Vic Sotto on present status of his lovelife: "I’m always available."

"Yes, I still want a wife who’ll take care of you. Meron pa naman siguro. Bata pa naman ako," says Vic Sotto.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-guest nang live sa showbiz talk show ng ABS-CBN na The Buzz ang Box-Office King na si Vic Sotto noong Linggo, April 17.

Ito ay kaugnay ng promotion ng comedian ng pelikula niya sa Star Cinema, na co-produced by his own film company M-Zet Productions. Ito ay ang Pak! Pak! My Dr Kwak!

Katambal ni Vic dito ang ABS-CBN star na si Bea Alonzo, kasama rin ang iba pang Kapamilya na sina Pokwang, Xyriel Manabat, at Zaijian Jaranilla.

Si Charlene Gonzalez-Muhlach ang nag-interview kay Vic. Nagsilbi rin itong reunion ng dalawa, since nagkaroon sila ng sitcom noon sa GMA-7—ang 1 For 3 kunsaan nakasama rin nila si Rosanna Roces.

Natuwa naman si Vic sa warm welcome na ibinigay sa kanya ng Kapamilya network. Bago kasi ng kanyang interview sa The Buzz ay nag-guest din siya sa musical-variety show na ASAP Rocks.

"It’s my pleasure, definitely. Kanina nasa ASAP ako. And sabi ko nga, I felt very, very welcome. Napaka-warm ng reception nila. Ang daming nagpapa-picture. Talaga namang nakakatuwa and it’s nice to be back."

Matagal na hindi tumuntong sa ABS-CBN si Vic matapos lumipat ang noontime show nilang Eat Bulaga! sa GMA-7 noong 1995.

Binati naman ni Charlene si Vic sa pagkakahirang nitong muli bilang Box-Office King—kahati ang co-star niya sa Si Agimat at Si Enteng Kabisote na si Senator Bong Revilla.

Sabi naman ni Vic, "Yung award naman na yun, e, nanggagaling sa mga manonood ng pelikulang Pilipino. Sa kanila nanggagaling yung award na yun.

"Let me take this opportunity to thank lahat ng tumatangkilik ng pelikulang Filipino. Lalo na’t kapanahunan ng festival, yung Metro Manila Film Festival, kaya kami nagiging Box-Office King, Queen. Dahil po sa inyong lahat."

THE SECRET OF VIC’S SUCCESS. Ano ang sikreto o magic na meron si Bossing (popular na bansag kay Vic) na mula nang magsimula siya sa industriya ay nasa taas na siya at paakyat pa nang paakyat?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman always on top. May mga a little under the top. Meron naman," sabi ni Vic.

"As far as sikreto or magic is concerned, wala namang ganoon, e. Me, I just go with the flow. I just go around, I just mingle with the people, mga fans, yung mga kaibigan, and you get ideas from them. What they like, anong klaseng entertainment ang gusto nila.

"And the thing is, I like what I’m doing. I have fun during taping, shooting. I enjoy it so much. I enjoy everything.

"I think yun ang importante sa buhay ng tao. Kahit anong trabaho mo, basta ine-enjoy mo. Basta maganda ang attitude mo towards your work and towards your kapwa, e, palagay ko, you will always be successful."’

Tinanong ni Charlene si Vic kung ilang movies ang gagawin niya for Star Cinema. May balita kasi na babalik muli si Vic sa film arm ng ABS-CBN to do more movies.

"Wala namang limitasyon ang movies na puwede kong gawin sa Star Cinema," sagot ng comedian-TV host. "Kanina nga, sabi ni Luis [Manzano], paminsan-minsan okay raw yung nakakalimutan ang network competition.

"Sabi ko, puwede namang hindi paminsan-minsan, puwede namang dalasan. So, definitely, it’s not the last time I’ll be working with Star Cinema. I’m looking forward to another project.

"Kasi, it’s nice. They’re friends. Mabait sila sa akin. I feel that I’m really welcome and I’m always part of the family. I’ve always been a Kapamilya, so..."

Dahil sa sinabi na ito ni Vic ay natuwa at nagsigawan ang mga tao sa loob ng studio. Kaya pinaulit ni Charlene ang huli niyang sinabi, na sinunod naman ni Vic.

"I’ve always been a Kapamilya," ulit niya.

BOSSING’S CHARISMA. Marami ang nagsasabi na kakaiba ang karisma ni Vic kaya naman maraming babae ang nai-in love sa kanya. Pero sino nga ba si Vic Sotto na hindi alam ng tao?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halos alam naman nila ang buhay ko, e," sambit niya.

What they see on TV, yun ba ang totoo?

"Well, not really," sagot ni Vic. "I talk more on television. I talk more when I’m being interviewed by Charlene Gonzalez. But behind the camera, I’m usually quiet. I’m a very good listener.

"Kasi, karamihan ng mga kasama ko, madadaldal. O, kapag dumaldal pa ako, wala nang makikinig sa kanila. So, ako na yung inatasan ng sarili ko na ako ang tagapakinig ng grupo.

"So, kadalasan, tahimik lang ako. Napagkakamalang suplado sa personal."

Pero hindi?

"Suplado talaga!" natatawang biro ni Vic.

Paano siya magmahal? Todo or reserved?

"Todo...nasa tamang level. Mahirap naman yung todo. Kapag nadapa ka, masakit.

"Mabuti na yung lumalakad nang dahan-dahan. Kung matalisod ka, e, may katangahan ka na lang! Kung madapa ka, seriously, hindi masyadong masakit ang pagkakadapa."

He’s protecting himself?

"Not only myself but also the others," sagot niya.

ALWAYS AVAILABLE. Diretsahan ding tinanong ni Charlene ang lovelife ni Vic ngayon—available, not available, or single but inspired?

"I’m always available," sagot ni Vic, dahilan para magsigawan uli ang mga tao sa studio.

Dugtong pa niya, "Para akong karinderya. Ituro mo lang, iluluto ko. Hindi, joke lang!"

Ang huling naging girlfriend ni Vic ay si Pia Guanio, bagamat hindi pa nila inaamin sa publiko kung totoong break na nga sila.

Hindi puwedeng i-deny that Vic is a ladies’ man. Marami ang nagkakagusto sa kanya from all ages.

Pero ayon kay Vic, "Kapag sinabi kasing ladies’ man, ang dating sa iba, parang malikot, e, or maharot. E, hindi naman ako ganoon. Tapat akong magmahal."

Ano ang nararamdaman niya kapag sinasabi ng ibang tao na babaero siya? Nasasaktan ba siya sa mga ganoong comments sa kanya?

"Hindi naman. Okay lang na sabihin nilang babaero ako, huwag lang ang lalakero!" biro ni Vic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kapag sinabi namang babaero, hindi naman tama yun. I would like to deny that.

"Sabi ko nga, I’ve worked with Charlene and we spent a lot of times together. Dati, nagtatrabaho tayo sa sitcom, and like you’ve said, I’m a one-woman babaero man!" biro niya ulit.

What will make him marry again?

"I’m not thinking about it right now. Ang sa akin, if it comes, then it comes. If it doesn’t, then I’ll still be happy."

Pero pangarap pa rin ba niyang makasal one day?

"Yes, I still want a wife who’ll take care of you. Meron pa naman siguro. Bata pa naman ako," nakangiting sabi ni Vic, na magdiriwang ng kanyang 57th birthday on April 28.

VIC AS A FATHER. Paano naman siya magmahal at mag-alaga sa mga anak niya?

"I have the tendency to spoil," pag-amin ni Vic.

"Pero ang maganda naman sa mga anak ko, ayaw nilang magpa-spoil. Sila yung mga tipong ako pa ang mamimilit magbigay.

"Like, if I know that they need something or anything, they’re not the type na lalapit or tatawag agad sa akin. Hindi sila yung, ’Dad, kailangan ko ng ganito’ Hindi, e. Minsan, ako pa mismo yung nagpupumilit na tumulong.

"So, doon sa aspetong yun, wala akong problema sa mga anak ko, and the credit goes to their mothers."

May dalawang anak si Vic sa dati niyang asawa na si Dina Bonnevie—sina Danica at Oyo; isa sa TV host-actress na si Coney Reyes—si Vico; at isa sa dating model-actress na si Angela Luz—si Paulina.

Ano ang mga nami-miss niya sa kanyang mga anak, gaya nina Danica at Oyo, na meron na ring sariling pamilya?

Si Danica ay kasal sa PBA player na si Marc Pingris, samantalang si Oyo naman ay ikinasal early this year sa aktres na si Kristine Hermosa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When they were kids," sagot ni Vic.

"Pero napalitan na rin naman ngayon. Magiging tatlo na ang apo ko. At, hopefully, magiging apat with Tin and Oyo.

"So, yung nami-miss ko sa kanila, yung takbuhan, malilikot na mga bata. Simpleng kausap, simpleng buhay. It’s nice being a kid.

"Kaya in this movie, Pak! Pak! My Dr. Kwak!, kasama ko sina Xyriel, Zaijian. We really had fun working together. Kasi I missed working with the kids.

"The last child superstar I worked with is Aiza [Seguerra]. Ngayon, binata na—binatang malaki ang balakang!" biro ni Vic tungkol sa acoustic singer.

SURPRISE GIFT. Pagkatapos nito ay inabot ni Charlene kay Vic ang mga sorpresang regalo, na mula raw kina Danica at Oyo.

Mula kay Danica ay ang bag na iniregalo sa kanya ng ama noong high school pa lang siya, at si Oyo naman ay litrato nilang mag-ama that the boy treasures.

Bukod dito, may isinulat ding liham si Oyo para kay Vic na binasa ng comedian on-air.

Habang binabasa ang sulat ni Oyo ay hindi napigilan ni Vic na maging emosyunal.

"Thank you. I wasn’t expecting... I remembered the last letter he wrote," sambit niya.

Gaano kaimportante kay Vic yun bilang ama?

"I love my children so much. They are very special. They are the special people in my life.

"Of all my children, si Oyo ang may pinakamaraming years that were spent with me. And mula noong mag-asawa, umalis na siya sa bahay, sumakabilang-bahay na siya.

"Medyo at first, I was kinda lost. Hindi ako sanay na walang kasama sa bahay na anak. Siyempre, alam ko naman na buhay niya yun. He wants a life with Tin and his own family. I respect that and I’m happy for him.

"I’m okay now. All my children are very nice, very responsible. Si Danica, Vico, and Paulina—I’m so proud to be a father to them," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BIRTHDAY WISH. Malapit na ang birthday ni Vic, which will be on April 28. Ano ang wish niya?

"Usually, ang wish ko, not for me but for other people. For my children, my love ones, my friends. Yung mga kasama ko sa trabaho and world peace," sabi niya.

Sa lahat ng success at love na natatanggap niya mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan, may kulang pa ba sa buhay niya?

"Palagi namang may kulang. Hindi mo lang napapansin dahil sa mga nagmamahal sa paligid mo. At kapag tuluy-tuloy ang tiwala mo sa Diyos, hindi mo mapapansin ang mga kulang sa buhay," sagot niya.

Ano naman ang message niya sa mga taong sumusuporta sa kanya through the years?

"Salamat. Maraming salamat at naibalik ko ang ibinigay niyo sa akin—yun ang palagi kong pinagpupursigihan, yun ang palagi kong pinagtatrabahuhan. Yung maibalik ang pagtingin na ibinibigay ninyo sa akin," sabi ng ageless box-office king.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN