Family and friends all praise AJ Perez for his basic goodness

"He’s so passionate about what he does, e. He loves to be here. He’s doing everything, day in and day out, just working so hard to be a better actor, better dancer. Even in his passing, he somehow inspires me to wake up every day and just push myself to the limit, to make yourself a better person," says Sam Concepcion about his Gigger Boys co-member AJ Perez, who passed away last Sunday, April 17 due to a vehicular accident in Moncada, Ta


"Sobrang bait."

Ito ang naging paglalarawan ng halos lahat ng mga nakatrabaho ni AJ Perez sa showbiz na dumalo sa tribute na isinagawa para sa kanya kagabi, Abril 18, sa La Salle Greenhills chapel sa San Juan.

Ayon sa award-winning director na si Joey Reyes, walang maipipintas sa yumaong binatang aktor, na nakatrabaho niya sa mga pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo (2006), Sakal, Sakali, Saklolo (2007), at Magkaibigan (2008).

Ang katangiang ito na lamang daw ang iniisip ni Direk Joey upang kahit papaano ay maipaliwanag ang biglaang pagkawala ni AJ.

Nasawi sa isang vehicular accident ang dating bida sa Sabel habang pauwi na sila ng kanyang ama at dalawang road managers mula sa isang show sa Dagupan, Pangasinan. (CLICK HERE to read related article.)

Ani Direk Joey, "Ever since I met him, sobrang bait. Kaya iniisip ko, kaya kinuha na siya dahil sobrang bait na bata. Lalo na sa industriyang ito na ang gulo-gulo, ang daming opportunity to be corrupted.

"Kinuha na siya dahil sobrang bait niya. Alam naman ng lahat na up to his last moment, walang naipintas sa kanya, walang naitsismis sa kanya.

"At saka ang tanging dream niya is to be able to work and at the same time to study. For somebody that young, that’s really rare."

"PUNUNG-PUNO NG KATINUAN." Bukod kay Direk Joey, nagpunta rin sa burol ang buong staff ng talent search show na Showtime, kasama ang mga pangunahing hosts nito na sina Anne Curtis at Vhong Navarro, at ang resident judge na si Vice Ganda.

Noong nakaraang buwan, naging isa sa mga celebrity hurado si AJ sa programa. At sa pagkakataong iyon, nakita ng tatlong host ang mabuting ugali ng binata.

Ayon kay Vice, "Wala akong makitang mali, punung-puno ng katinuan. Ang made-describe ko lang sa batang ito ay siya ’yong batang punung-puno ng katinuan.

"Wala kang makitang flaws kahit ano—matino, mabait, mahusay. Sabi ko nga, ’Sa sobrang ganda ng personalidad mo, nababagot na ako.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa hiwalay na interview, sinabi rin ni Vhong, "Isa siya sa sinasabi ko nga na mahaba ang buhay sa showbiz kasi napakabait.

"Kasi, kahit magaling ka, hindi ka naman mabait, wala rin. Hindi ka magtatagal dito."

Para naman sa kasamahan ni AJ sa Gigger Boys na si Sam Concepcion, mananatiling inspirasyon sa kanya ang kanyang yumaong kaibigan.

Sabi ni Sam, "He’s so passionate about what he does, e. He loves to be here. He’s doing every thing, day in and day out, just working so hard to be a better actor, better dancer.

"Even in his passing, he somehow inspires me to wake up every day and just push myself to the limit, to make yourself a better person."

GONE TOO SOON. Halos lahat ng mga nakakakilala sa binatang Kapamilya actor ay nabigla sa trahedyang sinapit niya. Para sa kanilang lahat, masyadong maaga pa ang pangyayaring ito.

Bagamat kailangang tanggapin, hindi naman nila itinatanggi na mabigat pa rin sa pakiramdam ang pagkawala ng isang kaibigan.

Tulad halimbawa ni Vhong. Sinabi ng mahusay na komedyante at host, "Hindi ako makapaniwala na patay na. Parang nagbakasyon lang. Kasi, dito sa akin, parang hindi pa patay, parang iniisip ko lang, nasa bakasyon lang."

Si Vice naman ay nanghihinayang dahil para sa kanya, "Sobrang promising na artista si AJ. Aminin naman natin o hindi, iilan na lang ang ganyang katitinong bata, di ba?

"Lalo na sa showbiz—nag-aaral sa matinong eskwelahan at nagtatapos nang matino, ’yong napagsasabay ang show business at edukasyon nang walang nako-compromise.

"Maganda ’yong career niya, maganda ang studies niya. Kahanga-hanga talaga. Isa siyang inspirasyon sa maraming kabataan."

Halos ganito rin ang ipinahayag ni Sam.

Aniya, "It was so abrupt, it was so fast. He had his whole life ahead of him, his career was doing well and he’s gonna start in college. In a way, parang it was the right time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At para kahit papaano mabawasan ng kaunti ang kanyang kalungkutan, iniisip na lamang ng binatang singer-actor, "He has served his purpose here. We are all here for a reason. You know, God put us here and takes us back for a reason."

Samantala, isang maiksing mensahe naman ang ibinigay ni Anne para sa yumaong si AJ.

Sabi ng Showtime host, "We will be caring for your family and all the loved ones you left behind. We all know that you’re in a better place right now with our Father, our Creator.

"Keep an eye on all of us here. We will miss you, AJ. Thank you for sharing your life with us."

Ang special tribute kagabi ay dinaluhan ng mga kamag-anak, malalapit na kaibigan, kamag-aral, at mga kasamahan ni AJ sa showbiz.

Nagsilbing hosts ng programa ang kapwa Star Magic talents ni AJ na sina Robi Domingo at Valeen Montenegro. Pinaalala naman ng mga mang-aawit na sina Gary Valenciano at Sam Concepcion sa mga tao sa burol kagabi ang mga paboritong kanta ni AJ.

Pagkatapos ng programa ay pinapasok na ang mga tagahanga ni AJ, na nagtiyagang pumila sa labas ng kampus ng La Salle Greenhills para masulyapan sa huling pagkakataon ang kanilang paboritong aktor.

Kaninang tanghali, Abril 19, inilipat na sa Christ The King chapel sa Green Meadows, Pasig City, ang labi ni AJ.

Magkakaroon muli ng public viewing mamayang gabi—9 p.m. hanggang 12 midnight.

Bukas, April 20, bubuksan pa rin sa publiko ang burol ni AJ—mula 4 p.m. hanggang 7 p.m. at 9 p.m. hanggang 12 midnight.

CLICK HERE to view more photos from AJ’s wake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN