Auraeus Solito’s Busong selected for Cannes’ Directors Fortnight

"Never nagpa-double si Alex. Kahit masakit na ang likod niya sa mga malalayong shot ng pagbuhat sa kanya. Kahit nangangatog na siya sa lamig bago lumusong sa waterfalls habang umuulan. Kahit ang tindi na ng init sa gitna ng pulang lupa. Wala talaga siyang kaarte-arte. She is a professional and a trouper. Her talent is pure and she is a good person at that!" says director Auraeus Solito (inset) about the lead star in Busong, Ale


Muling nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan ang award-winning indie filmmaker na si Auraeus Solito, sa pamamagitan ng e-mail, kaugnay ng pagkatanggap ng kanyang bagong pelikulang Busong (Fate) upang maitanghal sa prestihiyosong Cannes International Film Festival sa France.

Lumabas na noong Martes, Abril 19, ang opisyal na talaan ng mga pelikulang kabilang sa Cannes’ Directors Fortnight. Dalawampu’t isang feature films ang kabilang sa 2011 selection ng Directors’ Fortnight, isa sa mga non-competition sections ng Cannes—ang itinuturing na pangunahing film festival sa buong mundo.

Kasabay na maitatanghal ng Busong ni Auraeus Solito ang iba pang mga pelikulang likha ng mga filmmaker mula sa Amerika, Europa, at Asya, gaya ng O Abismo Prateado/La Falaise Argentee (Brazil, by Karim Ainouz); Return (USA, by Liza Johnson); Apres Le Sud (France, by Jean-Jacques Jauffret); Breathing (Austria, by Karl Markovics); Blue Bird (Belgium, by Gust Van Den); Chatrak (France/India, by Vimukthi Jayasundara).

Sa naunang press conference, bago ang opisyal na announcement, nagpahayag si Frederic Boyer, festival director ng Cannes-Directors Fortnight selection, tungkol sa pagkakapili sa Philippine film entry.

"I am thinking," sabi ni Boyer (sa Cannes Filmfest website news), "about a film we found from Southern Philippines... that transcends the border between documentary and fiction. The film deals with animism and is very close to nature. It has been shot without any apparent wish to be selected in Cannes or to be picked by a co-producer."

Sa buwan ng Mayo gaganapin ang Cannes Film Festival at inaasahang dadalo roon, bilang delegasyon, kasama ng iba pa, ang direktor at ang pangunahin niyang aktres sa pelikula—si Alessandra de Rossi.

THE PEP INTERVIEW. Narito ang kabuuan ng PEP interview kay Auraeus Solito:

Bukod sa Cannes, ipinadala mo rin ba ang Busong upang maitanghal sa iba pang international film festivals?

"Nope. Just Cannes."

Gaano kahalaga sa iyo na natanggap ang Busong sa Cannes?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Isang pangarap ang Cannes mula no’ng bata pa ako. Nang matanggap ang Insiang (1976) ni Lino Brocka sa Directors Fortnight at naging kauna-unahang pelikulang Filipino sa Cannes, naisip ko noon, ’Kaya ko kaya ito?’"

Ano sa palagay mo ang pinakamahalagang katangian ng Busong kung kaya napili ito ng selection committee sa Cannes Filmfest?

"In-email ako ng festival director ng Directors Fortnight na si Frederic Boyer. Sabi niya, pagkatapos daw nila panuodin, 10 minutes after, ay nagdesisyon na silang isama [ang Busong]. Nagandahan daw sila sa mga imahen, magaan at masarap panuodin ang pelikula. ’Soothing’ ang salitang ginamit nila."

Alessandra de Rossi. Sa isang hiwalay na interview, pinuri ka ni Alessandra de Rossi, bilang si Punay, isang Palawan native. Sabi niya, tinanggap niya ang papel niya sa Busong dahil naniniwala siya sa iyo bilang filmmaker. At sabi rin ni Alessandra, pinanood niya ang una mong pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros noong 2005 sa sinehan.

Was the feeling mutual? Did you also watch Alessandra’s starrers and admire her talent? Anong aspeto ng talento sa pag-arte ni Alessandra ang nais mong ipakita sa Busong na hindi naipakita sa iba niyang pelikula?

"Noon ko pa gusto si Alex [palayaw ni Alessandra], mula nang mapanuod ko siya sa Azucena [2000] ni Carlitos Siguion-Reyna at sa Hubog [2001] ni Joel Lamangan. Kuwento din sa akin ng ibang director na paborito daw nila si Alex at magaling talaga at walang kaarte-arte."

Nabanggit din ni Alessandra ang tungkol sa mga hirap at pagod na dinanas ng lahat sa shooting ng Busong: ang pag-akyat sa mga bundok, pagbaybay sa kasukalan ng gubat, at pagtawid sa mga mabato at malakas na agos ng dagat sa Palawan. Nagpa-double ba si Alex sa kanyang mahihirap na eksena?

"Never nagpa-double si Alex. Kahit masakit na ang likod niya sa mga malalayong shot ng pagbuhat sa kanya. Kahit nangangatog na siya sa lamig bago lumusong sa waterfalls habang umuulan. Kahit ang tindi na ng init sa gitna ng pulang lupa. Wala talaga siyang kaarte-arte. She is a professional and a trouper. Her talent is pure and she is a good person at that!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang pakikipagtrabaho ni Alessandra sa mga newcomers/new discoveries ng Busong? Nag-blend ba sila ng mga baguhang aktor ng pelikula?

"Nang mapanood ng nanay ko ang first cut, ni hindi niya nakilala si Alex. Na-realize lang niya sa ending na si Alessandra pala si Punay. Naging malapit siya sa mga co-actors niya, like Bonivie Budao and Cliff Banagale."

Sinu-sino sa iyong mga baguhang aktor sa Busong ang sa palagay mo ay magmamarka bilang personalidad na pang-showbiz and/or as artists.

"Para sa akin, lahat sila may potential at very talented talaga. Pero di sapat ang talento sa larangang ito. Kailangan ng sipag, tiyaga, at nagbabagang pasensiya. I plan to cast them ulit sa mga susunod ko pang pelikula kung di mawawala ang kanilang kasipagan at pagiging bukas sa mga posibilidad."

His roots in Palawan. Base sa trailer at mga larawang pampublisidad, Busong awesomely captured nature, both in its beauty and destructive qualities. Kakaiba ang "look" ng pelikula.

Sa iba mo pang nagawa, tulad ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (2005), Tuli (2005), Pisay (2007), at Boy (2009), in terms of the physical environment on which you worked, naging mas matindi nga ba ang paghamon nito sa iyo, bilang manlilikha sa pelikula?

"Taga-Palawan ang nanay ko. May katutubo siyang dugo ng tribong Palaw’an, ang mga naunang tao sa Palawan. Galing kami sa lineage ng mga tungkul o shaman kings. Mga ninuno ko ang namuno sa dulo ng Timog Palawan. Kaya’t parang umuuwi lang ako.

"Sa totoo lang, mas nahirapan pa ako nang nagdidirek ako sa Maynila. Nung nasa Palawan ako, para bang ibinibigay ng kalikasan ang kailangan sa pelikula ko.... Pagbabalik sa ugat ang pelikulang ito."

Son of Cinemalaya. With your film’s Cannes exhibition, higit na naging positibo ang tunguhin ng Busong, lalo sa napipintong pagsali rin nito sa gaganaping Cinemalaya sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa July 2011. Ano ang damdamin mo ukol dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Cinemalaya ang humubog sa akin bilang director ng pelikula. Diyan ako nagsimula. Ako ay isang tunay na anak ng Cinemalaya, ang una kong pelikula, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, ay isinilang sa Cinemalaya. At ngayon ang una kong pelikula sa Directors’ Showcase ay pumasok sa Cannes. Malaki ang utang na loob ko sa festival na ito.

"Iba-iba ang mga hurado at pumipili sa mga festival competition kaya’t di ko masasabi. Kahit sa international scene, naranasan ko nang manalo at naranasan ko ding matalo, dahil iba’t iba talaga ang taste ng jury.

"Gusto ko na din kunin ang pagkakataon na ito upang pasalamatan ang mga organizers ng Cinemalaya na sina Laurice Guillen, Nes Jardin, at Robbie Tan, na naniwala sa akin mula sa simula at hanggang ngayon."

(Nagkamit ng Best Director award si Auraeus Solito sa Cinemalaya Filmfest para sa entry niyang Pisay noong 2007.)

Pagkatapos ng Cannes at Cinemalaya, ano pa ang mga plano at tunguhin para sa Busong?

"We are aiming for a theatrical release, siyempre. May kakaibang mundo na makikita ng manonood—ito ang Palawan, its landscape and its people. Ito-tour din namin [ang pelikula] sa Palawan para mapanood ng mga Palaweño ang pelikula nila."

Ano sa palagay mo ang kahalagahan at pangunahing kontribusyon ng Busong sa patuloy na pagpapaunlad at pagsulong ng Philippine independent cinema?

"Papunta na talaga tayo sa regional filmmaking. Ehemplo na lang ang Halaw ni Sheron Dayoc, Ang Limbunan ni Teng Mangansakan, at Ang Damgo ni Eleuteria ni Remton (Siega) Zuasola. Hindi na sa Manila ang sentro ng daigdig ng pelikula. Panahon na upang balikan natin ang ating mga ugat, at ikuwento ang mga kuwento ng ating mga ninuno."

Kung bibigyan ka ng pagkakataon, anong malaking pagbabago ang nais mong gawin para sa Busong, kung mayroon man? Otherwise, kuntento ka na ba nang lubos sa bago mong pelikula at hindi na ito nais baguhin; at hindi rin hahayaang baguhin ng sinuman ang porma at nilalaman nito, tulad ng nangyari sa iyong Tuli (na nabigyan ng X-rating at pinaputulan ng MTRCB ang ilang mga eksena ng pelikula)?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya na ako sa kanya. Sapat ang lahat sa pelikulang ito. Naipakita niya ang kasabihan sa amin sa Palawan na manunga banar o magagandang katotohanan. Isa itong pangarap na natupad."

NOTES ON THE DIRECTOR OF BUSONG (FATE). Sa website din ng Cannes International Filmfest Directors Fortnight Selection ay mayroong tala tungkol sa Pilipinong filmmaker na si Auraeus Solito, tulad ng mga sumusunod:

"Auraeus Solito comes from a lineage of Shaman-Kings from the Palawan tribe. He is one of the first born outside of his tribal land. He is one of the leading independent filmmakers from the Philippines. His first feature film, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros (The Blossoming of Maximo Oliveros in 2005, won 15 international awards)."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN