Fabio Ide on Lovi Poe: "Hindi ko po siya nililigawan. I’m super happy ngayon kasi I’m single."

"I just broke up, I just came from a four year relationship [with his Filipina ex-girlfriend Lia Andrea Ramos, Bb. Pilipinas-Universe 2006]. So, I’m single and I just want to focus on my career. I don’t intend to court [Lovi Poe]. So, yung mga sinasabi na I am courting her, hindi totoo," says Brazilian-Japanese actor-model Fabio Ide.


Hindi pala nagustuhan ng Brazilian-Japanese actor-model na si Fabio Ide ang pagkalat ng balita na nililigawan niya si Lovi Poe. Hindi naman daw kasi ito totoo at wala raw siyang planong ligawan ang young actress.

"About the Lovi issue, what I said before, it’s like I admire her as a person, as an artista kasi magaling siya e. Maganda siya, mabait, pero that doesn’t mean I have a crush on her. Hindi ko po siya nililigawan. I’m super happy ngayon kasi I’m single. Mas marami akong oras para mag-focus sa trabaho ko.

"I just broke up, I just came from a four year relationship [with his Filipina ex-girlfriend Lia Andrea Ramos, Bb. Pilipinas-Universe 2006]. So, I’m single and I just want to focus on my career. I don’t intend to court her. So, yung mga sinasabi na I am courting her, hindi totoo," paliwanag ni Fabio.

Na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Fabio sa set ng Tweetbiz Insiders, ang showbiz program ng GMA News TV Channel 11, kung saan isa siya sa mga Tweeterazzo kasama ang hosts na sina Tim Yap, Lolit Solis at Gelli de Belen.

Nagsimula ang pagli-link kina Fabio at Lovi nang matanong si Fabio sa Tweetbiz Insiders kung sino sa tatlo ang pinakamaganda para sa kanya—si Lovi, si Solenn Heussaff o si Marian Rivera. Pinili niya si Lovi dahil gusto niya raw ang morena beauty.

Pagkatapos nito, nagulat na lang daw si Fabio nang maglabasan na sa mga tabloid at sa iba pang babasahin na nililigawan na niya si Lovi. Sana raw ay tumigil na ang balitang ito dahil nahihiya din siya sa aktres.

Naapektuhan ba si Fabio sa pagkalat ng balitang ito?

"No, I’m not affected kasi this is part of showbiz. I already know that there’s going to be issues like this. It’s okay to say na I find her pretty and mabait, she’s magaling na artista kasi totoo naman. Pero yung sasabihin na I’m courting her, hindi talaga totoo. Nakakahiya naman kay Lovi."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos lumabas ng isyu, hindi ba siya naiilang na batiin si Lovi pag magkikita sila?

"No. Pag magkikita kami like sa Party Pilipinas, I say hello or hi to her. I really want her to be my friend. But only as a friend. I know we’re gonna work together in the future because we work in the same TV station."

Nagpauna na ring magsalita si Fabio bago pa raw maisyu na ginagamit niya si Lovi para mas sumikat siya.

"I’m not using her. I’m not that type of person. I want to be known on my own merit and by what I do."

RUFA MAE QUINTO. Nilinaw din ni Fabio ang pagkaka-link niya sa isa pang aktres na si Rufa Mae Quinto. Lumabas kasi ang balitang nagbababad daw ang komedyana sa set ng Tweetbiz Insiders para makasama at makausap si Fabio.

"Rufa Mae and I are friends. Kasi magkasama kami sa Dwarfina ngayon. Yung pagbisita ni Rufa Mae sa Tweetbiz one time pa lang yun. It just so happened malapit din yung taping nila ng Bubble Gang sa studio namin. Gusto niya kasi ako makilala para comfortable kami sa taping. But that doesn’t mean there is something happening between us. I really respect her and I like her as a person. Sobra mabait siya, sobra nakakatawa," sabi ni Fabio.

Wala rin daw siyang balak ligawan si Rufa Mae. Sa ngayon daw ayaw muna ni Fabio na magka-love life. Focus daw muna siya sa trabaho lalo na’t apat ang kanyang shows ngayon sa GMA at sa GMA News TV —Comedy Bar, Dwarfina, Andres de Saya at Tweetbiz Insiders.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN