka okey naman yung mga kasama. Nandoon naman si Ate Reg [Regine Velasquez] kaya okey lang. Ngayon naman nandiyan naman si Luane Dy kaya sakto lang," pahayag niya.

Walang masyadong ginagawa ngayon si Gretchen kaya payag na rin siyang mabigyan ng mga kontrabida roles, pero gusto pa rin raw niyang kumanta.

"Okey lang naman, pero gusto ko pa rin as a singer, e. Doon naman ako nag-start. Acting is just another path for me siguro. Kontrabida as in kontrabidang-kontrabida forever? Huwag naman sana. Kasi kaya ko rin namang mag-iba ng mga roles," saad ng Pinoy Idol winner.

SECOND ALBUM. Kahit umaarte na hindi raw isinasantabi ni Gretchen ang pagkanta.

"Hindi naman, whenever I’m acting, siguro sa gabi paraket-raket lang sa singing. And then I’m planning to release my second album later this year," banggit niya.

Sabi pa niya, maganda naman ang itinakbo ng una niyang album na Shining Star.

Sa tanong namin kung happy ba siya sa takbo ng kanyang career, hindi agad nakapagsalita si Gretchen.

"Okey naman. Meron lang akong gustong gawin na hindi ko magawa. Like, limited kasi yung... Like kunwari, pupuwesto ka sa mga bars, or kakanta ka anywhere. Saka some acting jobs. Kasi marami rin namang artista sa GMA, e," maingat na sabi ni Gretchen na tila itinatago ang gusto niyang sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa sa mga pinanghihinayangan ni Gretchen ay ang pagkakataong makakanta siya sa mga bars at makipagtsikahan sa kanyang mga audience.

"Hindi kasi ako puwede, e. Gusto ko sana, sayang nga lang, e. Kasi pag nakapuwesto ka sa bar, you get to interact better sa mga audience mo compared kung nasa stage ka lang.

"Hindi ko gustong mag-banda. Gusto ko lang yung solo singer na kumakanta lang sa bar paminsan-minsan," sabi niya.

Isa sa mga gusto ring subukan ni Gretchen na hindi ibinibigay sa kanya ng GMA-7 ay ang magbida naman sa isang serye.

"Gusto kong i-try na maging bida for the first time kasi laging kontrabida. Kasi sabi nila sa akin, bagay raw akong maarte na nimbi-bitchesa ng mga tao na may pagka-comedy. Kasi feeling ko, bakla ako at heart.

"Sa I ♥ U Pare, yung first ko seryoso lang siya all the way. Tapos ngayon lang ako nakasama sa set na nandito yung mga ate ko [gays], masaya ako. Mas nag-e-enjoy ako sa mga baklaan kaysa sa mga seryosohan," sabi niya.

CAREER PLANS. Tinanong namin si Gretchen kung bakit matapos siyang manalo sa Pinoy Idol noong 2009, hindi siya nabigyan ng build-up career plan ng Kapuso Network?

"Hindi ko rin alam," iling niyang tugon. "Hindi ko talaga alam. Pero my contract is ending this June actually."

Nang tanungin naman namin kung magre-renew ba siya, umiling siya at sumagot ng "I don’t know yet."

Sa pagkakaalam namin may option ang GMA-7 na i-renew ang kontrata nila sa isang talent.

"They have the option to renew but I have my choice rin kung happy pa ako with what’s going on," saad niya.

Hindi ba siya happy sa GMA-7?

"Well, I’ve always been grateful for everything they’ve given me. For all the opportunities, ganyan. Like yung sa Pinoy Idol, kung hindi ako nag-GMA," sabi ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pang masabi si Gretchen kung saan network siya pupunta kung sakaling putulin na niya ang kontrata niya sa istasyon. Pero kung magiging maganda raw ang usapan nila ng network, ito pa rin ang istasyong pipiliin niyang magtrabaho.

"Hindi ko pa talaga alam, e, alam mo yun? Kung ire-renew yung contract ko, e, di maganda. Kung hindi, I want to focus muna sa studies. Kung magpi-freelance, papitik-pitik muna siguro. I don’t wanna sign with any...di ba? Masarap ang freelance. Kasi you get to jump from one station to another.

"Hindi natin alam, e. Ayoko munang sabihin yung mga ganitong bagay kasi baka biglang mabalitaan na lang na nasa kabilang network ako."

Ayon kay Gretchen, may mga nagpaparamdam na raw na ibang networks sa kanya na interesado siyang kunin.

"I don’t know what will happen this coming June, [if] I’ll get renewed. Depende rin po sa projects na ipi-present nila for me. I don’t know yet. Undecided pa ako," sabi niya.

Kumukuha ng Dentistry ngayon si Gretchen sa University of the East bilang pangalawang kurso niya. Ang una niyang kursong tinapos ay European Languages sa University of the Philippines.

"Nagtataka sila kung bakit ang dami kong gustong gawin sa buhay, like yung pagkuha ng isa pang course. Ang sa akin kasi, if you have the time and you can do it, why not do everything you can do and maximize the time you have? Sayang naman, di ba?" paliwanag niya.

Halatang may kinikimkim si Gretchen sa GMA-7 pero pilit niya itong itinatago.

"Sama ng loob, wala. Kasi I know my manager Ida Henares is doing everything she can to get me projects. I know that GMA is also trying. Pero sana lang, there are more projects than this. Sana there were more projects na nakuha," asam niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa si Gretchen nang mabanggit ang pangalan ni Frencheska Farr na nabibigyan ng magandang break ng GMA-7. Gaya ni Gretchen ay produkto rin ng talent search ng Kapuso network si Frencheska, na female winner ng Are You The Next Big Star?

"Okey kami ni French. Baklaan lang. Okey kami. Natutuwa nga ako sa kanya kasi nanalo siya ng award, di ba? Tapos nakita ko yung bago niyang music video. Okey kami ni French, walang inggit or anything," sabi niya.

SEXY POSE. Walang dudang napaka-sexy ngayon ni Gretchen na puwedeng-puwede siyang maging sex symbol o di kaya sexy singer. Tinanong namin siya kung wala ba sa plano niya ang mag-pose ng sexy sa isang men’s magazine gaya ng FHM?

"Noon pa ako tinatanong ng ganyan," nangingiti niyang sabi. "Depende, e. Pero may mga nag-o-offer. Pero hindi ko pa natatanggap yung tamang offer."

Kahit raw kinukunsidera ni Gretchen na mag-pose ng sexy sa magazine, ang problema ay ang kanyang pamilya.

"With Dad, it’s a no. My family is very conservative in Biliran. My Dad is a congressman there. Feeling ko kasi, hindi sila papayag. Pero kung okey naman ang concept na hindi siya bastusin... yung kay Solenn [Heussaff] nga, e. Yung cover niya ngayon [sa FHM]. She’s almost naked but it looks very glamorous. Not the kind na bastusin. Depende sa concept.

"Yun nga lang congressman ang tatay ko. Pero depende nga sa kung paano nila iti-take yun," sabi niya sa nakinikinitang mangyayari kapag nag-pose siya.

Kung sakali raw na may gawing desisyon si Gretchen sa pagpapa-sexy niya, titiyakin niyang hindi maapektuhan ang kanyang pamilya.

"I don’t want to hurt anyone especially my family. If I can compromise and if they also compromise with me, the better, di ba? Kung susuwayin ko naman sila, napaka-sama ko naman, napaka-ungrateful ko naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagdating naman sa love life, kuntento naman raw si Gretchen sa kanyang basketball player boyfriend. Katunayan, going two years na raw ang kanilang relasyon.

Ayaw sabihin ni Gretchen ang pangalan ng player pero naglalaro raw ito sa isang team sa Philippine Basketball Association (PBA).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN