Kris Bernal rewards herself with brand new car; admits test-driving car with Jay Perillo

"Kasi sabi ko, every time magkaka-show ako ng bago, sabi ko, ’Bibili na ako ng bagong sasakyan, bibili na ako ng bagong sasakyan.’ Pero dumaan na yung mga shows ko, nag-The Last Prince na ako, nag-Koreana na ako, nag-Machete na ako, wala pa rin. Hindi pa rin ako bumibili. So, finally, parang napaisip ako, puwede na siguro," says Kris Bernal about buying a new car.


Bumili ang young actress na si Kris Bernal ng isang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng 1.4 million pesos.

Ang brand new car na ito ay very proud na ipinakita ng Kapuso star sa Showbiz Central.

"Dream ko... Kasi sabi ko, every time magkaka-show ako ng bago, sabi ko, ’Bibili na ako ng bagong sasakyan, bibili na ako ng bagong sasakyan.’

"Pero dumaan na yung mga shows ko, nag-The Last Prince na ako, nag-Koreana na ako, nag-Machete na ako, wala pa rin. Hindi pa rin ako bumibili.

"So, finally, parang napaisip ako, puwede na siguro," kuwento ni Kris sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central, na ipinalabas noong Linggo, April 17.

Nahirapan man sa budget si Kris habang pinaghahandaan ang pagbili ng kanyang sasakyan, kinaya pa rin niya ito.

"Kasi hindi naman kasi biro ang maglabas ng pera, di ba?" sabi ng StarStruck alumna. "Ang daming demands ng pagiging artista, ang daming gastos. Pero ito, pinag-isipan talaga namin."

Nang dumating na ang tamang pagkakataon, pinagbigyan niya ang kanyang sarili kapalit ng pinagpaguran niya sa showbiz ng ilan ding taon.

"Parang kailangan ko ng mas malaki dahil ang daming gamit ng babae, e. Actually, ang plano ko pang bilhin since ano, sabi ko, ’Mag-second hand na lang kaya ako?’

"Pero hindi, e, parang gusto kong regaluhan ang sarili ko ng, alam mo yun, ng bago talaga na talagang sa akin talaga," sabi niya.

Kung pamilya ni Kris ang nakasama niyang magdesisyon sa pagpili ng sasakyan, hindi naman nailihim ng aktres kung sino ang kasama niya sa pagte-test drive ng sasakyan pagkabili nito ilang linggo lang ang nakararaan.

"Oo, nung nag-test drive ako, kasama ko si Jay," pag-amin niya. "Kasi umuwi ako ng bahay nun, inihatid niya ako, so nandun yung sasakyan, tinest drive namin."

Ang singer na si Jay Perillo ang tinutukoy ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasabay ng rebelasyong ito ang paglilinaw ni Kris sa maling interpretasyon diumano ng mga tao tungkol sa iniintrigang ugnayan nila ni Jay.

"Ang tanong kasi sa akin, ’Ilang taon na kayong magkakilala?’ So, sabi ko, one year. E, ang lumabas ata, akala nila, ang sabi ko, one year na kami together as boyfriend and girlfriend. So, hindi.

"Kaya ang daming nagtatanong sa akin ngayon kasi kung in reality one year na kaming magkakilala, pero hindi pa talaga kami. Nanliligaw pa lang talaga siya, parang getting-to-know.

"Pero ’yon nga, sabi ko, ini-entertain ko, kaya nakikita kami na magkasama, ganun."

May pinahabol pang mensahe si Kris sa kanyang "masugid na manliligaw" tungkol sa pagpapaganda ng kanyang bagong sasakyan.

"Gusto ko bihisan ng Hello Kitty! Tapos niloloko ko si Jay, sabi ko sa kanya bilhan niya ako ng Hello Kitty.

"Sabi ko, ’Bihisan mo yung sasakyan ko ng Hello Kitty!’" ang tumatawang sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN