Alden Richards and Enzo Pineda reveal their intentions for Louise delos Reyes

Alden Richards (left) and Enzo Pineda (right) faced off in the "Don’t Lie To Me" segment of Showbiz Central last Sunday, April 17. The two young male stars are both being linked to young female star Louise delos Reyes.


Sabay na nag-guest at nagharap sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central last Sunday, April 17, ang Kapuso young male stars na sina Alden Richards at Enzo Pineda.

Parehong nali-link sina Alden at Enzo kay Louise delos Reyes.

Si Alden ang isa sa mga leading men ng dalaga sa afternoon soap na Alakdana, samantalang ang StarStruck V First Prince na si Enzo ang nagpahayag naman ng kanyang intensiyon na manligaw kay Louise.

Ang unang tanong ng segment host na si John "Sweet" Lapus sa dalawang binata ay kung nililigawan ba nila si Louise.

"Yes" ang sagot ni Enzo at "No" naman ang sagot ni Alden.

Parehong "Truth" ang naging resulta nito sa lie-detector machine.

Tinanong ni Sweet si Alden kung totoo bang sinabi nito na, by next year, kapag 18 years old na si Louise, ay liligawan na niya ang kanyang kapareha.

"Hopefully po, sana," mabilis na sagot ni Alden.

Tinanong naman ni Sweet si Enzo kung gaano na siya katagal nanliligaw kay Louise.

"A, mahigit dalawang buwan po," pag-amin niya. "So, ayun, kung you’re asking kung ano yung panliligaw, siyempre yung panliligaw is kinikilala mo ang isang tao.

"Pero if you’re asking kung yung seryosong ligaw na bumibisita ako sa bahay at nagpupunta ako sa magulang niya, hindi pa po."

Ang next question ni Sweet sa dalawang binata ay kung totoong pinagbawalan ni Alden si Enzo na bumisita kay Louise sa set ng Alakdana.

Parehong "No" ang sagot ng dalawa, at parehong "Lie" ang resulta nito.

Paliwanag ni Alden, "Sige po... Opo, sinabi ko na pag dumadalaw si Enzo sa set is naiilang po ako. Kasi hindi ko naman talaga binabakuran si Louise in the first place.

"And then yung tungkol dun sa nagbabawal sa pagpunta set, wala pong nagbabawal kay Enzo. At most especially po, hindi ko pinagbawalan si Enzo na pumunta sa set."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinang-ayunan naman ni Enzo ang sinabi ni Alden.

Aniya, "Tama po si Alden, hindi po niya ako... Siyempre matagal na po kaming magkakilala ni Alden. So, kilala ko siya bilang isang mabait na tao, so imposibleng may lumabas na isyu na ganun."

Last week, sa "Don’t Lie To Me" segment din ng Showbiz Central, ay inamin ni Louise na isa kina Alden at Enzo ang matimbang na sa kanyang puso. Pero hindi sinabi ng dalaga kung sino ang lalaking tinutukoy niya. (CLICK HERE to read related story.)

Kaya ang sumunod na tanong ni Sweet kina Alden at Enzo: "Sa iyong palagay, ikaw ba ang sinasabi ni Louise na matimbang sa puso niya?"

"Yes" ang sagot ni Alden at "No" naman ang sagot ni Enzo.

Pareho na namang "Lie" ang naging resulta ng magkaiba nilang sagot.

Paliwanag muli ni Alden, "Kakilala ko na po siya kasi nagka-work na kami before, we share similar qualities po. Since nag-start yung Alakdana, mas naging close kami and we have this special bond ni Louise."

Tinanong naman ni Sweet si Enzo kung bakit "No" ang naging sagot niya.

"Sa tingin ko, talagang mas matimbang si Alden... Kakasabi lang niya. Ako, ilang buwan pa lang nakikilala si Louise. And si Alden, lagi niyang nakakasama si Louise, so siyempre mas close sila kesa ako at si Louise.

"Pero sana ako," asam ni Enzo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN