Bubbles Paraiso ditches party-girl image to focus on career

Actress Bubbles Paraiso will join the Gutierrez family on an out-of-town trip this Holy Week.


Ngayong Holy Week ay sasama ang aktres na si Bubbles Paraiso sa pamilya Gutierrez para magbakasyon at pansamantalang magpahinga sa trabaho.

"Si Tita Annabelle [Rama, Bubbles’s manager] asked me kung may plano na ko [for the Holy Week] and I said ’Tita, wala po.’

"So sabi niya, ’Sige, sama ka na sa amin.’ So aampunin niya ko. Yung kuya ko aampunin na din, so sasama kami sa mga Gutierrez," masayang kuwento ni Bubbles sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang aming makausap kamakailan sa Taguig City.

Maganda ang itinatakbo ng career ngayon ni Bubbles at nagpapasalamat siya sa kanyang manager at sa GMA-7 dahil tuloy-tuloy ang dating ng trabaho niya. Hindi raw siya nababakante.

"From Beauty Queen I went straight to Nita Negrita.

"As in, from the last taping day of Beauty Queen, nag-pack up ng 6 a.m., then 1:00 p.m. nag-story conference and pictorial na ’ko for Nita Negrita.

"So happy ako na medyo madaming trabaho," sabi ni Bubbles.

Paano ilalarawan ni Bubbles ang pagtingin niya ngayon sa trabaho kumpara noon?

"I think mas seryoso na yung approach ko ngayon.

"Kunwari, pag may taping the next day kailangan the day before magpapahinga na ko. Kasi siguro noon, parang medyo okay lang, ngayon kailangan talaga focus.

"’Tsaka kasi it’s really taxing. Like, yung role ko ngayon kontrabida talaga na halos mamamatay-tao na.

"Like, last night ang bibigat ng scenes namin—talagang iyakan, sigawan, sampalan. So you have to be prepared, kaya mas focused talaga ako sa career ngayon.

"I know I have an image as a party girl, but ever since the year started talaga, nag-lie low na ko sa paggi-gimik o sa paglabas-labas.

"Siguro lumalabas na lang ako pag merong birthday, tapos uwi na ko nang maaga, ganun.

"I’m not getting any younger na din, so kailangan talaga mag-seryoso na sa career and sa buhay," nakangiting pahayag ni Bubbles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN