AJ Perez’s dad admits questioning God over his son’s death: "Bakit si AJ pa? Bakit di ako?"

"When I felt the impact and everything, I felt a warm brush to my hair, my face. I just thought of AJ. The first thing that came into my mind was AJ, I hope he’s okay. And then when I turned around, I looked at him, his eyes were closed, then I knew from that moment, AJ was gone," narrates Gerardo "Gerry" Perez about the sudden death of his eldest son, AJ Perez (in photo).


"I questioned God. ’Bakit si AJ pa? Bakit di ako? Magkatabi naman kami.’"

Ito ang inamin ng ama ni AJ Perez na si Gerardo "Gerry" Perez sa panayam sa kanya ni Korina Sanchez para sa TV Patrol na ipinalabas ngayong gabi, April 18.

Dagdag pa ng ama ni AJ, "Alam naman Niya na mahal na mahal namin si AJ. Mahal na mahal namin ’yan."

Ito ang unang pagkakataon na nagpaunlak ng interview si Gerry Perez pagkatapos masawi ng kanyang panganay na anak sa isang vehicular accident kahapon ng madaling-araw, April 17.

Si Gerry ang katabi ni AJ sa sinasakyan nilang van ng ABS-CBN nang bumangga ito sa isang pampasaherong bus at isang trak sa may Moncada, Tarlac.

Pabalik na ang mag-ama mula sa Dagupan, Pangasinan, kung saan dumalo ang young actor sa pagdiriwang ng Bangus Festival doon. (CLICK HERE to read related story.)

Bagamat kalmado lang si Gerry habang kinakausap siya ni Korina, banaag sa kanyang mukha ang matinding dalamhati sa sinapit ng kanyang anak. Makikita rin ang mga gasgas at galos sa mukha ng ama ni AJ na nakuha nito mula sa aksidente.

Ayon kay Gerry, pareho silang tulog ni AJ nang maganap ang aksidente.

"Kasi when that accident happened, most of us were... He was sleeping and I was half-asleep actually.

"So when I felt the impact and everything, I felt a warm brush to my hair, my face. I just thought of AJ. The first thing that came into my mind was AJ, I hope he’s okay.

"And then when I turned around, I looked at him, his eyes were closed, then I knew from that moment, AJ was gone.

"So I said, I knew that he was going to be missed. He’s not there anymore, he’s not with me...

"I was shouting, ’AJ!’ I said, ’No!’ Then I said, ’God, God!’" kuwento ng ama ni AJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya nalaman na wala na si AJ?

"When I took a glimpse of the situation of the van, I knew. You know, it was AJ’s time. But I just couldn’t...

"You know, when you’re in that situation, you were just hoping that there must be a miracle—na sana buhay siya," sabi niya.

Tanong ni Korina, "Marami ang nagsasabing mukhang anghel si AJ at parang ang bait-bait nito. Mabait ba talaga si AJ?"

"Oo, sobrang bait," sagot ni Gerry.

"Malambing na bata. He doesn’t want to disappoint people. In real life, he doesn’t want to... Parang gusto niya everybody is... Hindi naman happy, basta walang gulo. Ayaw niya ng gulo."

Nang tanungin naman ni Korina kung ano ang pinakamami-miss niya kay AJ, ito ang naging tugon ng ama ng Kapamilya star: "Everything."

Dagdag ni Gerry, "Everything in him—the whole AJ. Ang pagka-palabiro minsan sa amin, sa ano ng kapatid niya. Ang smile niya."

May isang nakababatang kapatid na lalaki si AJ.

May nais ba siyang sabihin sa kanyang anak?

"Mahal ko siya," sambit ni Gerry.

"Sorry... He’s understanding. He doesn’t answer back. He just [says], ’Yes dad, okay.’ So, kung anuman ang pagkukulang ko sa kanya, I’m sorry."

Nakaburol ang labi ni AJ sa La Salle Greenhills—kunsaan nag-graduate ng high school ang young actor ngayong taon—hanggang bukas ng tanghali, April 19. Pagkatapos nito ay ililipat ang kanyang labi sa Green Meadows.

Sa Linggo, April 24, ihahatid sa kanyang huling hantungan si AJ ngunit wala pang detalye kung saan siya ililibing.


(CLICK HERE to view photos taken during the first night of AJ’s wake)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN