AJ Perez’s remains to be transferred to Christ the King Chapel; details of interment to be announced today

"He’s left us with a legacy and lagi naming maaalala how he loved life, how he enjoyed it! That’s what we’re gonna miss in him," says Sam Concepcion (right) about close friend and Gigger Boys co-member AJ Perez.

(CLICK HERE to view photos take


Taglay man ang masidhing kalungkutan, sanhi ng biglaang pagpanaw ng anak na si AJ Perez—o Antonello Joseph Sarte Perez—ay nananatiling matatag si Mr. Gerardo "Gerry" Perez, ama ng namayapang young actor.

Sa ikalawang gabi ng burol para kay AJ sa La Salle Greenhills Chapel, buo at matatag ang kalooban ni Mr. Gerry sa pakikiharap sa mga taong nakikisimpatiya sa kanilang pamilya, alang-alang sa namayapang mahal na anak.

Pumanaw si AJ sa isang vehicular accident na naganap sa Moncada, Tarlac, matapos mag-perform ang young actor sa taunang Bangus Festival sa Dagupan, Pangasinan, noong Sabado ng gabi, April 16. (CLICK HERE to read related story.)

Kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mga nakikisimpatiya.

Ang pagkakalap at paghahatid ng ulat ng PEP, hinggil sa kaganapan sa venue ng wake, ay para sa publikong nag-idolo at nagmahal at ngayon ay nagdadalamhati para sa batang aktor.

Sa maikling panayam ng PEP kay Mr. Perez, dakong ika-11:30 kagabi, Abril 18, ay naitanong namin ang tungkol sa magiging libing ng anak.

"Sa ngayon, we make some arrangements with Star Magic na they will be the one to issue official statements with regard to the activities," pahayag ni Mr. Perez tungkol sa wake and burial ng kanyang anak.

Ang Star Magic ang talent management outfit na kinabilangan ni AJ.

"Ang libing... Nagkaroon kami ng meeting na we will announce it para hindi magkaroon ng confusion," dagdag-impormasyon din ng ama ng yumaong young actor.

"Ang gusto namin, isa lang ang magha-handle—ABS-CBN lang. They will be doing the announcement, everything..."

Ang ABS-CBN ang network kung saan nakapaloob ang Star Magic.

Ngayong araw nakatakdang i-announce ng Star Magic ang detalye sa libing ni AJ.

Ang tiyak na nabanggit ni Mr. Perez kagabi rin ay ang paglilipat ng labi ni AJ sa Christ The King Chapel sa Greenmeadows Subdivision, Quezon City, simula ngayong tanghali, Abril 19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SAM CONCEPCION. Samantala, bago mag-hatinggabi ng Abril 19, binigyan ng young singer-actor na si Sam Concepcion ng maikling panayam ang PEP.

Parehong kabilang sa grupo ng Gigger Boys sina Sam at ang yumaong young actor na si AJ. Ang iba pang kasamahan nila sa all-male dance group ay sina Robi Domingo, Aaron Villaflor, at Enrique Gil. Naging bahagi rin ng grupo si Enchong Dee, at baguhan naman sa grupo si Chris Gutierrez.

Ayon kay Sam, hanggang ngayon ay hindi pa siya makapaniwala sa nangyari sa kasamahan at kaibigang si AJ.

"I just can’t believe it. I can’t imagine it’s real yet, I couldn’t..." sabi ni Sam sa PEP.

Isa sa naging pinakamalapit na kaibigan ni Sam sa showbiz ang 18-year-old na si AJ.

"We got to know each other, sa ABS [CBN]," aniya. "Matagal kaming magkakasama, sa Gigger Boys.

"Oo naman, [we’re close]... kahit hindi na kami masyadong nakakapag-perform together."

Tulad ng ibang taga-showbiz, makakapagpatunay si Sam sa kabaitan ni AJ. Wala raw silang naging away nito, o anumang tampuhan man lang.

"No, no," wika ng young singer-actor. ’’Yung mga tao, walang maisip na naging kaaway si AJ."

Sa huli nilang pagkikita sa ASAP Rocks noong April 3, Sam described their usual togetherness:

"Ayun, masaya. Kasi masayahin talaga siya," pagtukoy ni Sam kay AJ. "Minsan kahit busy siya, kahit puyat, he always had a smile on his face."

Nagkaroon ba siya ng premonition na yun na ang magiging huling pagsasama nila ni AJ sa isang show?

"No," marahang wika ni Sam, sabay pag-iling.

After that Sunday, aniya pa, "We talk naman... Of course, we do."

Sa pagkawala ni AJ, ano sa palagay ni Sam ang magiging epekto nito sa Gigger Boys?

"We’re gonna miss him, pero he still inspires us just the same," sagot ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"He’s left us with a legacy, and lagi naming maaalala how he loved life, how he enjoyed it! That’s what we’re gonna miss in him," malungkot na sambit ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN