Lotlot de Leon’s new car tire blows up on NLEX; she and her children are safe

Actress Lotlot de Leon met a minor accident last Sunday, April 17, at NLEX, on her way to Nueva Ecija. She was driving her Hyundai Tucson when one of her tires blew up after hitting a big rock. Lotlot’s children were also in the car when the incident happened.


Pumutok ang gulong ng sinasakyang kotse ng aktres na si Lotlot de Leon noong Linggo, April 17, bandang alas-siete ng umaga.

Binabaybay ng aktres ang North Luzon Expressway (NLEX) patungong Nueva Ecija nang naganap ang insidente.

May nadaanang malaking tipak ng bato ang bagong Hyundai Tucson na minamaneho mismo ni Lotlot nang naganap ang pangyayari.

Maagap na naitabi ng aktres ang kanyang sasakyan sa shoulder ng NLEX malapit sa exit ng Bocaue, Bulacan, nung nangyari ang insidente.

Mabilis namang sumaklolo sa aktres ang mga miyembro ng NLEX Patrol Group, na siyang nagtanggal ng napinsalang gulong at siya ring nagkabit ng kapalit nitong gulong.

Matindi ang impact ng pagkakasagasa sa bato ng gulong ng sasakyan ng aktres dahil ultimong ang bakal na rim ng gulong ay nabasag.

Kasama ni Lotlot sa kanyang sasakyan ang mga anak niyang sina Janine, Jessica, Diego, at Maxine ng mga oras na ’yon.

Nasa kasunod naman nilang sasakyan ang iba pa nilang kaibigan na kinabibilangan ng character actress na si Mymy Davao, si Pinky Esturco (na kapatid ng character actor na si Ihman Esturco), at ang writer na ito.

Nag-alala ang mga kasama ni Lotlot dahil sa nangyari. Mabuti na lamang at naging maagap ang aktres sa pagmamaneho kaya walang nangyaring masama sa kanila.

Papunta ang grupo sa Hacienda El Valore sa Palayan sa Nueva Ecija, na pag-aari ng kaibigan nilang sina Marie Anne Rigor at Myles Gamboa (na kapatid ng dating actor/singer na si Arnold Gamboa), for a weekend vacation before the Holy Week.

Sa buong linggo mismo ng Semana Santa kasi ay sa condo unit niya sa Cubao lamang mamamalagi at magpapahinga si Lotlot bago muling sumalang sa taping ng Nita Negrita next week.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN