John "Sweet" Lapus’s friend foretold Eugene Domingo’s freak accident during shooting of indie film

"Natawa nga ako sa kaibigan kong iyon. Kasi nga out of the blue, tinawagan ako at sinabing mag-ingat daw si Uge (Domingo) at maaksidente ito. Tapos nagbigay nga ng location na sa isang lumang bahay na may brown na gate," recounts John "Sweet" Lapus. A week later, the warning came true — Eugene Domingo was thrown off balance and fell into a septic tank and was rushed to the hospital.


Ang naging freak accident nga kamakailan ng award-winning comedienne na si Eugene Domingo habang nagsu-shooting ng indie film na Ang Babae Sa Septic Tank ay nahulaan ng isang kaibigan ni John "Sweet" Lapus.

A week bago nga naaksidente si Eugene ay tinawagan si Sweet ng kanyang kaibigan at sinabi na mag-ingat daw ang kaibigan niyang si Eugene dahil maaaksidente raw ito.

Mangyayari daw ang aksidente sa isang lumang bahay na may brown na gate. Noong una ay natawa lang si Sweet dahil hindi naman daw siya naniniwala sa mga hula-hula. Pero dahil sa wala naman daw mawawala kung pagbalaan niya si Eugene, tinawagan niya ito kaagad at kinuwento ang sinabi ng isang manghuhula sa kanyang kaibigan.

"Natawa nga ako sa kaibigan kong iyon. Kasi nga out of the blue, tinawagan ako at sinabing mag-ingat daw si Uge at maaksidente ito. Tapos nagbigay nga ng location na sa isang lumang bahay na may brown na gate maaksidente si Uge.

"Si Uge naman, kilala naman niya yung friend kong iyon. Natawa rin siya kasi nga hindi naman siya naniniwala sa mga ganyan din. Pero sinabi ko rin na wala namang mawawala kung mag-iingat tayo.

"Si Uge kasi napaka-workaholic niyan. Mas maganda na yung nag-iingat din siya kasi parati siyang puyat at pagod. Minsan tulala na siya sa magkakasunod na trabaho niya," diin pa ni Sweet sa panayam namin sa kanya sa shooting ng indie film na Becky sa St. Jude General Hospital and Medical Center.

A week after nga, ay nakatanggap ng tawag si Sweet na tinakbo sa ospital si Uge dahil naaksidente ito sa shooting ng kanyang indie film. Sa St. Luke’s Medical Center dinala si Uge at sumunod doon si Sweet para kumustahin ang lagay nito. Si Sweet din ang nag-provide ng video nang pagkakaospital ni Eugene na exclusively na pinalabas sa Showbiz Central last week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagulat ako kasi tinawagan ako ng isang kaibigan namin at sinabing naaksidente si Uge. Na-off balance siya at bumagsak siya sa mismong septic tank na pinagsyu-shooting-an nila.

"Noong makarating ako ng ospital, nakita ko na ngang inaalalayan siya ng mga nurse sa paghiga niya sa kama. Naawa nga ako kasi nakitang kong hirap maglakad si Uge at masakit daw ang likuran niya. Nabugbog yung malaman na parte ng likod niya at buti na lang hindi yung spinal column niya ang tumama sa pagbagsak niya.

"Hirap ngang humiga pa si Uge that time. Ni hindi siya maka-bend talaga. Diretso lang siya humiga sa kama niya. Pero kahit na alam kong in pain si Uge, nagtatawanan pa rin kami. May madadagdag daw na bagong blooper sa career niya," diin pa ni Sweet.

Bigla ngang naalala ni Sweet ang naging hula kay Eugene.

"Tinanong ko kung saan ba sila nag-shooting? Sagot ni Uge sa isang lumang bahay. Tinanong ko kung ano ang kulay ng gate? May sumagot na kasama niya na brown ang kulay ng gate noong lumang bahay.

"Doon nga nagkatinginan kami ni Uge kasi yun nga ang hula sa kanya ng friend ko a week before. Inisip na lang namin na baka coincidental lang ang lahat. Kaya nagdasal na lang kami kay Lord na sana ay wala nang gano’ng aksidente na mangyari ulit. Maging sa kanya or sa aming mga kaibigan niya."

Sinabihan nga ni Sweet si Eugene na magpahinay-hinay muna sa kakatrabaho dahil hindi na ito bata. Hindi na nito kailangang magpakapagod nang husto. Or else ay baka sa ospital lang daw mapunta lahat ng pinagpaguran nito.

"Si Uge naman, parang nanay ko na ’yan. Nasasabi ko ang mga gusto ko sa kanya. Itong nangyaring aksidente sa kanya, siguro sign na rin iyon ng Diyos na kailangan maghinay-hinay na siya sa kanyang mga trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan din ng katawan at isipan niya ng pahinga. Kaya kung may chance siyang makapagbakasyon, gawin niya because she deserves it for working so hard. Alam ko na may mga plano na nga si Uge na magbakasyon at tatapusin lang niya ang mga commitments niya.

"Sa ngayon, okey na si Uge. Nakabalik na nga siya sa pag-host ng Comedy Bar sa GMA-7 at nag-resume na siya sa shooting. Pero she’s undergoing physical therapy para sa likod niya. She’s feeling better na raw pero medyo nagsu-slow down na siya. Dapat lang naman kasi mabuti na yung nag-iingat tayong lahat."

SWEET CONCERT. Gusto nga sana ni Sweet na isa si Uge sa magiging special guest niya sa kanyang nalalapit na anniversary concert na Sweet@18 on May 14 sa Music Museum, pero baka magbakasyon daw ito out-of-the-country sa petsa na iyon.

Okey lang kay Sweet dahil alam niyang todo naman ang suporta ni Uge sa kanya kahit saan man ito naroon. Lagi naman daw silang magkasama ni Uge sa mga pelikula. Kaya ang mga guests ni Sweet sa kanyang anniversary concert ay sila Dennis Trillo, Julie Ann San Jose at Vice Ganda.

"Kami naman ni Uge, kahit nasaan man kami naroroon, nandiyan ang pagsuporta namin sa isa’t isa. Parati na nga kaming magkasama sa movies ni Uge, ano pa nga ba ang gagawin namin onstage?

"Kaya kung magbabakasyon nga siya on that date, okey lang dahil mas kailangan ni Uge ng pahinga. I-enjoy niya ang mga pinagtrabahuhan niya. Alam ko naman na she’s always there to support me."

Nagpapasalamat nga pala si Sweet sa mga bumubuo ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa pagkakapili sa kanya bilang Comedy Actor of the Year. Patunay lang na hindi tsamba ang pagkapanalo niya bilang Best Actor in a Comedy/Musical sa Golden Screen Award para sa Here Comes The Bride.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobra ang pasasalamat ko sa GMMSF sa binigay nilang award na ’yan. Imagine, bata pa lang ako napapanood ko na ’yang awards night nila sa TV. Tuwing may kokoronahan na Box Office King and Queen, nanonood talaga ako. Tapos may ibang mga awards pa sila.

"Hindi ko akalain na balang-araw, mabibigyan din pala ako ng GMMSF ng award. It’s really an honor dahil 2010 was a very good year for me at sa pagpasok ng 2011, bagama’t may mga hindi magagandang nangyari, may kapalit talaga na maganda ang Diyos sa atin.

"And it’s all happening nga sa ika-18th year ko sa show business kaya all the more, special ang mga awards na natatanggap ko," pagtatapos pa ni John "Sweet" Lapus na kasalukuyang nasa Laoag, Ilocos Norte para sa shooting ng Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN